SIMULA

134K 3.2K 1.2K
                                    

SIMULA




MALAKI ang ngiti na nakaukit sa labi ko habang pinagmamasdan ang librong hawak-hawak ko. Nagmukha na ngang baby sa paraan ng pagbitbit ko.




Walang makakapantay sa saya na nasa puso ko habang pinapasadahan ng tingin ang cover nitong napakaganda, nag-iisang stock na lang ito kaya hindi maipaliwanag ang saya dahil nabili ko.




Naglakad ako palabas ng National Bookstore nang hindi tumitingin sa dinaraanan, "Shay, pahiram ako niyan pagtapos mong basahin ah?"




Agad kong sinamaan ng tingin si Grace, siya isa sa mga kaibigan ko pero kahit kailan ay wala akong tiwala sa kanya kapag hiraman na ng libro ang pinag-uusapan.





Matalik ko siyang kaibigan simula high school at sa iisang university kami pumapasok, kinuha kong kurso ay BS Education Major in English samantalang si Grace ay Dentistry. Hindi ko alam sa babae na 'yan at napakagulo ng utak, ilang beses siyang nag-alangan sa kurso na kukuhanin niya.




"Ayaw ko." Madiing sagot ko, inirapan ko siya at patalikod na naglakad. 'Pag harap ko ay halos manlaki ang mata ko nang tumama ako sa isang matigas na katawan.




"Shit!"




Ngunit wala roon ang atensyon ko, nasa bagong bili kong libro na ngayon ay nasa lapag na at naliligo sa malamig na kape. Hindi ako nakapag-react agad dahil sa sobrang gulat.




Hindi ko man lang din napansin na natapunan din ang palda kong kulay itim, "Ang libro ko!" Wika ko at lumuhod upang kuhanin ang libro na nakahiga sa sahig habang naliligo sa kape.




"Can't you fucking see?" Mariing tanong ng taong nakabungguan ko, agad akong tumayo at pinunasan ang libro gamit ang aking panyo ngunit wala itong epekto at basang-basa pa rin kaya't pati ang uniporme ko ay ginamit ko na.




Sinalubong ko ang masama niyang tingin, "Hindi mo ba alam na huling libro na lang 'to na meron sa National Bookstore! Ang libro ko!" Bulyaw ko.




"And did you fucking know that that was the last coffee I can fucking have?" Tanong niya, wala na akong pakealam sa itsura niya. Wala rin akong ganang i-describe kung gaano ka-gwapo ang perpekto niyang pagmumukha.




"Last money ko na 'yon, pinaghirapan ko pa para mabili yung libro! Ilang araw akong hindi kumain tuwing vacant para lang mabili 'to!" Paliwanag ko, hindi siya natinag.




Nanatili ang galit sa kanyang mata, "You spilled my fucking coffee, ako pa ang may kasalanan?" Tanong niya. Hindi nawala ang galit sa mata niya, medyo nakakatakot 'yon pero wala akong pakealam.




"Mamamatay ka ba kung 'di mo mainom yung kape mo?" Inis na tanong ko, "Mamamatay ka ba kapag hindi mo nabasa yung libro mo?" Balik tanong niya.




"You know what, I'm fucking done here." Wika niya sabay talikod.




Hindi ko man lang napansin na may mga kasama siya at pinagtitinginan na kami ng mga tao, "'Yan tuloy, ang damot mo kase." Wika ni Grace sa tabi ko.




Agad ko siyang sinamaan ng tingin at naupo sa pinakamalapit na bench na gawa sa bakal, "Ang libro ko.." Marahan kong pinahid ang malagkit na kape na natapon sa aking binti. Napakamahal pa naman nito dahil hard cover at limited edition ang re-print version.




"Shay, tara na. Uwi na tayo." Yaya ni Grace, marahas akong umiling. "Mauna ka na, wala akong ganang umuwi." Sagot ko.




"Bahala ka 'dyan, una na ‘ko. Inaantay pa ako ni Marvin sa labas." Paalam niya, si Marvin yung isa pa naming barkada na boyfriend niya. Sa ibang University pumapasok kaya hindi madalas magsabay ng uwi.




PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon