CHAPTER 31

41.5K 1.2K 100
                                    

CHAPTER 31 | R18+

NANG makarating kami sa Mansyon ay padabog akong lumabas ng sasakyan niya, hindi ko na siya hinintay na makalabas at nagmamadaling nagtungo sa loob.

Agad akong pumasok ng mansyon, nadatnan ko si kuya Lazarus, kuya Maximo at kuya Gabriel na nasa sala at tila may pinag-uusapan.

Agad na dumako ang kanilang mata sa akin, "Akala ko ba bukas ka pa uuwi?" Tanong ni kuya Maximo habang nasa pinag-uusapan pa rin nila ang tingin.

Pumasok si Luther mula sa front door kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin, "Kuya Lazarus, kukunin ko na lang yung sasakyan bukas sa apartment namin, iniwan ko kase wala ng masasakya--" Agad niyang pinutol ang dapat na sasabihin ko.

"You don't have to, that's yours now." Walang gana niyang sagot sa akin.

Sasagot pa sana ako ngunit hinigit ni Luther ang pulsuhan ko, "Let's go, we have something to talk about." Wika niya at hinigit ako paakyat ng hagdanan.

Agad niya akong hinaltak papasok sa kwarto kung nasaan si Lucia na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama.

"If you want to talk, do it tomorrow. Lucia is asleep." Malamig na wika ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"That's the point, Drishti. So you can't fucking shout." Mahinang sagot niya, napairap ako at nagtungo sa walk-in closet.

Naghanap ako ng pantulog at agad na nagpalit, tinatamad na akong maglinis ng katawan kaya dumiretso na ako sa kama nang makapagpalit.

"Drishti, stop it and let's talk first." He demanded.

Hindi ko siya pinansin at nagdiretso pahiga sa tabi ni Lucia, wala pang ilang minuto ay naramdaman ko ang paghiga ni Luther sa tabi ko.

Niyakap niya ang bewang ko, "I'm sorry." Rinig kong wika niya.

"I told you, if you want us to talk, make it tomorrow. I'm tired." Tugon ko.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya na tumama sa batok ko, "I can't stand being in the same room with you right now." Wika ko.

Gumapang ang kanyang kamay sa buhok ko, sinuklay niya 'yon gamit ang kanyang daliri. "I'm sorry."



Saglit na tumahimik ang buong kwarto at pagkatapos ay naramdaman ko ang pagtayo niya.




"Sleep well, love." He whispered.





KINABUKASAN ay wala na si Luther sa tabi nang maimulat ko ang aking mata.

Tanghali na rin kase ako nagising kaya't ang naabutan ko na lang ay ang tanghalian na kinakain nila.



Nagtaka pa ako kung bakit wala si Luther sa normal niyang pwesto. Tinabihan ko na lang si Lucia at nagsimula nang kumain, "How's your reunion with your friends, Drishti?" Tanong ni kuya Faris.





Nakangiti akong sumagot, "Ayos naman po, nag-enjoy kami." Tipid na tugon ko.





"That's good then, the car is yours now. Take it as our gift." Aniya, napakunot naman ang noo ko nang marinig ang sinabi niya.





"It's your birthday next week, right?" Wika ni kuya Caspian.





Napakurap-kurap ako at pagkatapos ay kumamot sa ulo, "Nakalimutan ko."





Namayani ang katahimikan habang kumakain, hindi sila kumpleto sapagkat wala si kuya Gabriel, Lazarus, Maximo at kuya Jegudiel.






PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon