Title: Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [ BxB ]Chapter 43
( Lew’s POV )
Kaagad kong binasa ang mga messages nila. Lahat sila ay nagtatanong at nag-aalala kung nasaan na kami ni Prince.
Maging si Prince pala ay hindi din sumasagot sa mga tawag at sa mga texts nila.
“Hey! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap” sabi ni Prince.
“Naiwan ko pala kasi ang phone ko, kinuha ko lang. Kanina pa pala tumatawag sina Kaizer, at nag-aalala na sila kung nasaan na tayo” sabi ko dito.
“Really? Nagtataka na siguro ang mga yun kung bakit hindi tayo sumasagot sa tawag nila. Naiwan ko din ang phone ko kotse” sabi ni Prince.
Tiningnan ko nga ang driver’s seat at nanduon nga yung phone niya. Kinuha ko naman ito at iniabot sa kanya.
“Oh sh*t! flooded yung notifications ko. Wait, tawagan ko lang si idol” gulat na sabi naman nito.
Tumango lang ako. Tinawagan niya agad si Lexter at nag-usap sila.
Mukhang galit at sinisermunan siya ni Lexter kasi panay ang hingi niya ng sorry dito. At sa huli ay parang nagkasundo naman din sila.
“Ah Princess, ikaw nalang kaya ang tumawag kay Kaizer at mag explain. Kanina pa daw galit na galit yun eh. I’m sure aawayin lang ako nun kapag ako ang kumausap” sabi ni Prince na kakamot-kamot ng batok.
Well, definitely ay tama nga siya. Tiyak na yung galit at inis nun ay ibubuhos sa kanya.
“Ok sige” sabi ko nalang.
At tinawagan ko na nga si Kaizer. Naka loud speaker para marinig din ni Prince ang usapan namin.
“Hello, Babe?! Where the hell are you?! I’m calling you for a million times pero hindi mo sinasagot yung tawag ko!” sagot ni Kaizer sa tawag ko.
Halatang galit nga siya, pero alam ko naman na nag-aalala lang siya.
“Ang OA mo ha. Million times talaga?” natatawang sabi ko.
“Don’t make it a joke! Nasaan ka ba?!” galit na sabi nito.
“Sorry na nga po. I’m with Prince now. Naiwan kasi namin pareho yung phone namin sa car niya kaya hindi namin nasasagot yung mga tawag nyo” paliwanag ko.
“Nasaaan ba kayo? Nandito kami sa loob ng EMU. Pabalik-balik na ako sa bahay mo, pero walang tao. Saan ka ba dinala ng Prince na yan!” inis na sabi ni Kaizer.
“Relax lang. Nandito kami sa bahay niya. Umuwi na kayo, okay lang ako dito.” sabi ko.
“What?! At bakit ka nandyan sa bahay niya? Babe, pinagtataksilan mo ba ako?!” galit na sabi nito.
Taksil agad talaga? Eh hindi pa naman kami mag boyfriend ah. Ang OA niya talaga!
Nakita ko naman na napangiti si Prince.
“Dito po kasi kami magpapractice. At saka kasama namin dito yung ate ni Prince kaya wag kang madumi ang isip dyan” sabi ko na natatawa.
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
RomansEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...