Hindi pa din maalis-alis sa isipan ko ang sinabi ni Daddy no'ng nag-gro-grocerry kami. Para itong multo na hindi nagpapatulog sa akin at palaging naglalaro sa isipan ko. At mapasahanggang ngayon ay hindi pa rin maaalis-alis ang sama ng loob ko kay Daddy dahil sa mga sinabi n'yang 'yon sa pamilya ni Benjamin. Kaya napagdeisyonan ko na umalis na muna ng bahay at magtungo ng Japan para mag-unwind. Baka kasi ano pa 'yong masabi ko kay Daddy at masaktan s'ya o hindi kaya ay sumama ang loob n'ya.
Nakakainis naman, kung kailan nagiging malapit na kami, kung kailan nagiging okay na 'yong relationship namin tiyaka naman 'to nangyari.
Napabuntong hininga naman ako at kinalma ang sarili na para na namang sasabog. Iniiling ko ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Kon'nichiwa utsukushī, josei." (Hello beautiful, lady.) Napalingon ako sa lalaking nakasabay ko sa paglalakad. Nakangiti s'ya ng malapad and I know he's a Japanese. Matangkad, medyo mapayat, medyo maputi, may kabilugan ang mukha, chinito ang mga mata, medyo dark brown ang buhok, at guwapo. Nilingon ko lang s'ya at hindi pinansin. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad na parang hindi narinig ang sinabi n'ya.
"Anata wa kawaīdesu." (You are cute.) Saad ulit ng lalaking nasa tabi ko habang sinusundan pa din ako. "Sekushī ni mo." (Also sexy.)
Napabuntong hininga ako at medyo kinabahan na sa huli n'yang sinabi. Hindi ako gaanong nakakaintindi ng Japanese, pero sa hagod pa lamang ng mga mata n'ya malalaman mo na kaagad kung ano ang naglalaro sa isipan ng lalaking ito.
"Can you stop following me?" Pinilit ko ang boses ko na maging matapang para ipakitang hindi ako natatakot sa kan'ya kahit na ang totoo ay takot na takot na ako.
Kaagad namang pumorma ng letrang 'o' ang bibig ng lalaking Japanese. Nakangisi na din ito ng malapad. "You're hot. What's your name?" Medyo may slang na tanong nito sa akin habang ang ngisi sa labi ay hindi pa rin nawawala.
Kaagad namang nangatog ang dalawa kong tuhod nang ipasok nito ang dalawang kamay sa loob ng bulsa at medyo yinuko ang katawan papaharap sa akin na nagsanhi upang maging malapit ang mukha namin sa isa't isa. Kaagad naman akong napaiwas ng tingin, narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Kinakabahan na ako dahil sa ginagawa ko pero hindi ko lang pinapahalata. Napaurong naman ako at naglakad na parang walang nangyari, kahit na ang totoo ay parang napapaiyak na ako dahil sa sobrang takot.
Napalingon-lingon ako sa paligid ko. Umaasang may makakasabay na ibang tao bukod sa lalaki na kanina pa sunod nang sunod sa akin. Pero bigo ako, walang ibang taong naglalakad maliban sa aming dalawa. Gusto ko sanang pumasok sa tindahan na maraming tao kahit walang bibilhin para maiwasan ang lalaking sunod nang sunod sa akin pero lahat naman ng mga tindahan dito ay serado.
Hindi ito ang unang pagkakataon na makarating ako ng Japan, dahil matagal na akong pabalik-balik sa bansa na ito. Sa lahat kasi ng mga bansang napuntahan ko na, ang bansang Japan ang pinakatumatak at pinakanagustuhan ko. Bukod kasi sa klima, masasarap na pagkain, at magagandang tanawin, approachable at mababait din ang mga Japanese. Pero dahil dito sa nangyayari sa akin, ewan ko na lang kung babalik pa ba ako sa bansang ito.
"Darling!" Napahinto naman ako sa paglalakad at parang nangilabot ang buo kong katawan nang may humawak sa balikat ko at sure akong kamay ito ng lalaking Japanese na sunod nang sunod sa akin.
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta ang alam ko tumutulo na ang mga luha ko.
"Yvette, Yvette, Yvette." Mahinang bulong ng lalaking nasa likod ko na nagsanhi para kumurap-kurap ang mga mata ko.
Pinahid ko na ang mga luha ko at kaagad na nilingon ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Para akong nabunutan ng tinik nang makitang hindi ang Japanese na lalaki ang nakahawak sa braso ko kundi si Benjamin!
BINABASA MO ANG
Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)
RomansaYvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believes that love is like clouds in the sky, beautiful to look at when the sun is shining, yet will also...