Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 53
( Lew’s POV )
“Can I kiss you and taste your sweet lips?” mapang-akit na tanong niya.
Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa, I can smell his breath. Ang bango ng hininga niya!
Ang init at amoy ng hininga nito ang ay nagpapahina sa akin. Kung hindi nga lang niya siguro ako hawak, malamang ay hindi na ako makakatayo pa.
And his perfume! F*ck!
Kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng pabango na ito! At hindi ako maaaring magkamali!
Kahit madilim ang paligid ay hindi ako mamaaring magkamali kung sino ang taong ito.
“B-Blaze?!” utal na sabi ko.
“Yes, honey. It’s me. Only me” mapang-akit na sabi niya.
“W-what are you doing B-Blaze?” nauutal na sabi ko. Hindi parin niya ako binibitiwan.
“What do you think? I’m asking if I can kiss you?” sabi nito na deretsong nakatitig sa mga mata ko.
“N-Nababaliw ka na ba? G-Gusto ko mo bang bugbugin kita?” sabi ko.
I’m just pretending na matapang ako. Pero wala naman akong laban sa tao na ito. At hindi ko din alam kung ayaw ko ba talaga.
He has a charisma just like Kaizer, just like The Heartthobs.
At kapag ito yata ang kaharap mo ay talagang manghihina ang buong sistema ng katawan mo. Kung may ka level ang kapogian si Kaizer, si Blaze yun.
Diretso lang siyang nakatingin sa akin sa mga mata ko. Hindi ko man gaanong maaninaw ang mukha niya, sapat na ang konting liwanag na nanggagaling sa mga dim lights para makita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya.
Ilang segundong katahimikan din siguro at tanging mga ingay lang mula sa labas ang maririnig at ang mga hininga namin dahil sa napakalapit namin sa isa’t-isa.
Maya-maya ay napansin ko nalang ang unti-unting pagsilay ng mga ngiti niya kasabay ng malakas na pagtawa lumayo ng bahagya sa akin.
Hindi lang tawa, kundi halakhak pa!!!
May paghawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.
“You should see your own face! You’re so damn serious and so scared!” hagalpak na sabi niya, habang hawak-hawak ang tiyan.
“Bwisit ka! Ano ba kasi yang trip!” naiinis na sabi ko.
Parang napahiya ako ng very light dun ah. 😠😠😠
“I’m just kidding, okay? Napakaseryoso mo naman kasi” sabi nito at patuloy parin sa pagtawa.
“Hindi nakakatuwa ang joke mo ha! Nakakainis kaya yun!” sabi ko.
“Sorry naman. Ang cute mo kasi eh! At ang cute mo din magalit!” sabi nito.
“Leche ka! Ginawa ko pa akong tuta! Bakit ka ba kasi nandito?” inis na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
RomanceEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...