LTYH 46

16 1 0
                                    

Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]

Chapter 46


( Lew’s POV )




“I like it when you are blushing. I find it cute” bulong ni Blaze sa akin habang bumebeso.


Mas lalo akong nahiya. Mukhang tama nga ang hinala ko sa mokong na ito.👊




“Ah..eh.. Thank you. By the way, these are my friends,  Pat and Prince” pagpapakilala ko.





Nahihiya talaga ako. Pero medyo nainis din kasi masyadong confident itong lalaki na ito.



Nakipagkamay naman siya kina Prince at Pat.




“Mom, can I excuse for a while? I think I need to go to the restroom” paalam ni Blaze.




Kailangan pa talagang sabihin kung saan siya pupunta? WTF!🙄



“Okay, son. Go ahead” sabi naman ni Ma’am Hera.


“But mom. Baka maligaw ako. Pwede bang magpasama ako kay Lew sa CR?” sabi ni Blaze.


Tiningnan naman niya ako at kinindatan. May pagbasa pa ng labi sabay kagat.



Grrr! Manyakis!😡👊




Nanlaki naman ang mata ko sa mga asal niya.




Blaze! You are not in the estates anymore! Hindi na pwede dito yan sa Pilipinas ang ugali mong ganyan! Will you please behave? Even just for tonight?!” galit na wika ni Ma’am Hera kay Blaze sabay pingot sa tenga nito.




Gusto man namin matawa ay pinigilan nalang namin.




“Relax mom. I’m just joking, okay? Ang serious naman ni mommy ganda ko” sabi naman ni Blaze.




Niyakap pa niya at nilambing lambing si Ma’am Hera. Si Ma’am naman ay mukhang nauto ni Blaze. 🙄





Hay naku! Pero nakakatuwa silang tingnan. They seems so close to each other.





“Sige na. Umalis ka na at baka kung ano na naman ang masabi mo pa” sabi ni Ma’am.




“Okay, alis na nga ako. Bye mom” Sabi nito kay Ma’am at lumakad na. Pero huminto ulit at tumigin sa akin.




“Bye, honey! See you later” sabi nito sabay kindat.



Nagbigay pa siya ng nakakalokong ngiti bago  tuluyang umalis. Pero hindi na iyon nakita ni Ma'am kasi nakatalikod ito sa kanya.




“Pasensya na kayo sa anak ko ha. Pasensya ka na Lew. Talagang pasaway ang batang yun eh. Sumasakit na nga ang ulo ko dun.” Naiiling na sabi ni Ma’am Hera.





“Wala po yun Ma’am. Biruan lang naman po yun.” Sabi ko nalang kahit alam  kong hindi biro yun kay Blaze.



Wala namang sinabi si Ma’am na iba pang importante. Nangumusta lang siya at inalam kung handa ba at okay ang lahat. Pagkatapos nun ay umalis narin agad kami.



.
.
.


( Kaizer’s POV )



Kas, ang tagal naman ng jowa mo! Ilang years pa ba bago siya dumating para maayusan ko?” naiinip na sabi ni Mitch.




Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon