Hi! I would like to dedicate this chapter to my Honey mini_maemae. Hi, Hon! Diba nagmessage ka sa'kin na gusto mong idedicate ko 'tong chapter na 'to sa'yo? Ito na, oh. Sana magustuhan mo.😚
[Note: Bestfriend ko po si Mini dito sa wattpad. Isa din po siyang Little Pigeon at author. Kung may oras po kayo, bisitahin po ninyo ang kaniyang account at atin po siyang suportahan sa kaniyang paglalakbay bilang manunulat! Salamat!]
——————
"Tara, pasok na tayo, Ate." Pag-aaya sa akin ni Marian habang nakangiti ng malapad.
Tumango lamang naman ako kay Marian habang ang bibig ay nakatikom pero may konting ngiti sa labi. At sa pangalawang pagkakataon pinagmasadan ko ulit ang kabuuang disenyo ng panlabas na anyo ng kanilang bahay.
Sa bawat libot ng aking mga mata, hindi ko maiwasan ang mamangha at masurpresa sa kasimplehan ng disenyo ng kanilang single detached two storey house na may temang itim at puti. It was just simple yet classy and elegant. I'm pretty sure these things that my eyes sees outside their house are all costly like their glamorous sliding windows, wooden black main door, frameless black glass balcony and flat roof.
Nakakamanghang pagmasadan, at hindi nakakasawang pagmasdan.
Ngayon na nakita ko na ang kabuuang disenyo ng panlabas na anyo ng kanilang bahay, nacucurious na tuloy ako sa loob nito. Ano kaya ang nasa loob ng kanilang bahay? Marami kaya silang mga gamit? Panigurado ako puro mamahalin din ang mga gamit nila sa loob tulad ng mga nakita ko sa labas.
Nang makapasok na ako sa loob ng kanilang bahay, bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko at tila nahigit ko ang sarili kong hininga habang ang puso ko ay tila huminto sa pagtibok nang ang bumungad sa akin sa pagpasok ko sa kanilang bahay ay ang hindi ko inaasahang makikita ko.
Ang loob ng kanilang bahay ay sobrang lawak...sobrang lawak na halos wala na akong ibang gamit na makita. This is not what I expected to see inside their house. Ang buo kong akala, ang makikita ko dito ay puro mga mamamahlin na gamit tulad ng mga nakita ko sa labas ng kanilang bahay, pero mali ako. Bukod sa anim na malalaking mesang pabilog na mayroong anim na monoblock chair sa bawat isa at ang lahat ng mga ito ay nakabalot sa kulay puti na tela, ay wala na akong iba pang makita.
Parang nakaramdam ako ng pagkadismaya ng ito lamang ang aking nakita.
Pero nasa sala pa lang naman ako. Pa'no kung yung mga gamit nila ay nasa itaas ng bahay nila? Tama. Baka nga andoon. Itinaas nila at baka masira.
"Ate, pasensya na, huh?" Napalingon ako sa aking gilid ng marinig kong magsalita si Marian gamit ang malungkot nitong boses. Nang nasa kan'ya na ang buo kong atensyon, parang nabiyak ang puso ko dahil nakatitig ito sa akin ngayon habang may malungkot na ngiti sa labi at gano'n na rin sa mga mata. "Pasensya na at walang kagamit-gamit itong bahay namin, wala pa kasing badyet para sa mga gamit." Pagpapaliwanag ni Marian sabay iwas ng tingin sa akin na para bang nahihiya at maya-maya lamang ay idinaan na lamang nito sa tawa ang nararamdaman ni'a.
I suddenly felt guilt because of the expression I had shown earlier when I entered their house, and I knew Marian had seen that. Tinikom ko na lang sana ang bibig ko at nanahimik.
"May mga gamit naman kayo, ah! Anong wala?" I cheer her up. Tinuro ko ang isang mahabang silya na gawa sa kahoy at binarnisan. "Ano palang tawag mo d'yan? Hindi gamit?" Nagawa ko pang magbiro at tumawa. Narinig ko namang tumawa si Marian kaya medyo nakaramdam na ako ng ginahawa.
May mga gamit naman sila dito, tulad na lamang ng mahabang silya na gawa sa kahoy at binarnisan, may mga silya rin sila na gawa sa kahoy at mahabang mesa na gawa ulit sa kahoy at ang lahat ng mga 'yon ay nasa isang tabi lamang. Hindi ko lamang nakita ang mga ito kanina, dahil sadyang ang atensyon ko lamang ay nasa mga mesang pabilog na nasa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)
RomanceYvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believes that love is like clouds in the sky, beautiful to look at when the sun is shining, yet will also...