Kanina ko pa napapansin na talagang iniiwasan ako ni Benjamin. Simula kasi nang ibalik n'ya ang maxi dress sa clothes rack, kapag nagkakasalubong kami, kung hindi s'ya bumabalik sa dinaanan n'ya, lumiliko naman ito ng daan na para bang iniiwasan n'ya ako, na para bang ayaw n'ya akong makasalubong.
Diba, dapat ako 'yong umiiwas sa kan'ya? Pero bakit parang nabaliktad?
"Ma'am, kukunin n'yo po ba 'yang maxi dress?" A soft voice from my behind that made me stopped from my deep thoughts.
"Ah..." Inikot ko ang ulo ko paharap sa babaeng nagsalita at binigyan s'ya ng isang nahihiyang ngiti. "Oo, kukunin ko. Gagawan mo pa ba ng —"
"Hindi na po, Ma'am." The sales lady cut my words as if she already knew what I was going to say. "Diretcho na po kayo ng counter." Saad nito habang tinuturo ang counter twelve sa hindi kalayuan kung saan nakapila si Benjamin. May mga bitbit s'yang mga damit na sa tingin ko ay para sa nakakabata n'yang kapatid na si Marian. Mga nasa tatlo din ito, at puro dress, iba-iba nga lang ng design at color.
Nilingon ko saglit ang sales lady na ngayon ay nakangiti pa rin sa akin at pagkatapos no'n ay pumunta na sa cashier twelve na kung saan si Benjamin ang nasa huli ng pila. Probably, after I fall in line, I will be the last on it. Definitely yes. Okay lang, madali lang naman umusad ang pila, natagalan lang talaga kanina dahil sa isang kustomer na maraming biniling damit. Nang nasa likod na ako ni Benjamin, naramdaman kong natigilan s'ya kaya napaangat ako ng ulo at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang walang kaemo-emosyong n'yang mukha. Nilingon n'ya lamang ako at pagkatapos no'n ay ibinalik na ang atensyon sa harapan.
Hindi man lang n'ya ako pinansin o nginitian man lang.
Napailing na lamang ako ng ulo at piniling huwag na lamang 'yon pagtuunan ng pansin. Kung ayaw n'ya akong pansinin, edi huwag. Hindi ko din s'ya papansinin.
"Dito ka, oh." Tiyaka lamang nawala ang kunot sa noo ko nang marinig kong magsalita si Benjamin. I raised my head and looked at him, while my heart was pounding. Pounding because of the extreme nervousness.
"Ha?" Umakto akong parang hindi naintindihan ang sinabi n'ya kahit naintindihan ko naman 'yon. Gusto ko lang makasigurado kung tama ba ang pagkakaintindi ko.
"Dito ka, oh. Sa harapan." Minuwestra n'ya ang kan'yang harapan at medyo umurong patagilid para ipakita ang kan'yang kinatatayuan habang ang kan'yang mga labi ay binat na binat. "Palitan tayo. D'yan ako sa puwesto mo, tapos dito ka sa puwesto ko."
"A-Are you sure?" I almost stammered because I was trying to stop myself from smiling. "I mean ikaw ang mas nauna sa pila—"
"No, okay lang. Sige na, dito ka, oh." Minuwestra n'ya ulit sa pangalawang pagkakataon ang harapan n'ya pero sa pagkakataong ito umalis na s'ya sa kinatatayuan n'ya at pumila sa likod ko. Nagtataka naman akong nilingon s'ya habang may ligaw na ngiti sa labi. Tumango lamang naman s'ya at medyo inurong ang katawan ko papaharap.
Hindi na ako nakipagtalo pa at ibanalik na sa harapan ang ulo ko habang ang ligaw na ngiti ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pinansin n'ya ako at nginitian o dahil pinauna n'ya ako sa pila. May be both.
Katulad nang sinabi ko kanina, madali lamang umusad ang pila dahil hindi naman gano'n karami ang binili ng mga taong mas nauna sa akin sa pila at nang ako na ang nasa harapan ng counter, kaagad akong ngumiti sa cashier at ibigay sa kan'ya ang nag-iisang maxi dress na binili ko.
"Five-hundread-seventy po, Ma'am." Sabi ng babaeng cashier habang nakangiti sa akin.
Tumango lamang naman ako bilang sagot at binigyan s'ya ng isang buong isang libo. Kaagad naman n'ya itong tinanggap at sinuri kung totoo ba ito, nang makasigurado na, may pinindot s'ya sa keyboard at pagkatapos no'n ay narinig ko na ang pagproseso ng resibo ko. Nang tapos na ang lahat ay ibinigay na sa akin ng isang lalaki na nasa tabi ng cashier ang plastic na may lamang maxi dress, andoon din ang resibo na nakastapler.
BINABASA MO ANG
Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)
RomanceYvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believes that love is like clouds in the sky, beautiful to look at when the sun is shining, yet will also...