Chapter 26.

7 0 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 26

#Shara_POV

Hanggang ngayon bakas parin sa isipan ko ang mga masamang nangyari saamin ni Mike.

Nandito ako ngayon sa Hospital at nagpapagaling dahil sa matinding trauma ang nangyari sa akin mula ng kidnapin ako.

Pero okey na ako ngayon dahil pwede na akong lumabas ng hospital. . Binantayan ako ni Jiro kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya.

Makalalabas din ng hospital si Mike. Napagalitan sya dahil lumabas sya ng hospital nawalang permiso kaya ayon napagalitan sya.

Isang masamang bangongot ang nangyari , pero ang masamang bangongot na iyon ay may kapalit na hindi mo inaasahan.

Hindi ko inaasahan na ang Tatay ko pala ay isang anak mayaman. Anak sya ni Don Salazar ang may ari ng Royale University , ang Royale Hospital at pag aari din nila ang Royale Hotel Corporation.

Pakiramdam ko isa itong panaginip na mahirap paniwalaan.

Kaharap ko ngayon si Don. salazar sa labas ng Hospital sinalubong ata nya kami sa pag labas namin.

"Sya na ba ang apo kung si Sharlene? Ang anak ni Alexander?" Tanong ng matanda kay Mike

" Upo Lolo. O Bans*t magkakilala kana sa Lolo mo. "

Mahina akong tinulak ni Mike para mas lalo akong lumapit sa kinatatayuan ni Don.Salazar na lolo ko pala.

" Ako po si Sharlene." Mahina kong sabi at nahihiya.

" Masaya akong makita ka apo ko. Maari mo ba akong yakapin?"

"Opo!"

Kahit nahihiya akong yakapin sya ay niyakap ko parin sya. Ang akala ko wala na akong pamilyang masisilayan.

"Masaya po akong makilala kayo Lolo!" Yun lang ang nasabi ko habang yakap yakap si Lolo.

" Masaya ako para sa inyo Lolo dahil nakita mona ang apo nyo. " Masayang sabi ni Alvin.

"Kung hindi dahil kay Mike. . hindi ko makikita ang Apo ko. " sabi ni Lolo

"Basta Lolo ako yung unang nakakita kay Shara. Pinakilala ko pa nga sya inyo sa Mall diba! Tanda nyo pa!" Pamimilit ni Jiro

"Pero ako yung unang nakatuklas na sya ang apo ni Lolo." Giit ni Mike sa kanila.

" Naunahan mo lang akong makatuklas."

Matapos ang masayang pag uusap na iyon ay isinama na nila ako sa mansyon nila.

Mala palasyo ang nakikita ko ngayon sa aking harapan . Sobrang ganda ng mansyon kong saan sila nakatira.

"Simula sa araw na ito. Ito na ang magiging tahanan mo Mahal kong apo." Sabi sa akin ni Lolo.

"Jiro kurotin mo nga ako?" Paki usap ko kay Jiro na kami lang ang naiwan sa harap ng pinto.

"Bkit naman?" Biglang tanong saakin ni Jiro

"Baka kasi nanaginip lang ako!"

Sinunod naman nya ako at kinurot. Nasaktan ako sa ginawang pag kurot saakin.

"Hindi nga ito panaginip. "

"Hindi ito panaginip dahil ito ang katutuhanan." Masayang sabi saakin ni Jiro.

" hindi ka siguro makapaniwala no.. " sabi ni Jiro alam kong pati sya hindi rin makapaniwala.

"Oo pakiramdam ko panaginip lang ito. "

"Para sabihin ko sayo. . Hindi ito isang panaginip Shara. Ikaw ang apo ni Don.Salazar at simula ngayon kami na ang mga kuya mo."

"Hu! Mga Kuya?"

"O bakit nagulat ka? Iisang pamilya na tayo. Bakit? Teka nga gusto mo ba akong maging Boy Friend mo?" Biro nyang sabi

"Ikaw talaga ano ba yang pinag sasabi?"

" Biro lang! Pasok na tayo!"

Sabay akbay saakin at pumasok na kaming dalawa.

At isang maid ang humarang saamin ni Jiro, kasing idad lang namin ata sya.

"Siñurita sumonod po kayo saakin para ipakita sa inyo ang inyong silid. " Sabi saakin ng maid.

"Paano ba yan Shara. . Kita nalang tayo mamaya" sabi saakin ni Jiro at sinundan ko na yung maid.

Nasa loob na ako ng magiging kwarto ko. .

Napa nganga lang ako sa sobrang laki hindi ko inasaahan na magkakaroon ako ng kwarto na kasing ganda nito.

Lumapit ako sa kama sobrang lambot.

Kulay pink lahat ng nasa loob ng kwarto ang kurtina ang bedsheet ang ang mga iba pang gamit dito.

May malalaking teady bear pa sa kama.

Bigla akong napangiti at umopo lang sa gilid ng kama.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Kya nagmadali akong buksan yun. Yung maid kanina.

"Siñurita, nakahanda na ho ang haponan hinihintay na ho kayo ni Don.Salazar "

"Sigi bababa din ako."

Nahihiya pa akong humarap sa kanila ng makabababa na ako.

Pagkakita saakin ni Jiro ay tumayo sya sa pag kakauopo nya at nilapitan ako para hilahin agad sa lamisa

Inayos pa nya yung upuan ko.

"Welcome to the Family Sharlene!" Nakangiting sabi saakin ni Alvin.

Bigla akong namula kasi nakangiti sya saakin. Nginitian ko lang din sya.

Napansin kong tahimik lang na kumakain si Mike.

Samantalang si Jiro kung ano anong kinukwento hindi maubusan ng kwento, minsan nakikisawsaw din si Alvin sa kwentuhan namin ni Jiro.

"Mukhang close na close na kayong tatlo a.. " sabi ni Lolo na kanina pa nakikinig sa mga kwentuhan namin.

"Oo naman Lolo. Bestfriend ko talaga sya lolo.. naalala nyo po ung kasama ko sa Mall sya po yung kasama ko. Sayang nga eh.. hindi ko sya agad nakilala. Kung nagkataon na tinanong ko sya about sa tatay nya malamang ako yung unang nakaalam na ikaw ang apo ni Lolo. Sayang no!"

"Ang mahalaga alam na nahanap na sya." Sabi ni Lolo

Matapos ang masyang pag uusap namin sa hapagkainan ay nagpatuloy ang pag uusap namin sa living room.

Masaya ako dahil may natitira parin akong pamilya at iyon si Lolo.

Hanggang ngayon wala parin akong balita kay Tita Kung nasaan na ba sya? Kung bakit hanggang ngayon hindi parin nya ako kinukuntak.

Sana nasa mabuti syang kalagayaan, sana maisipan nya akong kuntakin.
.
.
.
.
.
.
.
.

#Mike_POV

Tahimik akong naglalaro sa kwarto ko ..

Ang tahimik

Nakakapanibago

Dati kasi ganitong oras ay pinupuntahan ako nina Alvin at Jiro para kulitin ako makipag kwentuhan sa kanila.

Bakit kaya wala pa sila?

Naisipan kong lumabas mona para tingnan kung ano ang pinag aabalahan nila.

Nasanay kasi akong nagtatambay sila sa kwarto.

Rinig ko ang boses ni Jiro sa Dinning Room masaya silang nagkukuwentuhan na tatlo.

Bigla akong nakaramdam ng inis.. nadesmaya ako.

"Paipal talaga ang bans*t na ito."

IniS akong bumalik sa kwarto ko at pinagpatuloy ang paglalaro ko. Pero hindi ako makapag laro ng maayos.

Kaya nihagis ko nalang ang cellphone ko sa malambot kong kama at nahiga nalang ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Desmayado ako.

Pakiramdam ko inaagw sàakin ni Bans*t ang mga kaibigan ko.

Kainis. .

To be Continue

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon