🍀Chapter 3🍀.

165 3 0
                                    

🍀Be my Girl🍀
Chapter 3

🍀#Shara_POV🍀

Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko ng makita kong papalayo na ang tatlo.

Kinabahan ako sa pinagsasabi ng lalaking yun .

paano kong balikan nya ako pag d na nya kasama ang mga tropa nya. Lagot ako nito.

Unang araw ko palang sa School na ito pero may masama nang nangyari.

Bakit ba ang malas malas ko.

Bakit pa kasi ipinasok ako ni tita sa ganitong kamahal na School.

Mahirap ang buhay namin pero dito pa niya ako naisip na ipasok.

Ang mahal mahal kaya ng tuition fee dito. Ang taas kasi ng pangarap sa akin ni Tita kaya gusto niyang ipasok ako sa magandang school na katulad nito.

Kaya lang mukhang hindi magiging masaya ang pagpasok ko dito dahil may mga bully akong na incounter kanina.

Paano kung balikan nila ako at pag tripan. Tulad ng napapanood ko sa TV ang daming bully sa mga ganitong school.

Nakakatakot! Parang gusto ko nang umuwe..

"Sharline!" Rinig ko ang familiyar na bosis at yun si Karina kaya nabuhayan ako.

"Uyy... Bakit mo ko iniwan." Tampo kong sabi.

"Anong iniwan? . . Ikaw nga tung Bigla bigla nalang nawawala. Saan kaba nag sosoout?" Pinapagalitan nya ako.

" Ikaw kaya itong nawala kanina. " Malungkot kung sabi.

"Oo na sigi na.. pariho nating kasalanan. . Happy?! Teka ng muna Bat kausap mo yung tatlong yun? Mukhang galit pa ata si Mike may nangyari ba? " tanong sa akin ni Karina.

"Sinipa ko kasi ung coke na Can. Kaya lang di ko inaasahan na natamaan ko yung isa sa kanila." Pagpapaliwanag kong sabi sa kanya.

"O! M! G!...sino sa kanila ang natamaan mo?" Pag aalala niyang tanong na para bang nagpapanic

"Yung matangkad sa kanila. Yung parang pinaglihi sa Toro, kasi mukhang galit." Pagpapaliwanag ko iwan ko.

Yun naman talaga ang nakikita ko sa pagmumukha niya. Isang wild na Toro.

"Wag mong sabihing si Mike ang natamaan mo. " Nag aalalang tanong nya saakin.

" yUng lalaking nasa gitna. " Turo ko sa kanya.

Tiningnan ni Karina. Nakitang si Mike ang nasa gitna.

"Hala bat mo kasi ginawa yun? Naku lagot?" Natatakot nyang sabi.

" bakit? Kilala mo ba sila? " Tanong ko naman

"Sempre naman kilala ko sila... Alam mo ba na apo sila ng may Ari ng Royale university na ito. Kaya lagot ka talaga." Pag alaala nyang sabi

" Hala.. totoo? " Kinakabahan na ako.

"Oo naman. Silang tatlo ang tagapagmana ni Don Zalazar. Ung pinakamayaman sa lugar na ito."

" Ano? " Hindi ako makapaniwala na ang may ari ng school na ito ang natamaan ko. Bakit ko ba naman kasi Naisip na sipain ang lata ng Coke na yun. Lagot na ako!

"Talaga bang sila ang may ari ng School na ito?" Tanong ko ulit aa kaniya.

" Oo pero ang alam ko inampon lang sila ni Don.Salazar pero sila ang taga pagmana. Una Si Alvin ang hondsome , Gintleman at matalino. Inampon ni Don Zalazar dahil namat*y ang patents nya sa isang eruplano. Pure american sya at dito na sya lumaki.

"Ah... yung kano sa kanila? Alvin pala ang pangalan."

"Oo diba ang cute niya."

"Siguro hindi ko naman siya natitigan." Sabi ko pa.

"Yung nang agaw sa Sandwich ko. Sino naman siya?" Tanong ko ulit

"Si JiRome.. siya yung makulit , Mabait at mapagmahal sa kanila. Gusto niyang tinatawag siya sa pangalan na Jiro. Kesa sa tunay niyang pangalan." Nakangiti niyang kwento na akala mo kilalang kilala niya yung kinukwento niya

"Bakit?"

"Jiro talaga ang pangalan niya noong hindi pa siya kinukup kup ni Don. Salazar pero dahil inampon siya ni Don.Salazar naging Jerome ang pangalan niya. Kaya gusto niya na tinatawag sya sa dati niyang pangalan na Jiro." Kwento pa niya.

" Eh yung pinaglihi sa Toro? Ampon din ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo ampon din si Mike...Michael ang totoo niyang pangalan pero mas kilala siya sa pangalang Mike, siya ang spoiledbrat sa kanilang tatlo madaling mapikon at laging Galit. Pero masayahin naman sya minsan pag kasama nya ang mga kaibigan nya na sina alvin at JiRo. Ganon lang talaga sya parang galit sa mundo." Paliwanag pa niya

"Bakit ang dami mong alam tungkol sa kanila? " Nagtataka kong tanong

Bigla siyang nagulat sa tanong ko

"hahahah. Basta umiwas nalang tayo sa kanila. Tara na pasok na ulit tayo." Yaya nya sa akin na para bang iniwasan niya ang tanong ko.

"Sigi tara na! " hindi na ako nagtanong.

Alam ko naman na maretis siya babae kaya kilalang kilala niya lahat ng mga taong nakapaligid sa kaniya sa School na ito.

Sabay na kming pumasok sa loob.

Nasa classroom na ako.

Ipinakilala ko na ang sarili ko sa mga bago kung kaklase.

Sayang di ko classmate si Karina. Masyado kasi syang matalino kaya nasa ibang section sya. Pero d namn lumalayo ang talino ko sa kanya.

Umopo na ako sa bakanting upoan.

Di ko inaasahan na classmate ko pala ang isa sa mga naingkwentro ko kanina na si JiRo Ang lalaking nang agaw sa Sandwich ko.

Ang nakaka inis magkatabi kami ng upuan.

Oras ng klase pero tulog sya.

Bakit pa ako magtatanong e anak mayaman naman sya at d lang yun. Pag aari nila ang school na ito. Kaya malayang malaya siyang makakatulog kahit anong oras.

Hinayaan ko nalang syang matulog.

Ayaw ngang isturbuhin ng teacher eh. Ako pa kaya na student lang.

nakinig nalang ako sa teacher namin.

Matapos ang klase tulog pa din si JiRo.

Buhay pa kaya ito?

Kanina pa kasi siya natutulog.

Pansin ko din na walang nagtatangkang gumising sa kaniya.

Wala ba siyang kaibigan dito para gisingin siya.

Inabala ko nalang ang sarili ko na ilagay sa bag ko yung mga gamit ko.

Pansin ko na dadalawa na lang kaming nasa Classroom.

Walang sino man ang gumising sa kaniya.

Kaya ako nalang nag lakas loob na gisingin sya.

"Hoy... tapos na ang klase gumising kana diyan. Maiiwan kang mag isa sa Class room." Sabi ko pa sa kaniya.

Tinapik ko sya sa likod para magising na siya.

Aalis na sana ako kaya lang bigla nyang hinawakan ang kamay ko na ikina gulat ko.

Nakaramdam ako ng kaba. . Bakit nya ako hinawakan. D kaya nagalit sya dahil ginising ko sya???

To be continue.
🍀🍀🍀

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon