Listen To Your Heart
[ M2M Love Story ] [BxB]Chapter 01
( Lew’s POV )
Kringgggggg!!!!!
Tunog ng alarm clock ko, hudyat para gumising na ako.
It’s already 5:00 am, masyado yata akong maagang nagising eh 8 o’clock pa ang start ng klase ko.
excited lang self??? hehehe.
Tumayo na ako para makapaghanda na ng breakfast. Hindi na rin naman ako makakatulog nito. So gagawin ko nalang productive ang gising ko.
Nadatnan ko ang pinsan kong si Ryan na nasa kusina na pala.
Nakakaloka! Mas maaga yatang nagising ang kumag na ito sa akin.
“Good morning bebe love” bati niya sa akin.
“Good morning din RyRy aga mo yatang gumising ah” sagot ko naman sabay halik ko sa kanya sa pisngi. Beso ba.Ewan ko ba. Basta naging normal na sa amin ang ganung greetings, bagong gising man o aalis, o kahit pa sa public places pa yan.
Walang awkward kumbaga kasi magpinsan naman kami eh.
Bakit nga ba kailangan kong mag explain? Wala lang trip ko lang😅
“Syempre first day of school mo ngayon kaya maaga akong nag prepare for your breakfast” sabi niya naman.
“Ahhhhh.... ang sweet sweet naman ng RyRy ko” sabi ko sabay hug sa kanya.
Yeah! Sweet ng pinsan ko na yan. Kaya love na love ko yan eh.
“Of course naman para sa nag-iisang bebe love ko” sabi niya sabay hug din sa akin.“Oh siya kumain ka na ng makapag ready ka na. Baka malate ka pa" dagdag pa niya.
Ai hindi pa nga pala ako nagpapakilala.
Bakit ba kasi walang nagpaalala...✌Hi! My name is Prince Lewis Ordeneta Vergara, or Lew in short. I am 20 years of age and 2nd year college na. I am proud and loud as a gay, member ng LGBTQ+.
Pero hindi ako crossdresser or what. Huwag kayong ma offend sa sinabi ko ah. Hindi naman ako against sa mga crossdressers, sadyang mas prepare ko parin na magdamit panlalaki.
Sa unang tingin ay napapagkamalan pa akong straight.
Hanggang sa tingin lang yata.
Dahil nga sa may pusong babae nga ako, lalabas at lalabas ito sa aking mga kilos at pagsasalita paminsan-minsan. Medyo malambot din kasi akong kumilos at magsalita eh… hahaha.
Maputi ang skin tone ko dahil namana ko daw ito sa papa ko. Pang Korean style ang buhok ko, yung slightly short ang side at back ng hair ko pero medyo mahaba ang unahang part sa may bangs.
BINABASA MO ANG
Listen To Your Heart (COMPLETED)
RomanceEarthus Marlexium University or EMU. Ang may pinakamatanyag na pangalan na paaralan sa buong mundo. Only Elite peole can enter to this kind of prestigious university. The rules are very strict and the punishment is not a joke for these kind of stud...