CHAPTER 1

169 12 2
                                    

"Ganda talaga ni baby Ashleah, halatang hindi nagmana sa Mommy." Pagsasalita ko gamit ang nang-uuyam na tono ng boses ko habang ang mga daliri naman ay pinaglalaruan ang mga mala-kikiam na daliri ng bata.

"Hoy!" I instantly looked at Camari when I heard her speak. Her face was almost unpaintable due to the excessive furrowing of her forehead while her mouth was in semi-open form. It was as if she had something to say. "Anong sabi mo? Anong hindi nagmana sa akin 'yong anak ko? Maganda ako, kaya maganda din 'yong anak ko." Pagmamayabang ni Camari na s'yang ikinatawa naming lahat.

"Saan banda?" Si Delaney habang ang porma ay parang may hinahanap sa katawan ni Camari. "Nasa paa ba?" Patanong nitong sabi at kaaagad na tumingin sa paa ni Camari. Dahil sa ginawa ni Delaney, napalingon na din kaming lahat sa mga paa ni Camari.

Nang ang mga mata naming lahat ay nakatutok na nasa mga paa ni Camari, kaaagad na lumukot ang mga daliri nito na para bang nahihiya.

Wala naman s'yang dapat na ikahiya, ang ganda kaya ng paa n'ya. Malinis at maputi, habang ang mga kuko naman ay maganda ang pag-ka-ka-nail cutter at pantay-pantay.

"Hoy! Grabe kayo sa akin, ha!" Pagsasalita ulit ni Camari kaya napunta ulit sa kan'yang mukha ang buo naming atensyon. Nakakunot pa rin ang kan'yang noo habang ang mga mata ay parang galit, pero alam ko naman na hindi. Ang kan'yang kanang kamay ay isa-isa na kaming tinuturo na para bang pinagbibintangan kami sa isang mabigat na bagay na ginawa namin sa kan'ya.

"Tapos feeling ko ampon ka pa sa pamilya ninyo." Pagsasalita ko kaagad nang makitang magsasalita na sana si Camari. Napangisi naman ako.

"O My God! Same tayo ng feeling, Yvette!" Sigaw ni Delaney habang ang dalawang palad ay tinatakpan ang bibig n'ya na para bang nagulat ito. Napalingon naman ako sa dalawang engagement ring na nasa palasingsingan n'ya. "Feeling ko din na ampon si Camari. Kasi 'yong mag-ama n'ya magkamukha. Parehong maganda at guwapo. Tapos pareho pa ng kulay ng mata. Kulay abo!" Dagdag pa ni Delaney na s'yang ikinatawa naming lahat.

Delaney was right. Foreign blood is more predominant in Ashleah physical features than to her Filipino blood. From her oval shape face, roundish-almond eyes, gray color of iris, long lashes, down to her turned-up nose and perfectly proportioned lips, we can immediately state that Ashleah is not a pure Filipino and has a foreign blood. Bukod sa kulay ng balat at sa pagkababae, wala ng ibang namana si Ashleah sa kan'yang ina.

Kawawang Camari. S'ya ang naghirap sa pagbubuntis, s'ya ang nagluwal, pero ni isa sa hitsura n'ya walang namana ang kan'yang anak. Ang lakas talaga ng dugong banyaga.

Camari was about to speak up, when her daughter Ashleah suddenly burst into tears which caused her to be alarmed and startled as if she didn't know what to do.

"Babe, calm down." Agad na napansin ng asawa ni Camari ang naging reaksyon nito nang marinig na umiyak ulit ang kanilang anak kaya hinawakan nito ang kamay ng asawa at minasahe ng marahan. Napabuga naman ng hangin si Camari at maya maya lamang ay unti-unti na itong kumakalma. "Pakiabot na lang ng gatas n'ya. I think she's hungry...again." Sergie chuckle a bit after he said the last word.

Agad namang tumalima si Camari sa utos ng asawa at agad na kinuha ang bottled milk ng anak.

"Guys, sorry, ha." Pagsasalita ni Camari gamit ang mahinahon nitong boses habang hinihilot ang sintido. Napaarko naman ang isa kong kilay. She looks exhausted. "Nataranta lang ako nang marinig na umiyak si Ashleah, eh." She explain with an apologetic smile.

"Ano ka ba!" Si Sydney ang sumagot. "Normal lang 'yan, siyempre Ina ka, Ina ka na, normal lang na mataranta ka kapag narinig mong pumalahaw ulit ng iyak ang anak mo. 'Yong iba pa nga na-s-stress at nagagalit pa."

Promises Beneath The Blue Clouds (Rich Girls Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon