"Kapag ayos ka na sigurado akong magiging ayos din tayo. Hihintayin kita kaya huwag kang magmadali." Ang makinig 'yon galing kay Troy ang nagpakalma kay Ishiro. Walang kapantay ang binibigay nitong kasiguraduhan sa kanya. Nanatili pa sila ng ilang saglit doon bago nagdesisyon na pumasok at matulog. Dahil sa biglaan ang pagpunta ni Troy ay nagdesisyon si Shiro na magkakasama na lang sila nina North na matulog. Yakap niya ang anak habang yakap silang dalawa ni Troy.
Katulad ng pinapangarap ni Shiro noon. Natutupad na ito ngayon dahil kay Troy.
"Teka, Teka, anong sabi mo? Kakalimutan mo na si Ace? Tama ba 'yung narinig ko o mahina lang yung signal? Choppy-choppy" pagd-drama ni Den sa tawag kaya napairap si Ishiro. Parehas silang may ginagawa Den is busy reviewing his files while Ishiro is at his office at inaayos na lang ang kanyang design bago pagpasyahan na i-discuss kay Ace o kay Nezer ang design.
"Paulit-ulit ka, Den. Ano bang pinapakain sayo ni Jiro at parang nababaliw ka lalo" asik niya ngunit humagikhik pa ang kausap kaya nagsalubong pa lalo ang kilay niya.
"Ha? Pinapakain? Ano.. ehe meshserep leng nemen penepekeen sheken ehe!!" Pabebeng sagot ni Erion sa harap ng screen at inipit pa sa likod ng tenga ang buhok bago ngumisi. Mas lalong lumandi ang isip nito ny makasama si Jiro at hindi na magtataka si Ishiro kung sila na ngayon. "Gaga ka bacla umayos ka nga!" Suway niya dito kaya napairap ang nakakabata sa screen.
"Dumi ng isip mo jusko syempre masasarap pinapakain sakin dito ni Jiro, special kasi ako sa kanya. Marunong at masarap siyang magluto no!" Ani ni Den kaya napakibit-balikat na lang si Ishiro sa kaibigan. Totoo maman ngunit hindi pa din siya maniniwala na walang label si Jiro at Den ngayon doon. Kilala niya ang kaibigan niya at hindi ito papayag ng matagal na walang assurance sa relasyon.
"Makalat ka kasi kaya naninigurado lang. Malay ko bang may tinatago ka sakin? Anyways, yeah.. move on, limot, pagpapatuloy, kahit ano pa yan gagawin ko" sagot niya at sumandal. Determinado na siyang bumitaw ngayon dahil napag-isip-isip ni Shiro na kung hindi ngayon kailan pa siya lalayo at gagawa ng distansya?
"You know I never doubted you and I'll support you on this. Sana nga, Ishiro. Sana nga." Bilin ni Den at bumuntong hininga. Naputol ang usapan ng dalawa ng marinig nilang parehas ang pagbukas ng pinto ng kwarto kung saan naroroon si Den habang kausap niya. It was Jiro, at mukhang hindi napansin ang kamera ng kaibigan dahil nagderetso ito kay Den at yumakap.
May kung anong mabigat at mainit na pakiramdam sa puso ni Ishiro sa nakikita. Naaalala niya si Troy. Ilang araw na ang nakalipas simula ng huli nilang kita sa isa't-isa dahil sa busy ito sa pagtulong ngayon dahil sa makalawa na ang kasal ni Ate Tammy.
"Go and take a bath first after resting, love. Kausap ko pa si Shiro sa phone." Utos ni Erion sa nobyo niya kaya dahan-dahan itong kumawala sa pagkakayakap sa nakakabata. He leaned closer to the camera at kumaway ni-walang kahiya-hiya na nakita ng kaibigan ang inasta niya pagdating kay Erion. Nahampas tuloy ito ng nakakabata.
"Hey, Ishiro! Kamusta na? You're glowing" sulpot ni Jiro sa screen kaya natawa si Ishiro nang marahang itulak ni Den si Jiro paalis. "Maligo ka na don!" Madiing utos nito. Panigurado, iniiwasan ni Den na may matanong si Jiro kay Ishiro patungkol kay Ace.
"Pinaalis mo pa talaga si Jiro e mukhang miss na miss ka. Puntahan mo na.. patapos na din yung break-time ko kaya babalik na ako sa pagt-trabaho."
BINABASA MO ANG
Love in North
FanfictionA Love that started in a contract, Forbidden to be in love, But always found each other's path in North.