CHAPTER 6

62.8K 2K 469
                                    

CHAPTER 6








BUMUNGAD sa akin ang isang kulay lilang pader ng kwarto, lahat ng furniture sa loob ay halatang pambabae.





"Ang ganda." Wika ko habang pinapalibot ang paningin ko sa buong kwarto.






Naupo ako sa malambot na Queen size bed, malambot ito pagkahawak ko pa lang. Nahiga ako, agad akong binalot ng antok at sa sobrang pagod ay agad akong nakahanap ng komportableng posisyon upang matulog.






Pumasok sa isip ko na wala akong tulog dahil sa pag-aya sa akin ng inuman nila Nads at ang test namin sa university kaninang umaga kaya wala talaga akong tulog at pahinga.






Tuluyan akong binalot at dinalaw ng antok kaya madali akong nakatulog.






NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang gumagapang na kung ano sa hita ko. Agad ko iyong bahagyang tinanggal at tumagilid ng higa.






"A-Aray..." mahinang daing ko nang maramdaman ang pagpisil ng kung ano sa aking bewang.






Hindi ko iminulat ang aking mata dahil tila wala akong lakas at parang nawawalan ng enerhiya ang buong katawan ko na kumilos, nakatihaya ang higa ko kaya ramdam na ramdam kong hindi lang ako mag-isa sa kamang kinahihigaan ko.






Naramdaman ko rin ang isa-isa nitong pag-tanggal sa butones ng suot kong uniporme doon ako natauhan at agad na nagdilat ng mata. Marahas akong tumayo ngunit bago pa ako makalayo ay nahigit nito ang bewang ko dahilan upang mawalan ako ng tsansang makaalis.






Madilim ang buong kwarto ngunit alam ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon, nakaupo siya kama habang ako ay nakaupo sa kanyang hita habang ang kaliwang braso niya ay nakabalot sa bewang ko.






"Stop.." mahinang tawag ko sa pag-aakalang titigil siya.






Tumigil ito at hindi na nagpangahas pang igalaw ang kanyang kamay.






"Do you want to know why I brought you here?" Tanong niya, mas hinigit niya ang pagkakahawak sa bewang ko na tila hindi ako hinahayaang makaalis.






Tumatama ang mainit na hiningang nanggagaling sa kanyang bibig sa aking dibdib.






Naramdaman ko ang init ng balat niya na tumatama sa akin. Hindi ako makahinga nang maayos nang dahil sa dilim ng kwarto.






"Because I like you." Wika niya.






HIndi agad ako nakasagot sa sinabi niya, para akong poste na nakasemento ang katawan sa isang tabi at hindi makakilos. 




Ganitong-ganito rin ang naramdaman ko noong unang nagtapat si Jack sa akin noon na may gusto siya sa akin.






Maya-maya ay naramdaman ko siyang muli na kumilos, "Would you let me kiss you?" Marahang tanong niya.




Ilang minuto akong hindi nakasagot ngunit tila may sariling isip ang katawan ko kung kaya't wala sa sarili akong tumango.






Our lips met, sa una ay namayani ang pagkabigla sa buong sistema ko.



PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon