Chapter 5

991 43 20
                                    





"ANAK, go bless to Lala at Lolo na." Udyok ko sa anak ko nang lapitan kami ng magulang ni Ace sa table. His Mom is eyeing Madam Tuazon beside me before she smiled at me because of North na ngayon ay dahan-dahang bumaba sakin para sundin ang utos ko.

Ginapangan ako ng kaba kahit pa nakikita ko ang malaking ngiti ng magulang ni Ace dahil sa anak ko. Hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko may masasabi din sila sakin. Nasasaktan na ako ng sobra sa nangyayare ngayon.

"Ace, ijo, invite Czarina next time hm? I know she would love the dishes here." Pagkausap ng lola ni Ace dito. Napag-gigitnaan ako ng dalawa kaya hindi ko alam 'kung magkukunwari akong walang narinig o lilipat ng upuan. "Ikaw, Shiro, nagustuhan mo ba ang dishes na napili ko for this family gathering?" Tanong niya naman sakin kaya napalunok ako at napakuyom sa kaba.

I just nod my head kahit pa kakaunti lang ang kinain ko. "Hm.. it's good po thank you." Umiwas ako ng tingin ngunit nalipat na lang ang tingin ko kay Ace ng hawakan niya ang hita ko sa ilalim ng lamesa. He have this serious gaze na kanina pa niyang ekspresyon. I raised my eyebrows signaling him why pero bumuntong hininga pa muna ito before leaning to me. Hindi agad ako nakapag-react.

"Ako na. Let me handle this mess" ani niya at nginitian ako ng kaunti bago ito muling naglaho. "Enjoy the food and eat as much as you can. Ako na ang bahala sa anak natin." 

Sinubukan ko naman na-enjoyin ang pagkain pero paano ko magagawa 'yon kung may nararamdaman akong mali sa paligid ko? Hindi ko kayang balewalain na may taong parang ayaw ako sa iisang kwarto.

"Don't ever think that I don't like you, Ijo." Napalingon ako nang biglang magsalita ang lola ni Ace kaya kinabahan na naman ako. Ace is not here at the table dahil nagpabuhat sa kanya si North to come with his parents. "I'm just testing you but still, admit that I have a point earlier. Nakakaawa naman ang anak niyo at apo ko 'kung magugulat na lang siya isang araw may maaaring maging bagong pamilya ang tatay niya sa iba." Inaamin ko na nagulat ako sa mga sinabi niya pero hindi non matatanggal na tama ang sinabi niya ngayon. Napakurap ako habang nakatitig lang sa kanya, hindi alam kung anong isasagot. She lightly laugh.

"I like you as the mother of your child but I hope you understand that I don't like you as Ace' other half not when he have someone with him. Please, quit accepting the romance between the two of you dahil may masasaktan kayo na walang kaalam-alam sa lahat. Yon lang naman ang posibleng ikagalit ko, Ijo. Play fair."

Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig sa kawalan. Pala-isipan ang binitawang salita ng Lola ni Ace na ngayon ay nakikipag-usap na sa tao sa harap. May announcement daw na mangyayare para magbigay kaalaman sa buong angkan nila na nandito.

Nahihiya 'man at naiilang sa tingin ng iba ay pinilit ko na lang na ngitian sila. May ibang lumapit at nagtanong sakin kaya sinagot ko din. Hilaw na ngiti na lang ang naisukli ko nang tanungin ako ng pinsan ni Ace kung pati may boyfriend na ba ako na bago.  Hindi ko din naman ikaka-ila na may isang taong pumasok sa isip ko nang mabanggit yon ngunit pinigilan kong ngumiti ng sobra para hindi mahalata.

Napapalakpak na lang ako nang magsimulang mag-anunsiyo ang mga ito patungkol sa mga recent achievements nila. Nagsimula ang anunsyo sa business ng pamilya niya, fresh graduate na pinsan ni Ace, at iba pa. Napanganga at napapalakpak ako sa saya nang ianunsyo ng isang pinsan ni Ace na magkaka-anak na sila. Bale, ito ang magiging pangalawang apo sa bagong henerasyon nila at nauna ang anak namin syempre. Kaya siguro tuwang-tuwa si Yra, asawa ng pinsan ni Ace. Nilalaro nito kanina ang anak ko.

Love in NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon