CHAPTER 27

46.8K 1.6K 181
                                    

CHAPTER 27





NANG matapos kaming kumain sa isang buffet restaurant ay agad kaming nagtungo sa department store.




Tumingin kami sa clothes section at nang dumako ang mata ko sa isang couple hoodie ay agad ko itong nilapitan.




"Ang cute 'di ba?" Tanong ko kay Luther. Hanggang ngayon ay bitbit niya si Lucia sa kaliwang bisig habang magkasiklop naman ang kanyang kanang kamay at ang aking kaliwang kamay.




Kulay light pink yung hoodie na may tatak ng mukha ni Jack and Sally. "You want me to wear that?" 'Di makapaniwala niyang tanong.




Agad akong tumango, "Isn't it cute?"




Rumolyo ang kanyang mata, "I'm not gonna wear that." May pinalidad sa kanyang tono.




Nag-kibit balikat ako at kinalabit si Lucia, "Lucia, let's wear this." Yaya ko sa kanya.




Agad na umaliwalas ang mukha ni Lucia, "Sure, mommy." Nakangiti niyang sagot.




Agad akong bumaling sa sales lady na kanina pa nakasunod sa amin, "Miss, penge akong size ko tsaka size niya." Utos ko sabay turo kay Lucia.




Luther bit his lower lips, para itong nagtitimping batukan ako.




"Fine, give me one also." Wika niya.




Napangiti ako, "Akala ko ba ayaw mo?" May panunudyo ang boses ko.




"I want us to look like a family." Binitawan niya ang kamay ko at kumamot sa kanyang batok.




Natawa ako sa istura niya, mukha siyang nahihiya at namumula pa ang kanyang ilong.




Agad akong lumapit sa kanyang at hinalikan siya sa pisnge, "Thank you." Wika ko.





Nang makabalik ang sales lady na dala ang pinakuha ko ay agad kaming nagtungo sa counter upang bayaran, nang mabayaran ay agad kaming nagtungo sa fitting room para suotin ang binili.





Madaming nakapila kaya medyo matagal kaming nag-antay, "Ma'am/sir, one person at a time lang po." Pigil nung isang sales lady nang papasok na kaming tatlo nila Luther sa loob.





"It's fine, she's my wife." Sagot ni Luther at hinaltak na ako papasok sa loob. Walang nagawa ang sales lady na pumigil sa amin.





Agad kong isinuot kay Lucia ang Hoodie, sinuot ko sa kanya ang hood at hinalikan ang kanyang noo. "Ang cute mo." Puri ko.





Humagikhik siya at humarap sa salamin, tumayo ako at tinulungan si Luther sa pag-ayos ng kanyang hoodie.





Nakangiti kong inayos ang kanyang buhok na bahagyang nagulo dahil sa hood. Tinignan ko ang kanyang kabuuan at hindi man lang nakabawas sa napakalakas niyang dating ang suot niyang pink na hoodie.





Mas lalo pa nga itong gumwapo sa paningin ko dahil nakasibangot siya at hindi maipinta ang kanyang mukha. Humalkhak ako, "Wag ka ngang sumimangot, ang gwapo mong tignan e." Puri ko.





Mas lalong nagsalubong ang kilay niya kaya agad ko siyang hinalikan sa labi, "Ang gwapo ng asawa ko. 'Wag mo lang subukang tumingin sa iba, nako't ako mismo ang dudukot sa mata mo." Banta ko.





Sinuot ko na rin ang hoodie ko at tinignan ang repleksyon ko sa salamin, "Buhatin mo si Lucia, let's take a picture." Wika ko.





PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon