CHAPTER 45

18.7K 519 63
                                    

CHAPTER 45




INILIBOT ko ang aking paningin nang makapasok sa mansyon na ipinagawa niya para sa amin nila Lucia. 



"Nako, ma'am, mabuti na lang at naisipan niyong tirahan na ang mansyon na 'to. Napakalaki pero wala namang nakatira simula nang matapos ipagawa. Sabi ko nga kila sir Faris ay sayang naman yung sinasahod ng ibang katulong, wala rin namang pinagsisilbihan." Pagkukwento ni manang Imelda. 



Siya ang tumatayong mayordoma ng mansyon, siya ang namamahala sa pag-aalaga ng mansyon na ito simula nang matapos sa pagpapatayo. 52 years old na siya at katulong niya sa pagsisilbi sa mansyon ang apo niyang si Liezel. 



"Ma'am, kumain na po ba kayo? Kung hindi pa ay magpapaluto ako ng tanghalian para sa inyo." Wika ni manang Imelda. 



"Kumain na po kami, manang." Nakangiting tugon ko pagkatapos ay ibinaba ang dala kong bag na puro gatas at pamalit ni Therence. Kalong-kalong siya ni Nads na nakaupo na sa sofa ng malaking living room. 



"Oh siya, Liezel, tawagin mo yung iba para maipakilala ko sila kay Ma'am Drishti." Utos ni manang na agad namang sinunod ng apo niya. 



Matapos ang ilang minuto ay lumabas mula sa kusina ang lima pang babae na sa tingin ko ay naglalaro sa 40's hanggang late 20's ang mga edad, pare-pareho sila ng suot na uniporme. Kasama nito ang tatlong lalaki na iba-iba ang uniporme na suot. 



"Ma'am, ito po si Marisel, 35 years old. Siya ang labandera sa mansyon, kung meron po kayong ipapalaba o kailangang ipalinis na damit, sa kanya mo lang ibibigay." Ngumiti sa akin ang isang babae na nakapusod ang buhok, morena siya at pudpod ang kuko sa mga kamay. Kinamayan ko ito at agad naman niyang tinanggap.



"Ito naman po si Perla at Dolores, 28 at 31 years old. Sila po ang tagalinis ng mansyon, kung may gusto po kayong ipaayos o ipalinis, sila po ang lalapitan mo." Kumaway sa akin at dalawang magkatabi na babae na may hawak na walis at pang tanggal ng alikabok.



Kakamayan ko sana ito ngunit tumanggi sila, "Nako, ma'am, 'wag na po. Marumi po ang kamay namin, kakalinis lang po namin ng master's bedroom." Tugon nila. Ngumiti na lamang ako at tumango. 



"Ito naman si Analyn, 33 years old. Isa po siya sa mga cook ng mansyon. Tatlo sila kaso wala dito yung dalawa, pareho-pareho silang graduate sa kilalang unibersidad dito sa Maynila. Kaya asahan niyo po na masasarap ang ihahain nila sa tuwing may ipapaluto kayo." Wika ni manang, kinamayan ko ito at pagkatapos ay tumingin sa huling babae.



"Ito naman po si Nenita, siya po ang pinadala ni sir Faris para mag-alaga kay senyorita Lucia. 37 years old." Kinamayan ko ito at pagkatapos ay nagsalita, "Kailangan niyo po ng maha-habang pasensya." Pagbibiro ko.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon