CHAPTER 14

73 6 0
                                    

This is the most awaited and the most pressured day here in YZ Headquarters. Andito kasi si President Zendaya sa loob ng headquarters upang pumili ng mga Flight Attendants na makakasama naming mga Flight Captains sa loob ng REMI. Ayaw ko nga sanang sumama dito, dahil alam kong wala naman akong maitutulong dito, pero sadyang mapilit si Daddy kaya wala na akong nagawa pa.

Ngayon ang itinakdang araw para sa mga mag-au-audition na Flight Attendants, habang bukas naman ang para sa mga Cabin Crew, kaya puro Flight Attendants lamang ang mga nag-au-audition.

"Okay, next!" Malakas na sigaw ng isang matandang lakaki na nakadekuwatro ng upo. Kaagad namang naglakad ang lalaking Flight Attendant papunta sa harapan namin. He's wearing his uniform and as usual, he's smiling. Nakangiti s'ya ng malapad na para bang hindi kinakabahan, na para bang hindi natatakot, na para bang sa likod ng malapad na ngiti na 'yon ay walang nagtataong puso na kumakabog.

Well, who wouldn't be scared if the Board of Directors, the Vice President and the President and CEO of YZ Airlines are here in front of them? Watching them, analyzing their personality, and most importantly judging their capabilities as a Flight Attendant.

"G-Good Morning—" Ang masaya sanang bati ng lalaking Flight Attendant na nasa harapan namin ay hindi natuloy nang itaas ni President Zendaya ang kanan nitong kamay na ang ibig sabihin ay 'stopped'.

"Next." Malamig na usal ni Daddy habang hindi tinatapunan ng mumunting atensyon ang lalaking Flight Attendant na ngayon ay hindi na magawang ngumiti o ngumisi man lang. Nakatulala lamang s'ya sa harapan namin na para bang hindi s'ya makapaniwala na ginawa din 'yon sa kan'ya ni Daddy.

"Daddy, you're being mean again. Hindi mo man lang pinatapos ang pagbati n'ya na 'yon." Mahina kong bulong, tama lamang para kaming dalawa lang ni Daddy ang makarinig.

Hindi pa n'ya naririnig ang introduction, ang pangalan, at ang posisiyon nito bilang Flight Attendant, pinahinto na n'ya agad agad!

Nilingon naman ako ni Daddy at ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ngiti na 'yon. "Bakit ko pa s'ya patatapusin kung nagkamali na s'ya? Kung ang simpleng pagbati na 'yon ay hindi n'ya nagawa nang maayos? He choked. He stuttered. Nabilaukan s'ya sa sarili n'yang laway kaya nautal s'ya. Dito pa nga lang sa audition, may nangyari nang gano'n, what more kapag nasa REMI na? It's a big no, Yvette. I don't want to embarrass our name, our reputation, our airlines and our business just because of him, stuttering."

Kaagad kong naintindihan ang rason ni Daddy bakit n'ya 'yon ginawa. Hindi naman kasi serado ang utak ko para hindi 'yon intindihin, at masasabi kong may point 'yong rason n'ya at valid 'yon. Kahit sino naman siguro ayaw 'yon mangyari sa kanila. Ayaw ko 'yon mangyari. Ayaw kong ipahiya o mapahiya ang Airlines namin, dahil kung magkataon, malaki 'yong kahihiyan at sampal para sa amin. Hindi lamang naman kasi basta-bastang mga pasahero ang isasakay ng REMI, kundi mga beauty queens, kaya pinaghahandaan ito ng buong Airlines, kinikilatis namin ng mabuti ang mga mapapasama sa REMI. I want the best for us, for REMI. Pero kung ako ang nasa posisyon ni Daddy, I will let this Flight Attendant continue what he was supposed to say, or what he wants to say and if he is done, tiyaka lamang akong magsasalita, hindi 'yong gano'n. That's mean. Hindi man lang n'ya pinatapos 'yong lalaki. Kawawa naman.

Bumuntong hininga na lamang naman ako at mas piniling huwag na lang sumagot o sabibin ang mga nasa isipan ko. Wala din naman kasing saysay kung magsasalita o mangangatwiran pa ako. Bakit, kapag sinabi ko bang kinabahan lamang ang lakaking 'yon kaya nautal, maniniwala ba si Daddy sa akin? Diba hindi.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa lalaking Flight Attendant na kani-kanina lamang ay nakangiti nang malapad sa harapan namin. Nakatalikod na ito sa amin at naglalakad na papalabas ng hall habang ang mga balikat ay nakababa.

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon