CHAPTER 28

44.1K 1.3K 120
                                    

CHAPTER 28





"WE'RE going, Thris. Ipapakuha ko na lang sa sekretarya ko ang lahat ng pinamili namin." Paalam ni Luther kay Thriska.




Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sinabi ni Thriska, ayaw naman niyang sabihin kung sino ang ama kaya mas lalo akong nababaliw.




Nang makalabas kami ng shop ay hinawakan ko ang kamay ni Lucia at nauna nang lumakad paalis ng shop, hindi na ako nag-abala pang magpaalam kay Thriska dahil ayaw kong makipag-plastikan.




"Drishti," tawag ni Luther mula sa likod ko ngunit hindi ko siya pinansin at mas binilisan pa ang lakad.




"Baby," tawag niyang muli.




"Mommy, I'm tired na. Magpapakarga na ako kay daddy." Paalam ni Lucia ngunit marahas akong umiling.




Ako na ang kumarga sa kanya, medyo mabigat ngunit kaya ko naman. Agad siyang humilig sa balikat ko, at pumikit.




"Ako na ang magbubuhat sa kanya." Wika ni Luther at humarang sa dadaanan ko.




"Ako na, umalis ka 'dyan." Utos ko.




Nakita ko kung paano niya ngitngitin ang kanyang ngipin at kung paano magtagis ang kanyang panga.




"Drishti, what's the problem?" Tanong niya at hinawakan ang braso ko.




"Ba't 'di mo tanungin 'yang sarili mo?" Tugon ko at nilampasan siya, sinadya kong bungguin ang balikat niya.




Nakakainis, bakit hindi niya naisip ang mararamdaman ko nung dinala niya ako sa shop ng kaibigan niya? Hindi ba niya naisip na baka magselos ako o baka naman makaramdam ako ng insecurities?




Nagtungo kami ng parking lot at agad na lumapit kung saan nakaparada ang Wrangler niya, "Pakibuksan." Utos ko kay Luther, agad niyang binuksan ang pintuan ng Backseat kaya maayos kong inihiga si Lucia.




Nakapikit na ito at mabigat na ang paghinga, nang maihiga ko siya ng maayos ay isinara ko na ang pinto. Binuksan ko na ang pinto ng passenger's seat at akmang papasok nang pigilan ako ni Luther.




He grabbed both of my hands and slammed the door, iniharap niya ako sa kanya at isinandal sa pintuan ng back seat.




"What the fuck is your problem?" Madiin niyang tanong.




Agad akong nagpumiglas at pilit siyang itinutulak palayo ngunit mas malakas siya sa akin.




"I hate you, let me go!" Mahinang sigaw ko.




Nagsalubong ang makapal niyang kilay at madilim ang mukhang tinignan ako, "Thriska is just my friend, Drishti!" Sigaw niya.




Siguro ay kung may ibang tao sa parking lot ay pinagtinginan na kami, malakas kase ang pagkakasigaw niya at talagang mukhang galit na galit siya.




"Wala akong pake alam kung kaano-ano mo siya! O kung may gusto ka sa kanya, wala akong pake!" Sigaw ko pabalik.




Napatawa siya ngunit bakas sa tono niya ang pait at sarkasmo, "Sa tingin mo ba lahat ng lalapit na babae sa akin ay nakarelasyon ko na? Is that what you think I am?" Tanong niya.




"Oo dahil gano'n ka naman! Hindi ba't gano'n din ang ginawa mo sa akin? Pagkatapos mong makuha ang gusto mo sa akin bigla mo 'kong iniwan! Wala ka man lang pasabi, malay ko ba kung gano'n din ang ginawa mo kay Thri--" agad akong natigilan nang malakas niyang sintukin ang pintuan ng passenger's seat.




PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon