PROLOGUE

391 20 4
                                    

Sabi nila, madali lang naman daw ang trabaho ng isang Piloto. Ang sabi nila, hindi naman daw nakakastess ang trabaho naming mga Piloto, dahil wala ka naman daw ibang gagawin kundi ang umupo at magpalipad ng eroplano. Ang sabi nila, maswerte ka daw kung isa kang Piloto dahil nakakapagtravel ka sa ibat-ibang lugar at bansa ng walang binabayaran. Pero, lahat sila ay nagkakamali, ang pagiging isang Piloto ay hindi madaling trabaho, ang pagpapalipad ng eroplano ay hindi madaling trabaho, dahil sa isang pagkakamali mo lamang, maaaring mapahamak ang lahat ng taong nakasakay sa eroplanong pinapalipad mo. Nakakastress maging Piloto dahil nasa mga kamay mo nakasalalay ang magiging lipad ng eroplanong pinapalipad mo, ganoon na din ang buhay ng mga taong nasa loob ng eroplano.

Pero kahit na gano'n, masaya pa rin naman maging isang piloto lalo na kapag gwapo at mabango ang Co-Pilot mo.

Napangiti ako dahil sa iniisip ko.

"Captain, are you inlove with me?" My Co-Pilot asked this direct question to me that makes me nervous and makes my heart pound, pero ang kaba na naramdaman ko ay idinaaan ko na lamang sa pagtawa at pag-iling ng ulo, habang ang mga mata ay hindi inaalis sa harap ko, kung saan malinaw na malinaw na nakikita ng dalawa kong mga mata ang mga ulap na lumulutang sa kalangitan.

Hindi ako kinabahan dahil sa tanong n'ya na 'yon, kinabahan ako dahil baka narinig ng mga taong nasa loob ng eroplano, lalong-lalo na ng mga pasahero ang tanong n'ya na 'yon, lalo na at nakatutok ang pilot's microphone sa bibig n'ya na sa tingin ko ay nabukas. Nakakahiya, baka ang isipin ng mga pasahero ay naglalandian lamang kami dito sa loob ng cockpit, at hindi nagtratrabaho.

"Manahimik ka, First Officer Cerna. We're on flight, we shouldn't talk that kind of topic here, especially kapag naka-on yang microphone mo." Pagsasalita ko gamit ang strikto at matigas kong boses. I am now a Flight Captain, so I must act like one. Saglit akong napalingon sa lalaking katabi ko nang saglit itong manahimik, at ganoon na lang ang laking pasasalamat ko ng makitang seryoso na ito.

"My microphone is off, Captain." Magalang nitong pagsasalita na hindi ko naman tinugunan.

Para naman akong nabunutan ng tinik at para ring nabuhay ulit ang katawan ko nang marinig ko ang sagot n'ya.

Mabuti kung gano'n. Nakakahiya kapag narinig iyon ng mga pasahero. Sure pa naman akong mga gising sila ngayon. Umaga kasi.

Matapos ang insidenteng iyon, wala nang nagsalita sa pagitan namin ng Co-Pilot ko, which is pinagpapasalamat ko.

I am a strict Flight Captain, especially when I am on flight, but the day I set my feet on runway, I am no longer a Flight Captain. I am on my another persona, the chill and friendly Yvette Remi Zendaya. My co-workers are fully aware of that, and they respect me as their Flight Captain and also they respect me as the daughter of the CEO of Zendaya Airline.

Due to the defeaning silence prevailing between the two of us, and also due to something that urging me to look at him,
I glance again to my Co-Pilot who was sitting on the right hand of the cockpit.

I raised my one brow.

I want to know what's on his mind, or what he is thinking right now, but sadly because of the sunglass that blocking my way into that, I can't read him neither know what his real emotion is!

Biglang bumilog ang mga mata ko nang makitang umarko ang gilid ng kaniyang labi, kaya dali-dali kong ibinalik sa harapan ang atensyon ko.

God! Mabuti na lang at tulad niya naka-sunglass din ako! Dahil sure ako kapag hindi, mag-iisip na naman ng kung anu-ano ang lalaking ito! Ambisyoso pa naman siya!

Baka isipin pa niya na may crush ako sa kaniya, o 'di kaya ay isipin niyang gusto ko siya! Kahit na hindi naman totoo!

Hindi siya yung crush ko o 'di kaya 'yong gusto ko! 'Yong gusto ko ay 'yong kaibigan n'ya! Hindi s'ya!

Napaayos ako sa kinauupuan ko at gano'n na din ang aking suot ngayon na non-polirized aviator sunglass. Well, hindi lamang ito  yong basta bastang sunglass na nabibili sa tabi-tabi, o hindi kaya  yong mga sunglass na para sa pormahan o fashion, dahil itong suot suot namin ngayon ang klase ng sunglass na dapat sinusuot ng mga Piloto na tulad namin kapag nagpapalipad ng eroplano, lalo na kapag umaga ang flight mo, kung saan ang araw ay tirik na tirik. Non-polirized aviator sunglass really helps us Pilots to protect our vision from solar radiation and also helps us avoid eye fatigue.

Natatawa na nga lang ako kapag may nagsasabi na ang aarte daw naming mga Piloto dahil nagpapalipad nga lang naman daw kami ng eroplano tapos nakasuot pa talaga ng sunglass, hindi nila alam importante at kailan namin itong sunglass na suot namin upang maprotektahan ang aming mga mata laban sa solar radiation at ganoon na din sa sikat ng araw. Pero infairness, sobrang nakakatulong ang pagsusuot ng sunglass upang mas lalo kang maging maganda at gwapo. Tulad na lang nitong katabi kong lalaki.

First Officer Cerna is indeed handsome, at his age twenty-four, marami na siyang mga babae ang pinaluha at sinaktan. Mapa-Flight Captain, Co-Pilot at maging mga Flight Attendant pinag-aagawan s'ya at pinagkakaguluhan, bukod kasi sa gwapo s'ya at ma-appeal, marunong at disente din s'yang manamit na mas lalong nakakaatract sa kan'ya. Lalo na ngayon, nakasunglass s'ya, mas lalong dumedipina ang kaguwapuhan ng mukha n'ya. No wonder, pagkakaguluhan na naman s'ya ng mga Flight Attendant mamaya pagbaba namin ng eroplano. Pero hindi ako isa sa mga babaeng baliw sa kan'ya. Iba 'yong crush ko eh, 'yong kaibigan n'ya. Si Captain.

Affection is normal. Crushes are natural. At my age twenty-eight I have a lot of crushes, but still not ready to enter in a relationship. Right now, I am still enjoying my single life. Right now, I still don't want to enter myself in a relationship when I know in my self I am not yet ready for commitment and promises that I know I can't fulfill and stand. Tiyaka na ako magboboyfreind kapag ready na ako. Trabaho muna tayo ngayon. Besides, takot din akong magmahal eh, baka kasi tulad ng makinang na araw, iiwan din n'ya ako pagsapit ng kadiliman.

Takot na kung takot, pero takot talaga ako sa pag-ibig. Takot ako na baka iwan ako, baka gamitin lang ako or whatever.

Sa aming anim na magkakaibigan, ako 'yong pinakamatanda at ang single na din. Ako 'yong walang dinidate, at ako rin 'yong walang boyfriend. Sometimes my friends ask me if I am a lesbian, because I don't have a boyfriend or even a crush, well that is what they know. Hindi nila alam may crush ako, pero hindi ko lang sinasabi dahil ayaw kong tuksuhin o hindi kaya ay malaman ng taong crush ko na crush ko siya nang dahil lang sa kaingayan ng mga kaibigan ko. At tiyaka porque wala lang boyfriend o dinidate, lesbian agad? Hindi ba pwedeng career muna ang pinaprioritize o ang inaatupag kesa sa lovelife? Kasi ang lovelife and'yan lang naman 'yan sa tabi tabi, hindi tulad ng trabaho na kailangan mo pang hanapin at paghirapan bago mo ito makuha.

"Captain, we're now on our way to Tokyo International Airport, our local time is 10:20 am, we still have ten minutes left to prepare for landing." My Co-Pilot announced. I instantly nooded and open the intercom to communicate with Flight Attendants and Cabin Crew.

"This is Flight Captain Zendaya speaking," Pauna kong pagsasalita. "Flight Attendants, prepare for landing please. Cabin Crew, please take your seats for landing." Pagkatapos ko itong sabihin kaagad kong pinatay ang intercom at naghanda na para sa nalalabing paglanding.

Hindi ko na kailangan pang hintayin ang kanilang mga tugon sa sinabi ko, dahil alam ko na pagkatapos ko iyon inanounce, gagawin na kaaagad ng mga Flight Attendant at ganoon na din ng mga Cabin Crew ang kanilang mga kaniya-kaniyang trabaho. At ganoon din kami ng Co-Pilot ko.

Sa totoo lang, landing ang pinakagusto kong parte ng paglalakbay ng eroplano. Siguro dahil dito magtatapos ang trabaho ko bilang isang Piloto, at dito din magsisimula ang panibago kong katauhan bilang si Yvette Remi Zendaya.

A/N: Owemjiiii! Natapos ko na din ang PROLOGUE ng PBTBC! Shett! Natuyo utak ko sa storyang ito :< pero worth it naman dahil may mga taong naghihintay para sa storya ni Yvette!! Btw, as of now ito yung pinakashort na PROLOUGE na naisulat ko for RGS. Hindi man lang umaboy ng 1.5k :< nasa 1.4k lang kasi :<. Pero sana nagustuhan ninyo ang pagbabasa ng PROLOUGE!

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon