Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]
Chapter 33
( Lew’s POV )
[Phone rings: Calling…… Beshie Pat]
📞📞📞
“Hello, Bes” sagot ko sa phone.
“Bes. Good morning! Nasaan ka na?” tanong nito.
“Nandito pa sa bahay. Nag-aalmusal. Bakit?” sagot ko naman.
Dahil nga sa postpone ang mga klase namin kaya pwede na kaming pumasok anytime, basta dapat lang ay makarating on-time sa itinakda kung kelan ang practice.Pero still ay tuloy parin naman ang attendance. May naka assign naman sa attendance bawat team.
“Bes. Favor naman. I have period today. Pwede bang pabili ako ng napkin, please” paglalambing na utos nito.
“What?! Ano ka ba, Bes?! Kababae mong tao hindi ka ready sa ganyan?!” singhal ko sa kanya.
“Ready naman. Kaso nakalimutan ko ang extra ko eh. Sige na Bes, please.” pakiusap ulit nito sa akin.
“Ako pa talaga ang nautusan mo sa ganyan ha?” angal ko.
Nakakahiya kaya bumili nun..🤨
“Eh babae ka din naman. Kaya wag ka ng mahiya bumili nyan. Sige na please. You know how much I need that, di ba?” sabi nito.
“Gaga! Never ko wi-nish na maging babae ako ano?! Oh siya!. Send mo sa messenger ko itsura nyan at hindi ako marunong bumili nyan. Dadaan nalang ako sa mall” sabi ko.Wala na din naman kasi akong magagawa. Beshie ko yan eh! Hindi ko iyan matitiis kahit na lukaret yan!
Malay ko rin ba kung ano ang kailangan niya? Maraming klase kasi yata ang alam ko nun.May wings at without wings pang nalalaman! Parang ibon lang eh...
“Gaga! Mayroon nyan sa mga tindahan. Pero sige.... Send ko nalang yung picture para alam mo yung brand na gamit ko” sabi nito.
“Ewan ko sayo! Kaloka ka!. Sige na para makaalis na ako.” sabi ko.
“Okay. Sige, Bes. Thank you talaga! Mwuah!” sabi pa niya at pinatay ko na yung call.
[call ended]
---------
Hay naku! Pasaway na babaeng palaka talaga itong si Bes!. Charot lang! Love ko ang Bes ko na yun!
Pero nakakainis lang kasi dahil ako pa ang inutusan.Hindi ako bumili sa tindahan kasi nakakahiya kaya. Baka kung ano ang isipin nila, kilala pa naman ako dito kaya baka mapagtsismisan pa ako.
Mga tsismosa pa naman mga tao dito sa amin.
Baka sabihin pa nila eh assumerang bakla ako! Na nangangarap maging babae na may buwanang dalaw! Kaloka! 🤦♂️
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
RomanceEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...