CHAPTER 7

82 5 0
                                    

"Oh, God, Yvette! Puwede bang bilis-bilisan mo ang pag-aayos mo ng sarili mo? I've been waiting here for almost an hour! Why do you take so long to get dressed?!" Malalakas na katok mula sa labas ng pintuan ko at alam kong Daddy ang lahat nang 'yon.

"Wait lang, Daddy! Nagsisintas pa ako ng sapatos ko!" Pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay hindi pa ako nakakasintas ng sapatos at ang tangi ko pa lamang nagagawa ay magplantsa ng buhok.

Hindi naman ako ganito dati kapag mag-go-grocerry kami ni Daddy. Nag-aayos naman ako pero hindi sa ganitong paraan, pero sa pagkakataong ito parang may kung ano sa akin na nagdidikta na kailangan kong mag-ayos, kailangan kong maging maganda, at kailangan kong maging presentable.

"Jesus Christ! You've been tying your shoes for almost an hour, yet you're still not done doing that, Yvette? How many feet do you have because you seem to have difficulty in tying your shoes!"

Napairap naman ako sa hangin nang marinig 'yon kay Daddy at tinapos na ang pagplaplantsa ng buhok ko.

"Palabas na Daddy!" Sigaw ko ulit kahit na ang totoo ay magsasapatos pa lamang ako.

"Okay, fine! After two minutes at hindi ka rin tapos sa pagtatali ng sapatos mo, good bye! Ako na lang ang mag-go-grocerry. Ang tagal mo." Pagalit na sabi ni Daddy at pagkatapos noon ay narinig ko na lamang ang mga papalayong yapak nito sa pintuan ko.

When I'm done with everything, I instantly got up from my seat and hurriedly open the door.

"Daddy! Where are you! I'm done!" Palinga-linga ang mga mata ko, hinahanap sa bawat sulok si Daddy. Nang hindi ko s'ya makita, kaagad akong pumunta sa balkohahe at doon luminga-linga. I was about to shout again when I already saw Daddy downstair sitting on the couch and was obviously waiting for me. Walang pag-aatubiling bumababa na ako at tumayo sa kan'yang harapan.

Hinarap ako ni Daddy nang may nakakunot na noo at maya-maya lamang ay tinitigan na nito ang sapin ko sa paa.

"I thought you were going to wear shoes, because you said earlier that you were tying your shoes then why are you now wearing your flat sandals?" Daddy asked while his eyes were still on my feet. Napalingon na rin naman ako sa mga paa ko at doon ko lang napagtanto na ang suot ko pala ay hindi sapatos kundi flat sandal.

"Ehh..." Nahihirapan kong pagsasalita sabay hawi ng buhok ko. Napalingon naman si Daddy sa buhok ko.

"Do you have a date with someone? Boyfriend?" Daddy asked while his forehead is in crease.

Kaagad namang bumilog ang mga mata ko sa narinig. "Just because I dressed like this I already have a boyfriend, Daddy?"

Hindi naman porque nag-ayos ako, ibig sabihin may date kaagad o may boyfriend. Hindi ba puwedeng nag-ayos lang para sa sarili?

"If you already have a boyfriend, introduce him to me. Bring him here in our house and I'll judge him." Nakasarkastikong ngiti si Daddy pero halatang seryoso s'ya dito. "Just make sure you have the same social status."

Napairap naman ako. His attitude and prejudice.

Isa din ito sa mga dahilan kaya hindi ako nagboboyfriend. Bukod sa mas pina-prioritze ko ang trabaho ko kesa sa pag-ibig, alam ko rin na ijujudge ni Daddy ang magiging boyfriend ko base sa trabaho nito, pagkakakilanlan, at higit sa lahat family background. He'll do background checking.

"Hindi pa rin kayo nakakaalis?" Boses na mula kay Mommy na nagpabago ng atmosphere dito sa amin. Mabuti na lang at sumingit si Mommy, dahil panigurado hahaba at hahaba ang topic namin na 'to ni Daddy.

"Paalis na rin kami, Mom." Ako ang sumagot at nilingon si Mommy na ngayon ay naka-apron. Nginitian ko naman s'ya kaya nginitian n'ya din ako. "Hindi ka sasama, Mom?" I asked, kahit alam ko naman na hindi s'ya sasama sa amin ni Daddy dahil halatang mag-ba-bake na naman s'ya ng cookies.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon