CHAPTER 10

59.8K 2.1K 871
                                    

CHAPTER 10







3 years later..







"ATE DRISHTI, ang tagal mong hindi bumisita sa amin!" Wika ni Nina nang makabalik ako sa ampunan pagkatapos ng dalawang taon.







"Naging busy kase si ate Drishti sa school, pero tignan niyo, teacher na si ate ngayon!" Masayang wika ko, ngumiti pa ako sa mga ito ngunit simangot lang ang sagot ng mga ito.







"Ishay, ikaw na ba 'yan?" Napalingon ako kay Sister Belinda habang kasama si sister Trisha.







"Ang laki ng ipinayat mo, ija." Wika ni sister Trisha, ngumiti ako sa kanila. Naka-tuck in na white na polo ako at pinaresan ng blue jeans at robber shoes sa white.







"Galing po akong eskwelahan, sister. Teacher na po ako ngayon!" Masayang paalam ko, minabuti ko kaseng mag-focus noon sa pag-aaral kaya kung hindi sa university ay nasa bahay lang ako nila tito.







Kanina lang din ako nagdesisyon na bumalik sa apartment namin nila Nads at may magandang balita pa ang loko. Imbitado kami sa kasal ng kuya niya na gaganapin sa isang beach resort.







"Nako, proud na proud kami sa'yo!" Wika ni sister Belinda, matamis akong ngumiti at pagkatapos ay may lumapit sa amin na pamilyar na bulto, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil naka-hoodie ang lalaki.







Umaliwalas ang mukha nila sister ng makita siya, "We'll contact your office for the donations and fund raising, sister." Wika nito habang nakila sister ang tingin.







"Oho sige po, maraming salamat uli. Kung hindi dahil sa inyo ay matagal nang nagsara ang ampunan." Wika ni sister Belinda, tatalikod na sana ako nang marinig ko ang boses ni Lucia sa 'di kalayuan.







"Mommy!" Tawag nito.







Tinignan ko ang papalit na bata at nang makalapit ay agad itong kumapit sa aking binti at nagpakarga. Binuhat ko siya, "Drishti, may anak ka na?" Tanong ni sister Trisha.







Tanging ngiti lang ang sagot ko, aalis na sana ako nang marinig ang isang pamilyar na boses na tinawag ang pangalan ko, "Drishti?"







Tinanggal niya ang kanyang hoodie na suot sa ulo kaya't nagtama ang paningin namin, "Kuya Jegudiel?"







Umayos siya ng tayo at namulsa, "You look amazing," aniya.







Tumawa ako, "Sa stressed lang po 'yan." Pilit akong ngumiti sa kanya lalo na nang dumako ang kanyang mata sa batang hawak ko.







"Mommy, sino siya?" Tanong ni Lucia, "'Di ba sabi ko sa'yo antayin mo na lang si mommy sa car? Papagalitan tayo ng papa mo e." Pangaral ko sa kanya, ngumuso lamang ito at hinalikan ako sa pisnge.







"Anak mo?" Tanong ni kuya Jegudiel sa akin, nakaawang ang kanyang labi na parang hindi makapaniwala.







"Mauna na po kami, sister. Dumaan lang po talaga ako para tignan sila Nina, balik na lang po ako kapag free time ko sa school." Paalam ko, hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at pagkatapos ay naglakad na palayo.







Nang makarating kami sa kotse tinignan ko si Lucia, "Why didn't you tell him na niece mo lang ako?" Tanong niya.







"Lucialiana Nicole!" Suway ko, narinig ko ang pagtawa niya. "I love you." Wika niya.







PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon