LTYH 36

20 1 0
                                    


Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]



Chapter 36





( Lew’s POV )





“Patay gutom ka talaga! Pinagpalit nyo ako dahil lang sa cheap foods? Kaya kong manlibre nyan, kahit triple pa yung price!” inis na sabi ni Kaizer sabay walk-out.





Umalis na siya palabas ng cafeteria.






“Hindi mo ba siya susundan, Princess?” tanong ni Prince.






“Pabayaan mo na muna si Kaizer, Lew. Kasalanan niya naman” sabi ni Oreon.





“Oo nga. Para naman marealized niya na mali yung ginawa niya.” sabi naman ni Pat.






“Nag-aalala lang ako. Baka kasi kung ano ang gawin nun. Feeling din kasi niya wala siyang kakampi” sabi ko.






Gusto ko na sana syang sundan eh. Naawa naman bigla kasi ako.






“We just want him to know na hindi porket barkada namin siya ay kukunsintihin na namin ang mga mali niya” sabi naman ni Phytos.







“Kapag sumunod ka sa kanya, iisipin nun na tama yung ginawa niya, Lew. Hindi siya matututo sa pagkakamali niya” sabi naman ni Lexter.






“At saka don’t worry. Hindi naman magpapakamatay yun.” Natatawang sabi ni Oreon.







“Basta Princess, kung gusto mo syang sundan ay okay lang sa akin. Sorry at mukhang nagkagulo pa kayo dahil sa akin” sabi ni Prince.






“No. Hindi mo naman kasalanan. Tama naman sila. Let him realized kung ano ang pagkakamali niya” sabi ko.







Ngiti lang ang sinukli sa akin ni Prince. Napakabait niya talaga.
Kahit na alam naman niya na wala naman siyang kasalanan ay siya parin ang humihingi ng sorry ngayon.





Totoo nga siguro ang sinabi niya dati na wala siyang balak mang-gulo sa kung anong meron sa amin ni Kaizer.




( Kaizer’s POV )




Nakakainis talaga yung payatot na yun!





Gusto niya lang naman magpasikat sa Babe ko. Pati mga kaibigan ko mukhang nasuhulan niya na din!






Nandito ako ngayon at mag-isa sa parking lot. Ayaw ko na mag practice! Bahala na sila sa buhay nila!😡






Kaizer!” tawag sa akin.






Kilala ko na kung sino yun kahit hindi ko na lingunin at tingnan. Alam ko na si Lew iyon. Boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na.







“So, ikaw pa pala ang galit ngayon?” agad na sabi niya.





“Eh Babe! Nakakainis lang kasi yung payatot na yun! Masyadong pasikat!” naiinis na sabi ko.







“Si Prince ba yung pasikat o ikaw? Hindi ba, ikaw naman ang gumawa ng eksena kanina?” inis na sabi nito sa akin.






Oo na! Alam ko naman talaga na mali ako!





Gusto niya magpasikat,'di ba?






Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon