LTYH 27

32 2 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]


Chapter 27




( Lew’s POV )



Lumabas muna ako ng kwarto ni Kaizer habang natutulog siya. Actually pwede na akong umuwi pero hindi ko ginawa.



Sa sobrang laki ng bahay nila ay tinandaan ko pa kung saan ako nanggaling kasi pwede akong maligaw sa laki nitong bahay.



Nilibot ko ang bahay hanggang sa makarating ako sa garden nila.



Palakad lakad lang ako at tinitingnan ang mga magagandang halaman na naroroon. Mukhang naalagaan namang mabuti.

Haaaay!

How I wish na sana naging mayaman nalang ako. Na sana ay may ganito din akong kagarang bahay at pamumuhay.



Someday.....someday magkakaroon din ako nito.  Tiwala... sipag... at tiyaga lang.



Nang mapagod na ako sa kakalibot ay nagpasya na akong lumabas na at umuwi nalang.



Teka paano nga ba ako uuwi? Private subdivision ito at siguradong walang tricycle dito na pwedeng masakyan.




“Gusto nyo na po bang kumain, sir?” salubong ng isa sa mga maids nila sa akin.


Pagkain? Bet ko yan!

Gutom na rin ako eh, kaya hindi na ako tatangi. Kakain nalang muna ako bago umuwi. Mukha kasing malayo-layo ang lalakarin ko bago ako makalabas sa subdivision na ito.




“Ah.. Eh.... Pwede po ba? Nagugutom na din po talaga ako eh” nahihiyang sabi ko.



Oo! Nahihiya talaga ako. Pero ayaw ko din naman mag collapsed nalang mamaya sa daan habang naglalakad ako noh?


“Sunod nalang po kayo sa akin, sir. Sa dining room nalang po kayo maghintay.” nakangiti namang sabi ng maid.



“Okay. Thank you.” sagot ko nalang st sinundan ko kung saan siya papunta.


Umupo na ako dito sa dining area. Hintayin ko nalang daw dito yung pagkain. Ayaw yata nilang ako na ang magsandok dun sa kusina. Hindi ko naman uubusin kung anong meron dun eh.

Pero nagulat ako nang sunod-sunod na lumabas ang mga maids na may dala-dalang mga tray, obviously ay mga pagkain ang mga laman.



Mukhang marami yata akong kasabay. Ang dami kasing nakahandang pagkain eh.


“Ate, sino pong makakasama ko sa pagkain?" tanong ko habang pinagmamasdan ko sila na inaayos yung mga pagkain na dala sa lamesa.




“Ay sorry po Sir. Tulog pa po yata si Sir Kaizer eh kaya kayo lang po munang mag-isa ang kakain ngayon” nakangiti pero parang nahihiyang sabi nito.


“Ha? Ako lang po mag-isa? E bakit po ang daming nakahandang pagkain?” takang tanong ko.



“Ah sabi po kasi kanina si Sir Kaizer ay maghanda po kami ng maraming pagkain para sa inyo.” sagot naman nito.


Hindi na ako nakasagot.

Grabe naman! Ako lahat kakain nito?
Pang sampung taong kakain na yata ang dami nito e.

Ganun na ba ako mukhang kasabik sa pagkain?

Nagpaalam na sila kaya wala na akong nagawa kundi kumain na rin lang. Bukod sa gutom na gutom na ako ay naniniwala din ako sa kasabihang Huwag kang mag-aksaya ng pagkain.... kung ayaw mong mabulag!

Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon