LTYH 44

14 1 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 44

( Lew’s POV )


Si Kaizer na ang naghatid sa akin pauwi. Pumayag na din ako na siya na ang maghatid sa akin, dahil na rin para hindi na ako makaabala pa kay Prince. Para hindi na siya umalis sa bahay nila at makapagpahinga narin siya.



“Oh bakit ka naman nakasimangot dyan?” takang tanong ko kay Kaizer habang nagmamaneho siya para ihatid ako.


Hindi kasi siya umiimik, at nakasimangot parin siya simula pa kanina.



“Asus, parang may nagseselos ah” pang-aasar ko sa kanya.


“Oo! Nagseselos ako! Unang-una, hindi mo na nga pinaalam sa akin na sa bahay kayo ng payatot na yun pupunta, nag duet pa kayo! Pangalawa parang enjoy na enjoy ka naman na boto sayo yung ate ni payatot na yun!” galit na sabi nito.



“Biruan lang naman yung sinabi ni Ate Tricia kanina, masyado mo namang sineryoso. Hindi naman nanliligaw si Prince.” Kalmado kong sabi ko sa nagseselos na parang bata na si Kaizer.


Ate Tricia talaga? Ate na? Agad-agad?” sarkastikong sabi nito.




“Eh syempre mas matanda siya akin eh. Kaya gumagalang ako. Hindi ba pati ikaw ate din tawag sa kanya? Pati din naman sina Pythos at Oreon, at saka si Pat? Oh anong issue ngayon dun kung tawagin ko siyang ate?” sabi ko na may inis na tono.



Naiirita na din ako sa kaartehan ng tao na ito eh. Kanina pa to ah! 😤



“Asus. Eh bakit hindi mo sa akin sinabi na sa bahay niya pala kayo pupunta at hindi sa school?” tanong nito.




“Eh, nasabi ko nga di ba na nakalimutan kitang sabihan at naiwan ko ang phone ko sa kotse niya?” sabi ko.




Kailangan talaga paulit-ulit mag explain? Kakaloka!🙄




“Eh yung duet? Bakit ka pumayag sa kanya, pero sa akin ayaw mo?” sabi nito na galit parin ang tono. Galit na parang nagtatampo.




“Eh madami ka ng song numbers, di ba? Marami ka ng kinakanta. Tingin mo ba eh makakamemorized agad tayo ng duet song?” sabi ko.



“Madali namang mag memorized eh. Ayaw mo lang talaga. Pwede din naman na pumili tayo ng kanta na alam natin pareho” sagot nito.



May point naman siya dun. Pero dagdag stressed lang kasi yun sa kanya eh. Ayaw ko din naman na ma stressed pa siya.




“Eh wala na! Pauwi na tayo, kaya wala naring kwenta kahit magalit ka pa dyan. Wala na tayong time magpractice.” Sabi ko.




“Kung pumayag ka lang kanina, eh di sana mayroon din tayong duet” reklamo nito.



“Puro ka reklamo! Puro ka duet! Puro ka galit! Puro ka selos! Eh wala ka namang mapapala dyan, kasi wala naman tayong alam na duet song na alam nating pareho.” inis na sabi ko.



Hindi agad siya umimik. Parang natauhan ang mokong.




Ano nga bang mapapala niya? Kahit magalit pa siya ay wala narin naman siyang magagawa dahil wala kaming alam sa duet song na pareho naming kabisado. At kung mayroon man ay wala na din namang time para mag practice.




Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon