LTYH 4

75 5 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [BxB]



Chapter 04



(RyRy’s POV)



Hi! Ako nga pala si Ryan Rey Ordeneta Reyes a.k.a. RyRy. 23 years old. Matangkad, moreno, chinito, gwapo at habulin ng chicks! Pero pihikan po ako at may mahal na ako.


Pinsan ko  po si Lew or mas prefer kong tawagin na bebe love.

Oh baka nabigyan nyo ng malisya ang closeness naming dalawa ha.



Mag pinsang buo kaming dalawa, mahal ko lang talaga si bebe love kasi parehas kaming ulila na sa magulang.


Nung mamatay ang mother niya ay kinuha na si bebe love ng mga magulang ko. Ten years old pa lang yata siya nun kaya naman halos sabay narin kaming lumaki kaya naging ganun kami ka close.



Nang mamatay naman ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente, ay kami nalang ni bebe love ang magkasamang lumaban sa hamon ng buhay.



May mga naiwan naman sa akin sila mama at papa na pera sa banko at saka itong bahay.

Medyo malaki ang bahay para sa amin ni bebe love kaya naman yung ibang kwarto dito ay pinaupahan ko nalang.



Kaya nung nakapag trabaho na ako bilang call center agent, yung kita ko ay pinagawa ko pa ng ilang pang kwarto para dagdag income na din. Magkaka college na kasi si bebe love alam kong malaking gastusan yun.


Kaya naman labis ang tuwa ko ng malaman kong kinuha ng EMU ang pinsan ko na scholar nila.

Matalino kasi talaga si pinsan eh. Proud ako dyan, promise!



Bukod pa sa scholar ay may weekly budget din syang natatanggap. Gusto nyang ibigay yun sa akin, pero sabi ko huwag na. Kanya na yun.


Malaki naman ang sweldo ko saka kumikita narin naman ako dito sa apartment na pinagawa ko. Kaya sabi ko sa kanya itabi niya nalang para kapag may gusto syang bihin ay mabibili niya, o kahit ubusin pa niya basta nandito lang ako kung kailanganin niya ng pera.



Mahal na mahal ko itong pinsan ko.



Actually, kaya single parin ako until now kasi sa kanya lang ako naka focus. Baka kasi pag nag asawa na ako baka simulan lang ng hindi pagkakaintindihan dahil mahahati ang oras ko sa kanila.


Bebe love ko nga siya diba. Bebe kasi baby girl ko na yan.


Yung love kinuha ko sa L-ewis O-rdeneta VE-rgara. Hahahaha!!!!!

Badtrip nga siya nung una. Pero alqm ko kilig yan! Hahahahahah!!!



Gagawin ko ang lahat para sa pinsan ko. Wish ko lang sana dumating na yung araw na may magmamahal sa kanya at mamahalin rin niya.

Huwag lang sana siyang sasaktan. Dahil kaya kong puamatay at mamatay para sa pinsan ko.



Hay naku Bebe Love! Saka magka boyfriend kana para naman magka girlfriend na rin ako. Matagal ko ng gustong ligawan yun eh.

.
.
.
.



(Lew’s POV)


Monday na naman.

Araw na kailangan kong pumasok ng maaga, dahil every Monday lang ginaganap ang flag ceremony.


As SC President ay ako mag le-lead ng prayer.


Pagdating ko ng school dumeretso agad ako sa SC (students’ council) office. Nadatnan kong nanduon si  VP Ellaine.

“Ah Lew, ako na daw muna ang maglelead ngayong araw. You have a meeting now with Mrs. Hera” sabi nito.

Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon