Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 39
( Lew’s POV )
“Here. This is for you, Babe” sabi ni Kaizer sabay abot ng pagkain sa akin.
Kakarating lang niya galing sa cashier.
“But, I already have one” sabi ko naman.
Umupo siya sa tabi ko.
“Hindi ba favorite mo yan? Kumuha na ako, dahil baka maubusan ka pa. Alam mo naman na eat-all-you-can tayo ngayon dito” sabi ni Kaizer.
Idiniin niya talaga yung salitang 'eat-all-you-can' sabay tingin ng masama kay Prince.
Natawa nalang kami sa reaksyin niya.
Halata naman kasing naiinis si Kaizer.
Kasi naman, kung kahapon ay isang barangay ang pinakain ni Prince, eh triple ang dami namin ngayon. Halos tatlong barangay ang dami naming lahat.
Idagdag pa na mga pagod at gutom kami ngayon compared sa kahapon, kaya siguradong ubos lahat ng pagkain ngayon dito sa cafeteria.
“Thank you. Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.
“Tsk! Kumain nalang tayo. Kanina pa ako gutom.” Sabi ni Kaizer.
“Bro, masama daw ang nakasimangot sa harap ng pagkain.” pang-aasar ni Oreon.
Tawanan na naman sila. Talagang trip ni Oreon na asarin si Kaizer eh.
“Shut-up bro! Baka gusto mong ikaw ang pagbayarin ko nang kalahati ng mga ito or much better if ikaw na lahat ang bayad nito” pananakot na sabi ni Kaizer sa kanya.
“Sabi ko nga eh. Shut-up nalang dapat ako.” sabi naman ni Oreon sabay senyas na he zipped his lips.
“So, We’re even. It means we are okay now, right?” biglang tanong ni Kaizer kay Prince.
“Of course” sagot naman ni Prince. Nagshake hands pa sila.
Although alam naman namin na hindi gusto ni Prince si Kaizer, ay hindi nalang kami nag comment about dun.
Mas okay narin yun ganito, kaysa naman totally magka-away sila.
“Babe, what’s your plan after ng rehearsal natin?” tanong ni Kaizer habang kumakain kami.
“Ahm. Uuwi na siguro. Para makapagpahinga na.” sabi ko naman.
“Can we go out first? Let’s go to SkyHigh Mall” sabi ni Kaizer.
“Ha? Hindi ka pa ba napapagod?” tanong ko dito.
“Medyo lang. Kaya nga I’m asking you to come with me. Para naman makapag relax man lang tayo” sabi ni Kaizer.
“Kaizer, remind ko lang sayo na bukas na yung event natin. Kaya dapat magpahinga na tayo after ng practice natin” sabi ko naman.
“Eh bukas pa naman ng gabi yun, di ba? Wala naman tayong practice bukas maghapon. Ibig sabihin mahaba-haba ang pahinga natin” sabi naman ni Kaizer.
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
عاطفيةEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...