Chapter 9

1K 38 14
                                        

cw// miscarriage


"Jiro, Mahal ko.." naiyak na tawag ni Den nang magising ito. Sobrang nanginginig sa takot at pag-aalala. Napunta ang mga mata sa mga taong nakasunod sa nobyo niya. "Kamusta? A-Anong nangyare? Buntis ako ulit di ba? Kamusta 'yung anak natin..?" Tanong niya dito.


"J-Ji, ano ba sagutin mo 'ko kamusta ang anak natin. Ayos naman hindi ba?"


Nabasag ang boses nito. Hindi maipaliwanag ang sakit na dala 'non kay Jiro habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya si Den.


"I love you, Eri." Tanging sambit ni Jiro habang umiiyak at hinalikan ang kamay ng nobyo ngunit hindi nakatiis ang nakakabata sa paligaw na sagot ng nakakatanda.


Hinigit niya ang kamay niya mula dito.


"Jiro, yung anak natin kamusta na? Mahal ko may b-baby na tayo-- bakit ka umiiling? Ji, bakit?" Tuloy-tuloy ang agos ng luha ni Den habang iniuli-uli ang tingin kay Jiro. Walang sumasagot sa mga taong tinitingnan niya at pakiramdam niya na tama ang hinala niya.


Mabilis siyang umiling ng paulit-ulit habang mas lalong nagsisipatak ang luha. He sob as he shook his head.


"Ji, no.. not again" iyak nito. "Tell me this time our baby survived!" Sigaw nito which is a signal for Jiro to hug him. Halos paulit-ulit siyang nadudurog sa sitwasyon kasama si Den.


Again..


Hindi ito ang unang beses. Hindi ito ang unang beses na humagulhol si Den sa pagluluksa. He badly want to save his babies but even if he's trying so hard nawawala ito sa kanya. And everytime it happens, para siyang nawawalan ng kalahating buhay.


"Not again.. please.." Iyak nito sa bisig ni Jiro. Nanonood at hindi makalapit sina Vonn sa dalawa dahil sa pagiging emosyonal.


Mabilis na nagsipatak ang luha ni Shiro at napayakap sa asawa. It made him remember the time when he almost lose his son too. Noong muntik pa lang, masakit na, nakakatakot.


What about his friend who always bring the mood and positivity around pero sa totoo durog na durog na pala?


"Jiro, ayaw naming makialam pero hindi ito ang unang beses na nakunan si Den?" Hindi nakatiis si Ishiro na magtanong ng maya-maya ay makatulog na si Den sa bisig ni Jiro. Kakabalik lang din nito para ayusin ang room number ni Den dahil tingin nito ay mas makakabuti na nandito ito para sa mga need na check-up


Napatango naman si Jiro bilang sagot habang sinusuklay ang buhok ng nakakabata.


"We talked about having a baby first or getting married first but he want to have a baby kaya sumubok kami. Last year, nakunan din siya ng hindi niya alam dahil sobrang busy niya sa trabaho. It made him stop working for one month pero pagkatapos 'non nagpakabusy siya sa trabaho." Kwento nito kaya nakikinig si Ishiro at Troy. "Remember the time na nagkausap kayo kasi hindi kami masyadong nagpaparamdam? That day niya lang nilabas sakin lahat-lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng dapat anak namin. That day after months of controlling his tears infront of me.. doon siya nahirapan." Randam ng mag-asawa ang bigat na dala-dala ni Jiro.


Hindi nila masisisi ang rason kung bakit ang tagal hindi nagparamdam ng dalawa dahil grabeng pagkadurog pala ang kinakaharap nito doon.


Grabeng pagkawala sa kaluluwa bilang Isang ina ang mawalan ng anak.


Love in NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon