I enjoyed the night with him. Ibang-iba si Miguel sa lahat ng mga lalaking nakadate ko na. He's a real gentleman. He's not boastful. Akala ko nga pakitang tao lang, pero hindi. Habang tumatagal ang pag-uusap namin, masasabi kong mas lalo ko s'yang nakikilala. Hindi ako gano'n karunong pagdating sa pagkikilatis ng tao, pero alam ko na 'yong pinakita n'yang kabutihan sa akin kagabi ay totoo. Madaldal din s'ya, malayong-malayo sa hitsura n'ya. Ang dami n'yang kinuwento sa akin kaya hindi ako nabagot o inantok habang kausap s'ya. Our conversation went smooth as well as our atmosphere. Walang ilangan na naganap kahit 'yon ang una naming pagkikita.
"So, what happened on your date? Does it went smoothly? May nararamdaman ka na ba para doon kay Miguel Tan?"
Napairap naman ako dahil sa naging tanong ni Daddy. Narinig ko naman s'yang ngusi. I know he saw how my eyes rolled even though his full attention was on papers.
"Alam mo, Dad. Nakakainis ka. Ang sabi mo ikaw ang ka-date ko. Sabi mo dinner date tayo, 'yon pala si Miggy—"
"Wait, wait, wait." Daddy said that makes me stop. "Did I heard it right? Miggy? Did you just call him Miggy?" He asked maliciously.
"Huwag mo ngang lagyan ng malisya ang pagtawag ko ng Miggy kay Miguel. That's his nickname, Dad."
"Bakit parang pakiramdam ko may nag-iba? Why there's something new now?"
"Ano na namang kadramahan 'yan, Dad?" Kunot noong tanong ko habang ang mga mata ay titig na titig sa Daddy ko na ngayon ay ang ali-aliwalas ng mukha. Parang kanina lang kunot na kunot ang noo dahil sa dami ng mga pipirmahan, ngayon parang nakalimutan na n'ya na may mga dapat pa s'yang ireview na mga kontrata. Andito nga pala ako ngayon sa mini office ni Daddy sa loob ng bahay namin. Pinuntahan ko si Daddy dito dahil mag-ra-rant sana ako dahil sinet-up n'ya ako doon sa date, pero pakiramdam ko iba ang mangyayari ngayon.
"Naminibago lang ako, Yvette. Dati kasi kapag may mga date kang pinupuntahan, kung hindi ka galit o nagmumura, nakasimangot ka naman. Pero ngayon...ang ali-aliwalas ng mukha mo, ah. Tapos Miggy pa ang tawag mo doon sa anak ni Chaoxiang Tan." Pag-eechos ni Daddy sa akin na nagpataas ng kilay ko.
"Daddy, tigil-tigilan mo 'ko d'ya—"
"Bakit hindi ka na lang magkuwento kung anong nangyari sa date ninyo ni Miguel?"
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Well, ibang-iba s'ya sa mga lalaking nakadate ko na. Ibang-iba s'ya do'n sa anak ng Congressman na nakadate ko. 'Yong naninigarilyo at mukhang adik. Hindi s'ya naninigarilyo at mukhang wala ding bisyo. He's a real gentleman, Dad. I am comfortable with him." Nilingon ko si Daddy diretcho sa mga mata n'ya na mas lalong ikinalapad ng ngiti n'ya. "But he's not my type." Dagdag ko na nagpawala ng ngiti ni Daddy sa labi.
"Bakit naman? Galing s'ya sa maayos na pamilya. May trabaho. May hitsura, tapos sabi mo pa gentleman, komportable ka sa kan'ya. Tapos wala pang bisyo."
"Dad, not because he's like that will eventually mean that he's my type. Wala akong nararamdaman sa kan'ya, Dad. Naawa nga ako kay Miggy, eh. Imagine, he was about to propose on his long time girlfriend but his girlfriend broke up with him a day before that proposal. Lahat nakahanda na, 'yong venue, 'yong supresa, 'yong singsing tapos isang araw bago 'yong proposal, nakipaghiwalay na ang babae." Malungkot kong pagkukuwento kay Daddy.
Kaya pala pumayag si Miguel na makipagdate sa akin ay dahil heartbroken s'ya. Gusto n'yang ngumiti at maging masaya ulit. Gusto n'yang makalimutan ang sakit kahit panandalian lamang.
"Isa lang ang ibig sabihin n'yan, hindi sila ang para sa isa't isa." Saad ni Daddy habang hindi ako nililingon. Nasa mga papeles na naman kasi ang mga mata n'ya at alam kong may ipinapahiwatig s'ya sa sinabi n'yang 'yon.
BINABASA MO ANG
Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)
RomanceYvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believes that love is like clouds in the sky, beautiful to look at when the sun is shining, yet will also...