Chapter 8

936 35 1
                                    


cw// mpreg

6 months later

"Buntis!" Napalingon na lang ako sa biglang sumigaw habang nagpapahinga ako sa hotel room. Napatayo ng walang oras dahil sa hindi inaasahang bisita. "Lingon ka naman agad buntis ka ba ha?" Asar ni Vonn kaya nahampas ko na lang siya sa braso niya bago akmang tumalikod na ngunit may pamilyar na boses akong narinig.


"Ibang klase talaga kapag ikakasal na hindi na naaalala ang pinaka maganda niyang kaibigan." Nanlaki ang mata ko nang masulyapan ko si Den na pumasok sa pinto. Mabilis akong napatakbo papunta sa kanya. "Ay grabe yung sakal hoy ang higpit! Baka hindi ako umabot sa kasal mo jusko bitaw-bitaw ng kaunti, Ishiro!"


Napatawa na lang ako at niyakap siya ng hindi masyadong mahigpit. Naramdaman ko na lang din ang yakap ni Vonn samin.


"Grabe.. na-miss ko kayong dalawa ng sobra" ungot ni Den. "Hindi ko pa din talaga maisip na ikakasal na si Shiro. Akala ko balak 'mong tumanda mag-isa."


"Correction, muntik na muntik na talaga." Panggagatong pa ni Vonn kaya napairap na lang ako at nakitawa. I let them in as I went straight to where I sat earlier.


"Den, isukat mo na 'yung damit na para sayo nandoon lang yon sa closet" nguso ko dito nang mailapag niya ang gamit sa sofa. "Ano bang gusto niyong kainin magpapadeliver ako."


"Kahit ano na lang. Wait, nasaan si North? Sina Tito at Tita? Si Manager Tim?" Tanong ni Vonn habang nainom na ng tubig. He handed the other glass of water to Den. 


"Kaya nga. Bukas na yung kasal bakit mag-isa ka lang dito?" Tanong din ni Den. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng tumunog ito.


"Babalik din sila mamaya. Pinagpahinga muna ako dito kasi masakit talaga ang ulo ko ngayon."


"Buntis ka!?" Nagulat ako nang sumigaw si Den na gulat na gulat. Tiningnan namin siya ni Vonn ng nagtataka. "Hindi ba ganyan ka noon?! Parang trangkaso lang pero buntis na pala si gaga" paliwanag niya pa kaya napalunok ako.


Malaki ang tiwala 'kong hindi pero kumakalabog ang puso ko sa ideyang yon. Nanunumbalik sakin ang excitement ngunit sa totoo lang natatakot din ako.


Ayaw ni North ng kapatid. He doesn't want it because he feels like he's not enough for us.


Napailing ako at lumunok ng palihim. I just want that thought to be gone in my head pero pagpatak ng alas onse ay gising pa ako at hindi makatulog. All of them are sleeping peacefully now since hapon ang wedding  around 2pm but I seems to not have the beauty rest that I needed dahil pala-isipan sakin.


Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko. Maaari ba? What if magpacheck up ako right a few days after the wedding? May nangyare na syempre I won't deny that but nag-iingat naman kami dahil palagi naming inaalala si North. Wala naman talaga akong dapat ika-kaba.


"Shiro, natulog ka ba?" Tapik sakin ni Nana kaya nagising ang diwa ko. Mapanuri ang mga mata nito. "Nako! Pagod na pagod ka masyado. Kumain ka muna at maligo na para masimulan ka nang ayusan."


"Na, sina Vonn at Den po?"


"Magkakasabay silang kumakain sa labas dahil nagcrave si Den ng ibang pagkain na wala sa menu ng restaurant nitong hotel." Paliwanag ni Kleo nang makapasok ito sa kwarto ko. Invited sila nina Nezer and of course Ninong siya ng anak ko kaya naman masasabi kong kumpleto kami?


Love in NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon