"Aeiou! O My God!" Malakas na sigaw ni Sydney nang nasa labas na ito ng pintuan ng banyo habang ang mga mata ay namumula at halatang napapaiyak pero ang kan'yang mga labi naman ay halos mapunit na sa lapad ng ngiti. Kaagad naman kaming lumapit sa kan'ya.
"W-What?" Aeiou asked nervously as his forehead was already sweating.
"Aeiou...." Sa pagkakataong ito umiiyak na si Sydney habang nakangiti pa rin at tumatango. "P-Positive." Pinunasan nito ang kan'yang mga luha at ipinakita ang pregnancy test. "Buntis ako!" Malakas nitong sigaw na s'yang pagpatulala at nagpatumba kay Aeiou. Kaagad namang huminto sa pag-iyak si Sydney at kaagad na nilapitan ang asawa na ngayon ay parang lantang gulay na nakasandig kay Michael.
"Aeiou! Aeiou!" Saad ni Zeil habang tinatapik tapik ang pisngi ng kaibigan. Hindi naman sumasagot si Aeiou at nakatulala lamang ito pero nakangiti ng malapad.
"Aeiou? A-Ayos ka lang? Para kang nawalan ng dugo..." Sabi ng asawa nito habang ang mukha ay kinakabahan at natatakot.
"Buntis ka..." Bulalas ni Aeiou na ngayon ay may mumunti nang mga luhang tumutulo sa mga mata. "Magiging Tatay na ako!" Kaagad itong tumayo at kung kanina ay parang lantang gulay si Aeiou, ngayon ay parang nakadrugs na ito dahil sa lapad nang ngiti at dahil na rin sa sobrang energetic s'ya.
Ngumiti lamang naman si Sydney habang ang mga luha ay nagmamalabis at kalaunan ay tumango.
I'm not a mother yet, but I have an instinct that Sydney is pregnant. Kinutuban kasi ako kahapon nang magalit ito sa asawa at nang sungitan nito si Valkyrie na nanahimik lamang naman. Hindi naman kasi ugali ni Sydney na magalit agad-agad, lalo na kapag walang ginagawang masama sa kan'ya 'yong tao, pero kahapon ay kakaiba s'ya, parang ibang Sydney ang kasama namin. Kinutuban din ako no'ng marinig ang usapan nina Camari at Sergie sa loob ng service. Iba ang kislap ng mga mata nila, iba ang mga ngiti nila at tawa sila nang tawa. Halatang may mga iniisip, at tama nga sila. Tama din ako sa kutob ko.
"K-Kaya ka pala inis na inis ka sa akin nitong mga nakaraang linggo dahil may laman na pala ito..." Umupo ulit si Aeiou sa tabi ng asawa at marahang hinaplos ang tiyan nito habang ang mga mata ay nakatitig sa asawa.
Tumawa lamang naman si Sydney at pinunasan ang luha sa mga mata.
"Valkyrie," Nilingon ni Sydney si Valkyrie. Ngumiti lamang naman si Valkyrie habang ang mga mata ay nagtatanong. "Sorry about what I've done yesterday. Mainit lang talaga ang ulo ko at wala ako sa mood, sorry talaga."
Valkyrie laughed at what Sydney said. "Ano ka ba, okay lang. Sanay na ako, 'no."
"Hindi na mauulit."
"Okay lang, Sydney. Hindi naman halata na ako ang pinaglilihihan mo." Saad ni Valkyrie sabay hawi sa kan'yang buhok at ngumiti.
Dahil sa paghawi ni Valkyrie sa kan'yang buhok nakita ko na napangiwi si Sydney habang si Aeiou naman ay napahalakhak.
"Ito naman 'di mabiro! Siyempre joke lang!" Kaagad na binawi ni Valkyrie ang sinabi n'ya kanina nang makitang hindi natuwa si Sydney.
Umiling na lamang naman si Sydney at itinuon ang atensyon sa asawa na ngayon ay nakatitig na rin sa kan'ya.
"By the way, congrats!" Saad ni Delaney na s'yang ikinangiti ni Sydney.
"Congrats, Sydney! Magiging Mommy ka na!" Si Valkyrie sabay ngiti ng malapad.
"Congrats, Syd! I'm happy for you!" Sabi ko sabay ngiti rin ng malapad.
"Aeiou! Congrats! Magiging Daddy ka na!" Wika ni Michael habang tumatango.
"Congrats, 'pre," Huminto si Zeil sa pagsasalita habang ang kakaibang ngisi sa labi. "Parang kailan lang hindi ka pa tuli. Naalala mo no'n? Sipunin ka pa at dugyot pero ngayon magkakaanak ka na! Congrats!" Malakas na tumawa si Zeil at ngumiti ng malapad.
BINABASA MO ANG
Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)
RomanceYvette Remi Zendaya a woman who is madly inlove with aircraft. A woman who will prioritize more the word 'work' more than the word 'love'. She believes that love is like clouds in the sky, beautiful to look at when the sun is shining, yet will also...