CHAPTER 3

68.3K 2.2K 487
                                    

CHAPTER 3





"DRISHTI, nag-aalala na si papa sa'yo. Ilang beses na niyang sinabi na susunduin ka namin sa tinutuluyan niyo pero hindi namin siya pinapayagan ni ate." Wika ni Julia.





"Kapag bumisita ako sa bahay ay papaliwanag ko kay tito. Ayaw ko nang maging pabigat sa inyo, Juls. Isa pa isang taon na lang ga-graduate na 'ko kaya wala dapat kayong ipag-alala." Sagot ko, bumuntong hininga siya at niyakap ako.





Pinsan ko si Julia sa side ni papa, simula nang ma-ulila ako ay sila na ang kumupkop sa akin. Napalaki nila ako ng tama kaya malaki ang utang na loob ko sa mga kanila.





May dalawa akong nakatatandang kapatid na lalaki ngunit ang isa ay may pamilya na at ang isa naman ay madalas na nasa ibang bansa dahil may trabaho na hindi ko naman alam.





Sa UDM rin pumapasok si Julia at Tourism ang kurso niya, "Lagi kang mag-iingat, Drishti. Kahit pa kase nagkikita tayo sa campus ay ang ilap mo, parang 'di mo 'ko pinsan." Pagtatampo niya, gumanti ako ng yakap at marahang tumawa.





Nandito kami sa mall malapit sa university, walking distance lamang ito kaya dito kami nagkikita kapag na-tripan naming magkita.





"Mahal na mahal ko kayo." Sagot ko.





"Alam ko, Drishti." Tugon niya.





Nandito kami sa food court sa ground floor, hindi ko na pinaalam sa kanila ang aksidente noong nakaraang linggo dahil alam kong mas mag-aalala sila. Kumain lang kami saglit at pagkatapos ay nagpaalam na siyang aalis.





Nang makaalis siya ay bumuntong hininga ako, inilabas ko ang laptop na pamana sa akin ng ate ni Julia. Nagsimula ako sa pagtipa sa thesis namin.





"Mababaliw na ko." Mahinang bulong ko sa sarili ko.





Naramdaman kong may umupo sa harapan ko kaya agad akong nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mata ko sa nasa harap ko.





Siya yung lalaking nakatapon sa akin ng kape dito rin sa mall at ang lalaking bumaril sa akin.





Agad kong isinara ang laptop ko at akmang aalis nang may humarang sa akin, naupo ito sa tabi ko at may isa pang umupo rin sa kabila ko.





Napapagitnaan ako ng dalawang lalaki at nasa harapan ko ang lalaking bumaril sa akin. May tumabi sa kanyang dalawa pang lalaki na ngayon ay nakatitig sa akin.





Mabigat ang paghinga ko at hindi ko alam ang gagawin, para akong napapaso sa tingin ng nasa harapan ko. Madilim ang kanyang mukha at napakabigat ng aura na dala nila. Parang nagsasabi ng panganib, paanong hindi? Binaril niya ako ng walang pag-aalinlangan.





"Please, hindi po ako m-magsusumbong sa pulis." Wika ko. Wala sa kanila ang nagsalita.





May lumapit sa amin na lima pa na lalaki, may inilapag ang isa sa lamesa na natatakpan ng makapal na panyo. Pagkatapos ay umupo ang mga ito sa katabing lamesa.





"Sumama ka sa'min." Wika ng bumaril sa akin.





Agad akong umiling, "Promise, wala akong pinagsumbungan.." Mariing sagot ko, hinawakan niya ang bagay na nasa ilalim ng panyo at bahagyang pinakita sa akin ang laman.





Agad akong nanigas sa kinauupuan ko, alam kong namumutla na ako ngayon sa takot. "Keep your mouth shut and follow me if you still cherish your life." Aniya.





PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon