CHAPTER 37

33.5K 1.1K 83
                                    

CHAPTER 37


DRISHTI'S POINT OF VIEW


NAKANGITI ako habang pinagmamasdan si Nash na inaayos ang gamit ko.

Ngayon araw na ang labas ko dito sa Asylum, I've been confined here for almost three months.

And for those months, Nash was always there for me. He made me feel special, kahit noon pa na unresponsive ako ay aware ako na siya palagi ang nagbabantay at nag-aalaga sa akin.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinaplos ang tyan kong may umbok na kahit papaano, "Are you ready to go out?" Masuyo ang boses niya at tila inaalala ang kalagayan ko.

Bahagya akong ngumiti, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Thank you, Nash. I know I've been a big baggage to you, thank you for always being there for me." Pasasalamat ko, bahagya siyang lumayo at mabilis na pinitik ang noo ko. Tila may kumurot sa dibdib ko, parang may bumabalik na alaala sa akin na gusto kong kalimutan.

"Hindi ka pabigat sa akin, you're special to me kaya tinutulungan kitang maka-recover." Sagot niya, tumayo na ako at humarap sa kanya. 

"Are you sure you're alright?" Tanong sa akin ni tita Dalia, she's wearing a white doctor's coat.

Bahagya akong dumistansya kay Nash at nagtungo kay tita upang salubungin siya ng mahigpit na yakap, "Salamat, tita. I love you.." Mahinang bulong ko.

She chuckled and kiss my forehead, pagkatapos ay hinimas niya ang tyan ko.

"Be a good baby, okay? 'Wag mong papahirapan ang mommy mo sa pagbubuntis, lumabas ka agad dahil gusto ka nang makita ni grandma." Bulong niya doon, tumawa ako.

Naramdaman ko ang pagkapit ni Nash sa balikat ko, "Aalis na po kami, Doktora." Paalam nito.

Nakangiting tumango si tita, "Aalagaan mo ang pamangkin ko, okay?" Paalala niya kay Nash, he just chuckled and nod his head.

Habang naglalakad kami sa hallway palabas ng Asylum ay may bumabati pa sa amin at kino-congratulate kami.

May mga tumitingin sa tyan ko pagkatapos ay ngingiti, "Pupunta ba muna tayong hospital?" Tanong sa akin ni Nash.

His left hand was lifting my bag while his right hand was holding my hand, agad akong nakangiting umiling.

"No, ako na lang ang pupuntang hospital bukas. Kumain na lang muna tayo," sagot ko.

"Pero may meeting ako sa Tagaytay bukas, hindi kita masasamahan." Aniya, napangiti ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Kaya ko naman pumuntang hospital mag-isa para sa check up ni baby." Sagot ko, he looks pretty worried.

Agad akong ngumiti upang hindi na siya mag-alala, "Your pregnancy is sensitive, Drishti. At isa pa, baka mahilo ka na naman at matumba nang wala ako." Aniya. Bahagya akong natawa at umiling.

"'Wag ka ngang OA, kaya ko na. 'Wag kang mag-alala masyado, okay?" Nakangiti ngunit may diin ang bawat salita ko.

Minsan ay natatawa ako sa sobrang pag-aalala niya, kung hindi ko nga kaibigan si Nads ay hindi ko talaga mapagkakamalan na magpinsan ang dalawa.

Sobrang layo ng ugali nila.

Bumuntong hininga siya at walang nagawa, "Fine. Just be careful and call me if something happens, okay?" Paalala niya.

Tumango ako, nang makalabas kami ng Asylum ay agad kaming nagtungo sa parking lot. Nandoon ang kanyang sasakyan sa bukana kaya mabilis kaming nakasakay at nakaalis.

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon