chapter 16✔️

93 3 1
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 16

#Shara_POV

Sumonod na mga araw kinalimutan kona ang nangyari. Pinilit kong maging normal ang lahat pero iniwasan ko parin ang tatlong iyon.

Habang naglalakad ako papuntang school ay naisipan kong tingnan ang family picture naming tatlo.

Baby palang ako ng kunan ang litratong ito. Hindi ko alam kong buhay o p*tay na sila. Tanging si tita lang ang nakakaalam sa totoong nanyari sa magulang ko.

Tanging ito lang ang naiwang alaala ng magulang ko. Matapos kong tingnan ang litrato ay binalik kona ulit sa bag ko.

Kanina ko pa napapansin na may nakasunod saakin na lalaki bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka masamang tao ang nakasunod saakin.

Kaya binilisan kong maglakad nalang hanggang sa patakbo na akong papunta sa School.

Buti nakarating na ako sa school.

Hinihingal ako habang nakatayo na sa loob ng gate. Napansin ko na kararating lang din ng sasakyan nina JiRo.

Ang swerty naman nila hatid sundo silang tatlo at may mga bodyguard pa. Sobrang yaman siguro nilang tatlo.

Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy nalang ako sa pagpasok.

Nasa loob na ako ng classroom. Nilingon ko si Jiro tulog nanaman. At walang paki alam ang mga teacher.

Paggising nanamn nya yayain nanaman nya akong kumain.

.
.
.
.
Hindi nga ako nagkamali dahil matapos ang klase namin nilapitan nya ako para yayaing kumain

"Shara Kain tau" masigla nyang sabi saakin.

"Wala akong pera eh.. " pagtanggi ko sa kanya.

"sigi ako nalang taya. "Pamimilit nya.

"Busog pa ako." Gusto ko talaga syang iwasan kaya lang bigla bigla nalang nya akong hinihila twing umaayaw ako sa gusto nya.

Kaya hinihila nalang nya ako kapag tumatanggi ako at hito wala akong magawa kundi ang sumama nalang sa kanya para mag lunch kaming dalawa.

"Tulongan mo naman ako." Bigla nyang sabi saakin mukhang seryuso sya sa sinasabi nya.

"Ano ba ang maitutulong ko?"

"Paano ba mahahanap ang nawawalang tao. " Tanong nya saakin habang kumakain sya.

"ereport nyo sa pulis tapos gumawa kayo ng flyer para sa mga missing ba tao. Ganon lang kasemple. Sino ba ang hinahanap mo?"

" Ganito kasi ung anak ni Lolo nakipagtanan. Tapos nagkaanak sila nalaman ni lolo na p*tay na ang anak nya pero buhay ang apo nya. Kaya ang hinahanap namin ay ung apo nya. "

"Hala. Mahirap nga yan."

"Tulongan mo naman ako maghanap o!"

" Baka mahirapan tayo. Pero sigi tutulongan kitang hanapin ang apo ng lolo mo. "

"Salamat! Kung ganon simula sa araw na ito. Ikaw na ang bestfriend ko."

"Paano naman sina Mike at Alvin."

"Iba naman sila kasi para ko na rin silang mga kapatid. Para kaming pagkakapatid kung magturingan. "

"Ganon ba!"

Gusto kung itanong kung bakit hindi sila nakikipaghalobiro sa mga ibang student.

Hindi naman sila bully o nanakit ng mga student. Itong mga nagdaang araw napapansin ko ni isa mga student hindi nila kinakausap ang nakakapagtaka ako lang yun kinakausap nila. Dahil ba new student lang ako kaya kinakausap nila ako.

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon