"May baby bump ka na, Sydney!" Kinikilig kong saad habang hinihimas-himas ang tiyan n'ya na medyo may umbok na.
Nasa loob kami ngayon ng sasakyan at papunta ng supermarket para mag-grocery. Naubusan na kasi ng stock sa bahay si Sydney at wala itong kasama para mag-grocery, total ako lang naman ang kaibigan n'ya na nasa Zamboanga, kaya nag-volunteer ako na ako na lang ang sasama sa kan'ya, nasa Cagayan de Oro kasi ang asawa n'ya ngayon para sa symposium, habang ang parents naman n'ya ay parehong busy sa restaurant nila.
"Kaya nga, eh. Medyo malaki na," Sang-ayon ni Sydney sabay himas ng kan'yang tiyan. "Next month malalaman na namin ang gender ni baby." Natutuwa nitong sabi habang ang paningin ay nasa tiyan n'ya pa rin. Napangiti ako dahil doon.
"Sa tingin mo? Anong gender ni baby?" Tanong ko na nagpaangat ng ulo ni Sydney.
Kaagad namang napaisip si Sydney, habang ang ngiti sa labi ay hindi pa rin mawawala. She's now gigling while still thinking that makes me look away.
Ganito ba talaga kapag buntis? Palaging nakangiti? Nakakapanibago naman, ang akala ko kasi kapag buntis ang isang babae palagi itong nakasimangot o hindi kaya ay pabago-bago ng mood, pero si Sydney, hindi eh. First time kong makakita ng buntis na palaging nakangiti.
"Sa tingin ko lalaki ang anak ko pero ang sabi naman ni Mama babae daw kasi blooming ako ngayon." Kaagad kong ibinalik kay Sydney ang buo kong atensyon ng marinig ko ang boses n'ya na nagsasalita, pero nang makita ko ang humahagikgik n'yang mukha, napangiwi ulit ako.
"So kapag pala hindi blooming ang buntis ibig sabihin no'n lalaki ang ipinagbubuntis n'ya?" Nagtataka kong tanong habang ang isang kilay ay nakataas.
When I was still in my teenage days, I used to believe in that superstitious belief na kapag ang buntis ay blooming ibig sabihin no'n babae ang ipinagbubuntis n'ya, but as I get older, I realized that there was no basis to that superstitious belief. Puwede rin namang maging blooming ang isang buntis kahit na lalaki ang ipinagbubuntis n'ya, nasa pangangalaga kasi 'yon babae sa sarili n'ya.
"Hoy, grabe ka naman wala akong sinasabing ganiyan!" Her voice was in defending tone.
Kaagad naman akong kinabahan nang makita na biglang nagbago ang hitsura ni Sydney, kung kanina ay ngumi-ngiti pa s'ya, puwes ngayon ay hindi na. Seryosong-seryoso na ang mukha n'ya na para bang naiinis sa akin!
"I am just asking you, kasi diba sabi mo kanina sabi ni Tita na baka babae ang ipinagbubuntis mo kasi blooming, so I am just curious na kapag ba lalaki ang ipinagbubuntis ng babae ibig sabibin ba no'n lalaki ang ipinagbubuntis n'ya?" I manage not to stutter or get nervous while defending my side, but deep inside, my heart is already pounding. Baka ba kasi mapano si Sydney, buntis pa naman. Ayaw ko s'yang ma-stress, pero kung hindi s'ya buntis at kasama ko s'ya ngayon, okay lang na pikunin ko s'ya, pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, buntis s'ya.
"Eh, baka ba kasi ano ang isipin mo." Sagot naman n'ya habang nakanguso. Nakakunot pa rin ang noo n'ya.
"Argg!" I rolled my eyes and lift my both hands in the air. "Let's stop this conversation, basta ang alam ko kahit ano pa man ang magiging gender ng anak n'yo alam ko na tatanggapin at mamahalin n'yo s'ya." Ngumiti ako at hinimas na naman ang tiyan ni Sydney. Kaagad na nawala ang pagkakakunot ng noo ni Sydney at bumalik ulit ang kanina n'yang hitsura na nakangiti.
Dahan-dahan naman akong napabuntong hininga ng tuluyan ng napangiti si Sydney.
Grabe! Kinabahan ako doon!
"Maiba ako, Yvette. Totoo ba 'yong sinabi ni Michael sa GC na may manliligaw ka?" Seryosong tanong ni Sydney pero hindi naman n'ya maiwasang mapangisi.
Napairap ulit ako sa hangin at napailing ng ulo, pilit na tinatago ang ngiti na kumakawala sa labi.
BINABASA MO ANG
Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)
RomanceYvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believes that love is like clouds in the sky, beautiful to look at when the sun is shining, yet will also...