CHAPTER 40

19.6K 451 30
                                    

A/N: This part is not originally in the series, I added this to solve the mystery of what happened before. 


DRISHTI'S POINT OF VIEW


ILANG buwan ang lumipas at hindi pa rin humuhupa ang galit ni kuya Trius sa amin lalo na kay papa. 


Sa araw-araw na nakatira kami sa iisang bubong ay tila para akong isang bula na dinadaan-daanan niya lang sa tuwing magkakasalubong kami sa bahay. Ganoon din ang paraan ng pagtrato niya kay papa. 


Mas mabuti nga ang sitwasyon ni papa dahil bumili sila ng sarili nilang bahay ni tita Therese kaya't bihira niya lamang makadaupang palad si kuya Trius. 


Minsan ay bumibisita ako sa kanila lalo na kapag wala sa bahay si kuya Demetri at alam kong kami lang ni kuya Trius ang nandoon, pakiramdam ko kase ay parang hindi ako makahinga sa tuwing kami lang ang nasa bahay. 


Isang araw ay may dala akong dalawang pares ng pamalit, balak kong matulog kila papa dahil umalis si kuya Demetri papuntang Europe para sa business trip niya. 


kami lang ni kuya Trius ang maiiwan sa bahay kaya't minabuti ko na makitulog na lang kila papa upang kahit papaano ay hindi kami masyadong magkita ni kuya Trius. 


"Drishti, nandito ka pala!" Wika ni tita Therese nang mabuksan niya ang gate ng bahay nila. 


Agad niya akong pinatuloy, "Nagsabi po ako kay papa na dito ako matutulog hanggang bukas." Nakangiting tugon ko. 


"Oo, nabanggit nga sa akin ni Demencio. Hindi pa rin ba maayos ang pakikitungo ng kuya mo sa'yo?" Tanong niya.


Naupo kami sa sofa ng living room nila. May nakahanda na doon na isang pitchel ng orange juice, "Hindi pa rin po. Kaya kung pwede po baka pwedeng dito muna ako hanggang sa makabalik si kuya Demetri sa business trip niya sa Europe." Pakiusap ko.


"Nako oo naman, welcome na welcome ka dito, ija. Sa katunayan nga pinagluto kita ng paborito mo, nakwento kase sakin ng papa mo na gustong-gusto mo raw ng Carbonara, kaya nagluto ako kanina dahil alam kong ngayon ang dating mo." Aniya. 


Ngumiti ako, sa katunayan ay mabait talaga si tita Therese. Kung hindi dahil sa kanya ay baka tuluyan akong binawian ng buhay. Mabuti na lang at dumating siya. 


Saglit siyang tumayo at nagtungo sa kusina, sinabi niyang iiinit niya lang daw niya ang hinanda niya kaya't tumango ako.


Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, dumako ang mata ko sa mga picture frames na naka display sa isang patungan sa gilid ng TV. 


Nandoon ang litrato ko at litrato nila kuya Demetri at kuya Trius. May mga solo shots at meron ding magkakasama kami kasama si papa. 


Dumako naman ang paningin ko sa dalawang picture frame na nandoon, ang isa ay kasama si tita Therese at nasa magkabilang gilid niya ang dalawang lalaki na sa palagay ko ay kasing edad ni kuya Trius ang isa at mas bata naman ang nasa kanan. 

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon