Chapter 1

1.9K 48 29
                                    

(Continuation of panel 3.45 of Love Contract)



Ishiro


It's hard for me to beg him to prioritize our son. It's between my ego and love for North. Ayokong masasaktan ang anak ko. Ako na lang ang sasalo ng lahat at kung magpanggap lang din na hindi ako nasasaktan sa sitwasyon namin, gagawin ko.










"Oh, ayan tanga." Komento ni Den nang tawagan ko siya pagkatapos kong patulugin si North sa kwarto namin. We both sigh. Clearly, getting tired of the complicated status na kinabibilangan ko na naman ngayon.










"Alam ko naman na gagawin mo lahat ng gustuhin ng anak mo kasi mahal na mahal mo yon. Pinangarap din 'nung bata na makita at makasama yung Dada niya pero bacla ka, kaya pa ba? Torture malala sa damdamin."










"Wala naman akong choice. Para kay North.."










"Totoo ba yan? Duda na ako." Sabi niya. "Akala ko ba 'wag mag-commit sa taong hindi sigurado sayo? Akala ko ba kapag ayos na doon na lang mag-commit sa palaging nandyan sa tabi mo? Masarap ba? Masarap 'bang kainin lahat ng salita mo?"










"Oo sobra. Lasang masasampal mo ko pag-uwi mo." Sagot ko kaya natawa na siya. Mabigat pa din sa dibdib kahit na tumawa kami parehas. Nandoon pa din yung sakit na nararamdaman ko kanina habang kinakain kami ng katahimikan nang sabihin ko yon. The way he only nodded to me feels like he was left with no choice. Yung iwas ng mata niya sakin.. it kills me.




Alam ko na na hindi na ako.




Ironic how when the morning came, kumalabog agad ang dibdib ko pagmulat ng mata ko with the thought na makakasama namin siya ni North sa buong maghapon. Halos manlambot ako habang nag-aayos at nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.










North is with Nana dahil nakain na ito and here I am confuse and anxious about my look. Hindi ako makampante. I bit my lips as i finger comb my hair.









Get to your senses, Ishiro! Hindi ka na teenager para umastang pupunta sa date. Truly, you'll never have another one with him since may girlfriend na siya.










Mabibigat ang paghinga 'kong sinuklay ang buhok ko habang nakatitig pa din sa sarili. Dati, nakukuha ko lahat ng gusto ko pero ngayon hindi na. Sobrang labo. Sobrang komplikado na.










"Shiro, nandito na si Ace." Katok ni Nana sa pinto kaya napatayo na ako at madaling kinuha ang bag namin ni North. "Wait po!"










Nagulat ako nang pagbukas ko ay bumungad si Nana sakin. She looked at me with those interrogating eyes. Napalunok naman ako sa ilang.










"Nakung bata ka. Kaya ba hindi mo sinasabi kung sino ang ama ng anak mo kasi artista pala? Napakagaling mong magtago tsk tsk" sambit niya habang nakapamewang. "Bilisan mo na at baka maabutan pa kayo ng mga tao sa labas.. mag-ingat kayo ha? Lalo na si North." Bilin niya kaya napangiti ako at humalik na sa kanya.










"Salamat po. Una na po kami." Paalam ko at nauna na din na bumaba. Kumakalabog ang puso ko habang bumababa sa hagdan. Agad lumandas ang mata ko sa terrace namin dahil sa narinig kong hagikhik ng anak ko.










Love in NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon