CHAPTER 47

23.5K 562 155
                                    

CHAPTER 47




"WALA pa ring tigil ang ulan." Wika ni ko habang nakatingin sa TV na nasa living room. Tulog na si Therence sa kwarto at binabantayan ito ni Liezel samantalang si Lucia ay nanonood ng cartoon sa TV.



Alas syete na ng gabi at medyo dinadalaw na rin ako ng antok dahil buong araw akong tulala kanina sa kwarto dahil hindi mag-sink in sa akin ang biglaang pagbabalik ni Luther. 



"Huminto naman kanina pero saglit lang, mas lalo pa ngang lumakas yung ulan nung bumalik." Tugon ni Manang habang nagwawalis sa sala. 



Mabuti na lamang at nakapaghapunan na kami. "Lucia, that's enough. Prepare na for bedtime." Pinatay ko na ang TV, tapos na rin siyang uminom ng gatas kaya't maglilinis na lamang ng katawan at matutulog na.



"Yes, mommy." Sagot niya at tumayo na. Humawak siya ng kamay kay Nenita at pagkatapos ay umakyat na ng hagdanan. 



"Ma'am, tuloy po ba yung pagpunta ng kamag-anak mo dito bukas? Para makapagplano sila ng lulutuin." Wika ni manang Imelda. Patungo ako sa kusina upang uminom ng tubig bago umakyat. 



"Opo, manang. Baka ala syete pa lang nandito na sila kaya almusal muna ang ipahanda para makakain sila, tapos manang yung guest room paki-ayos rin. Para kung maisipan nilang dito muna tumuloy para kay baby Therence." Paliwanag ko, magsasalita pa lamang si manang nang pumasok sa kusina ang gwardiya. 



"Ma'am, pwede po ba kayong sumama sa akin? May ipapakita lang po ako." Wika niya, nagkatinginan kami ni manang na tila nagtataka sa sinabi ng gwardiya.



"Rojelio, malakas ang ulan, baka magkasakit ang amo mo." Wika ni manang.



"Saglit lang po talaga, ma'am. Hindi ko na po kase talaga alam ang gagawin." Tugon nito. Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.



Lumabas kami ng mansyon at dahil malakas ang ulan ay pinayungan ako ni mang Rojelio habang papunta sa Guard house kung saan sila nagmomonitor ng CCTV. 



"Pasok po kayo, ma'am..." Binati ako ng iba pa niyang kasamahan na kapwa mga gwardiya kaya't ngumiti ako sa kanila.



"Ito po yung gusto kong ipakita, ma'am." May pinindot siya sa computer na puno ng cctv footage sa iba't-ibang sulok ng mansyon at pagkatapos ay dumirekta ito sa isang footage na may nakalagay na front gate right side. 



Malakas ang ulan kung kaya't hindi ko masyadong maaninag ang gusto niyang ipakita ngunit nang mag-focus ng bahagya ang camera ay agad na nanlaki ang mata ko. 

PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon