Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 51
( Lew’s POV )
“Hey guys! Hanep ah! Astig ng ginawa nyo!” bati ni Lexter pag pasok namin. Nag-apiran pa sila isa-isa.
“Thanks! Ayos ba?” sabi naman ni Phytos.
“Ayos na ayos! Grabe magwala ang crowd. Halos fans nyo yata ang laman ng stadium eh” sagot ni Lexter.
“Well, with the looks and yumminess namin. Magtataka pa ba kayo?” pagmamalaki ni Oreon.
Tawanan lang kami. Kasi nagpa macho pa siya, habang nagpapacute.
“Hmp! Ang yabang talaga!” sabi naman ni Pat.
“Selos agad, sis?” pang-aasar ni Mitch.
“Hindi ako nagseselos. Sadyang nakakainis lang ang kayabangan ng unggoy na yan!” inis na sabi ni Pat.
“Unggoy pala huh? Why? Do you want to taste my banana?” sabi ni Oreon at pina-sexy pa yung boses niya.
“Yuck! Ang manyak mo talagang unggoy ka! Grrr!” gigil na sabi ni Pat at pinaghahampas pa siya.
Tumakbo naman si Oreon at hinabol ni Pat. Para tuloy silang mga bata na naghahabulan.
“Ouch! Don’t hurt me! Magagalit ang mga fans ko sayo” sabi ni Oreon habang tumatakbo. Pero mukhang iniinis lang niya si Pat.
“I don’t care! Magsama-sama pa kayo!” sabi naman ni Pat. Tumigil na ito kakahabol kay Oreon. Mukhang napagod na siya.
“Eh ikaw, babe? Nagselos ka ba kanina sa mga fans ko?” tanong naman ni Kaizer sa akin.
“No. Bakit naman ako magseselos?” takang sabi ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya. Parang hindi niya gusto ang naging sagot ko.
“You mean, hindi ka nagseselos kahit na may tumitili sa akin at sumisigaw ng ‘I Love you’”? tanong ulit ni Kaizer.
“Hindi naman. Ganyan din kasi ako kapag may nakita akong crush kong artista o kaya ay banda eh. Nakikipagtulakan pa nga ako para lang mahawakan ko kamay nila” sabi ko naman.
May pagtawa pa ako nung sinabi ko yun. Pero si Kaizer, nakasimangot na. Bakit kaya?
“Mission Failed” biglang sabi ni Oreon. Natawa pa siya.
Binigyan naman siya ni Kaizer ng matalim na tingin. Yung halos pwede na siyang masugatan sa talim! Kaya naman natahimik siya at tumigil sa pagtawa.
Ano ba yun? Ano ba yung mission failed daw?
Hay naku! Ganun ba talaga ang mga lalaki ngayon? Gumagamit na ng mga secret codes at sila-sila nalang ang nagkaka-intindihan?
O baka naman sadyang mahina lang ang common sense ko?
“Mabuti pa, Let’s eat nalang muna. Kanina ko pa gustong mag coffee eh” sabi ni Mitch.
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
RomanceEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...