CHAPTER 25

53 1 0
                                    

Ang lalawigan ng Pampangga ay isa sa mga kinikilalang best destination dito sa Pilipinas at hindi naman 'yon nakakapagtaka pa. Hindi na ako nagtataka pa kung bakit ito dinarayo ng mga turista mapalokal man o internasyonal. Bukod kasi sa mga kakaiba at nakakamangha nilang mga pagkain, maganda at napakarefreshing din ng tanawin dito.

"Grabe! Ang ganda ng kalangitan!" Parang bata kong sigaw habang tinuturo ang kulay asul na kalangitan.

Damn! Sulit ang paggising ko ng maaga! Sulit ang mahigit isang oras na biyahe ko! Ang ganda ng kalangitan! The sun is just about to rise, and the sky is paint with blue!

Blue hour!

Noon hindi ko naaapreciate ang blue hour, dahil masyado s'yang plain tingan at wala namang kakaiba doon bukod na lamang sa kulay asul ang kalangitan, mas naaapreciate ko pa nga ang golden hour kung saan ang araw ay papalubog na. Pangit kasi ang view sa cockpit kapag blue hour, para ka kasing natrap sa loob ng kulay asul na galon ng tubig. Wala kang makikita na mga ulap, at higit sa lahat masyado s'yang matingkad sa direksyon namin. Hindi tulad sa golden hour na maaapreciate mo talaga ang view, hindi lamang kasi iisang kulay ang makikita mo at 'yong mga kulay na naghahalo sa kalangitan ay hindi matingkad at higit sa lahat ay hindi masakit sa mata.

"Remi, huwang mong ibababa ang ulo mo, pipicturan kita. Pangwallpaper ko." Saglit na nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Benjamin pero bumalik na rin naman ito kalaunan nang magets ko na kung ano ang sinabi n'ya. Hindi ko ibinaba ang ulo ko at ngumiti pa ako ng mas malapad. Tiyaka ko lamang ibinaba ang ulo ko nang ibinaba na n'ya ang cellphone n'ya na nakatutok sa mukha ko. It was a half face shot.

"Patingin."

Kaagad na ipinakita ni Benjamin ang shot n'ya sa akin at literal na napanganga ako nang makita ang picture ko. It is a nice half face shot. Ang ganda ng quality at parang professional photographer ang nagpicture.

"Maganda kasi 'yong view at 'yong babaeng picnicturan ko."

"Che! Gayahin mo mga 'yong ginawa ko kanina, picturan kita tas wallpaper ko rin." I demanded and I instantly get my phone from my tote bag. Kaagad namang sumunod si Benjamin at kaagad ko ring inangulo ang camera ko, I adjusted the light, and I semi tilt my camera, ginaya ko ang ginawa n'ya, para masama rin sa picture 'yong kalangitan. Nang tapos na ako rito, kaagad kong pinakita kay Benjamin ang shot ko at natuwa s'ya rito. Sabay naming pinalitan ang wallpaper ng mga cellphone ko. Para pa nga akong nahiya nang makita na kaming dalawa 'yong nasa wallpaper n'ya habang sa cellphone ko ako lamang mag-isa. Buti na lang talaga at nagpalit na ako ng wallpaper.

"Tara na?" Pag-aaya ni Benjamin at naglakad na kaming muli. Habang naglalakad kami natatapilok ako dahil sa mga batong nagkalat dito pero hindi ko naman 'yon iniinda, mas nakatutok kasi ang mga mata ko sa mga taong naglalakad katulad namin. Lahat kami ay iisa lamang ang destinasyon at 'yon ay ang pinagmamalaking hot air ballon ng Clark Pampanga.

Tumingin ka nga sa dinaraanan mo, Remi." Ibinaba ko lamang ang mga mata ko nang maramdaman kong may umaalalay sa akin sa paglalakad. Kaagad kong nakita ang nakakunot na mukha ni Benjamin. Ngumiti na lamang naman ako at itinuon sa dinaraanan namin ang buong atensyon ko.

"Alam mo Benjamin, excited na ako! First time ko kasing makakasakay ng hot air balloon!"

Sa sobra kong pananabik, parang naiihi na ako.

"Talaga?!" Gulat n'yang tanong at tango lamang naman ang sagot ko dito.

Its true, for my entire twenty seven years living here in earth, ito ang kauna-unahang pagkakakataon ko na makakasakay ng hot air ballon. I already went to Turkey particularly in Cappadocia, where hot air balloon is very popular, but we went there in wrong time. Pumunta kami doon ng March at considered na spring na ang whether dahil February mag-e-end ang winter season, pero no'ng mga oras na 'yon medyo malamig pa sa Cappadocia which is not a preferable weather for hot air balloon, kaya sobrang lungkot ko no'n, sabi ko sa sarili ko babalik ako ng Cappadocia at sasakay ako ng hot air balloon, pero hindi naman 'yon nangyayari, medyo malayo kasi ang Dalaman sa Cappadocia, kaya nga nagpapasalamat ako sa Diyos at saktong Pampangga ang naging next flight ko! Naeexcite na talaga ako!

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon