Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 52
( Lew’s POV )
Nakakainis lang kasi wala akong makuhang matinong sagot mula sa kanila!
Ano na naman ba kasing mayroon ang utak ni Kaizer? At bigla-bigla nalang nag-iba ang mood?
Habang nag-iisip ako at nakasimangot ay nakita ko na sina Kaizer na papalapit sa amin.
OMG! He’s really so hot!
Nakaka inlove naman ang itsura ng tao na ito. Siya yung tipo na tao na kahit hindi magsalita o kahit na walang ginagawa ay kaya ka niyang pakiligin!
Inayos ko na ang upo ko. Bigla siyang ngumiti. Gosh! Kung nakakatunaw lang ang ngiti niya, malamang kanina pa ako nalusaw dito! At baka nag evaporate ko ako sa sobra niyang hot!
Hay naku! Bakit ba ako natataranta?
Eh si Kaizer lang naman yun at halos nakakasama ko naman siya araw-araw.
“Ay, ang taray mo Bes!” bulong sa akin ni Pat.
“Oh bakit na naman ba? Wala naman akong ginagawa ah” tanong ko dito.
“Eh, ano namang eksena nyo na yan ni Kaizer?” tanong ulit ni Pat. Tuloy lang kami sa bulungan.
“Bakit? ano bang pinagsasabi mo dyan?” takang-tanong ko sa kanya. Hindi pa ba siya sanay sa mga tinginan at ngitian namin ni Kaizer?
“Naka couple shirt kayo, gaga! Obvious na kayo, tatangi ka pa!” pang-aasar ni Pat.
Couple shirt?
Tiningnan ko si Kaizer. Halos pumunta lahat ng dugo ko sa ulo. Feeling ko pulang-pula na ako. Kung may pupula pa sa pula, malamang iyon na ang kulay ko!!
Parehas nga kami ng damit ni Kaizer. Hindi lang sa damit ha. Halos iisa ang itsura ng suot namin.
Kambal lang?
Pero hindi eh. Couple nga daw sabi ni Bes! Couple shirt! Nakakahiya!
“Hey guys! Naka-order na ba kayo? Sorry natagalan kami” sabi ni Phytos.
“Yup! Si Mitch na ang kumuha ng order namin” sagot naman ni Pat.
“So, paano? Sundan ko nalang muna si Mitch. O kayo mga bro? Ano bang gusto ninyo?” sabi ni Phytos at tinanong sina Kaizer at Oreon.
“Ikaw na bahala, bro” sagot naman ni Oreon.
Umupo si Oreon sa tapat ni Pat. Si Kaizer naman ay tumabi sa akin. Si Prince at Lexter kasi nasa magkabilang-dulo.
“Hey, babe! Ang cute mo talaga!” sabi ni Kaizer at pinisil pa ang pisngi ko.
Ginawa pa akong bata ng mokong na ito! Pero kinikilig ako promise!
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
RomanceEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...