Chapter 23✔️

136 3 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 23

#JiRo_POV

Hindi ako mapakali dahil hanggang ngayon hindi parin nahahanap si Mike at Shara.

"Anong dahilan bakit nyo naisipan na nakidnap ang dalawa" tanong saamin ni Lolo

Nakabalik na kami sa mansyon at naghihintay kami ng balita mula sa mga police.

"Sabi kasi sa Txt ni Shara kay Mike may gustong kumidnap sa kanya." Sabi ni Alvin

"Ang nakakapagtaka ay bakit may gustong kumidnap kay Shara. Sa pagkakatanda ko mula kahapon ay may humahabol kay Shara kaya nagpahatid sya saamin. Naiwan ni Shara ang Bag nya sa sasakyan at nagtxt sya kay Mike. Binalik ni Mike ang Bag ni Shara at nawala sila na parang bola at maiwan ang Bag at ang mga cellphone nila" pagpapaliwanag ko kay Lolo

" Kaya posibling nakidnap nga talaga sila Lolo" sabi ni Alvin

"Hindi ito maari kailangan mahanap sila sa lalong madaling panahon."

Biglang may tumawag kaya sinagot ng katulong.

"Opo.. upo sasabihin ko po sa kanila." Sabi ng Katulong sa kausap nya sa telephono mayat maya ay binaba na ng katulong ang telephone.

"Sino ang tamawag?" Tanong ni Lolo

"Nasa Royale Hospital po ang apo nyong si Mike!" Sabi ng Katulong

"Ano nasa Hospital si Mike." Gulat na sabi ni Lolo.

Pati kami ni Alvin nagulat din sa nabalitaan namin kaya nagmadali na kaming puntahan sa Hospital si Mike.

Mabuti nalang nahanap na namin si Mike.

Kaya lang pagdating namin si Mike lang daw ang nakita nilang nag aagaw buhay sa lagnat. Walang kasamang babai.

Kung ganon nasaan si Shara?

"Ano kaya ang nangyari kay Shara Bakit kya hindi sya kasama ni Mike?" Pag alala kong tanong kay Alvin

"Hintayin nalang natin na magising si Mike, sya lang ang nakakaalam kung nasaan si Shara. Ipagdasal nalang natin na nasa mabuti syang kalagayan."

Hinintay naming magising si Mike.

Pero hindi parin mawala ang pag alala ko kay Shara.

Maya't maya ay nagising na si Mike.

"Buti gising kana Bro! " Sabi ko kay Mike

"Si B*nsot nasaan?" Tanong ni Mike

"Kung ganon hindi mo alam kung nasaan si Shara? " Pag alala kong tanong

" Ang naalala ko nakatakas kami ni B*nsot sa mga kidnaper at nagtago kami sa Isang kweba. Pero kinaumagahan diko na matandaan ang nangyayari saamin ni B*nsot. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila.

" kung ganon nakidnap talaga kayo?"

" Oo.. kaya lang bakit hindi ko kasama si B*nsot?"

Bigla tuloy akong nag alala ulit kay Shara.

"Nasaan na kaya sya? "

"Habang kasama ko si B*nsot may nalaman ako tungko sa kanya! Sya ang apo ni Lolo. "

Nagulat at hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mike na si Shara ang apo ni Lola.

"Huh! Tlaga. Paano mo nasabi na si Shara ang apo ni Lolo " tanong ni Alvin kay Mike na hindi rin makapaniwala.

" Alexander D. Salazar ang pangalan ng Tatay ni B*nsot at nam*tay ang parents niya sa Paglubog ng barko. Diba ganon ang kwento ni Lolo sa pagkam*tay ng anak ni Lolo

" Kung ganon kailangan nating mahanap si Shara" sabi ko sa kanila

" Sa pagkakatanda ko habang inaapoy ako ng lagnat may narinig akong boses babae. Hindi yun boses ni B*nsot. Ang sabi nya si B*nsot lang daw ang kailangan nya. Kaya sigoro ibinalik na nila ako."

Naputol ang pag uusap namin ng pumasok si Lolo.

" Mabuti naman at gising kana. Ano ang napala mo sa paglabas mo ng walang kasama? " Galit na sabi ni Lolo

"Sorry po Lolo. Hindi na po mauulit"

" Lolo. May good news at Bad news po si Mike sa inyo. " Pag iiba ko ng usapan kasi alam kung pagagalitan nya si Mike.

" At ano naman iyon?"

" O Mike sabihin mona ang dapat na malaman ni Lolo" sabi ko sa kanya

" Kasi Po Lolo.... " Nag aalinlangan pa nyang sabi .

"Nahanap na po nya ang Apo nyo." Ako na ang nagsabi ang tagal kasi nyang magsalita.

" Totoo ba yun Mike!"

"Opo Lolo. Nalaman ko na po kung sino ang apo nyo."

"Kung ganon nasaan ang apo ko?"

"Yan po ang Bad news Lolo. " Sabi ko naman

"Anong Bad news?"

"Kinidnap po kami Lolo. Hindi ko po alam kung sino po ung nagkidnap saamin. Nong wala po akong malay kanina may naririnig po akong busis babae. Hindi ko ho masyadong marinig ung sinasabi nya. Ang pakay lang daw nya ay ang apo nyong si sharline!"

"Kung ganon Shrline ang Pangalan ng Apo ko. "

"Opo. . Naalala nyo po ba ung kasama ko sa mall noong nakita nyo ako . . Sya po si Sharline ang apo nyo palayaw nya po ay Shara. ."

"Kung ganon nasaan na sya?"

"Naiwan po sya sa lugar kung saan kami dinala ng Kidnpers. "

" Magpahinga kana Ako na ang bahalang maghanap sa kanya."

Lumabas na si Lolo at naiwan lang kaming tatlo sa loob ng private room

"hindi ako makapaniwala na si Shara pala ang apo ni Lolo." Sabi ko

"Kailangan maunahan natin si Lolo na hanapin si Shara. Dahil pag nauna sya Alam nyo na ang mangyayari sa atin. "

"Idi sigi hanapin na natin si Shara!"

" Sasama ako sa inyo. " Pamimilit ni Mike

"Hindi pwede dito kalang kailangan mong magpagaling!"

"Paano nyo sya mahahanap kung wala ako. " Pilit nanaman naman nyang sabi

"Pero.... "

"Kailangan na nating magdali. . Iligtas na natin si B*nsot" Sabi ni Mike

" Akala ko ba wala kang maalala nang dalhin ka dito. "

"Rinig ko sila habang nag uusap wala nga lang akong lakas kasi nga nilalagnat ako. Pero tinalasan ko ang pandinig ko. Rinig ko sa resort kami dinala. Villa ata yun. Doon tau pumunta malapit lang dito dahil ilang minuto lang ata ang biniyahi namin para idala ako dito sa Hospital"

"Paano kung mabinat ka!"

"Hindi naman siguro. Ano pa ang hinihintay natin puntahan na natin si B*nsot"

Wala na kaming nagawa pa ni Alvin kondi isama si Mike sa pagliligtas kay Shara.

Hindi kami nagpahalata sa pag alis namin sa Hospital.

Nakita naming nakapark sa parking lot ang sasakyan ni Lolo kaya lang nandoon ang driver ni Lolo.

Kaya naka isip ako ng Idea. Nilapitan ko sya at nagkunwaring inutusan sya ni lolo na umowi na mona at iwan ang suse saamin.

Buti naniwala ang Driver. Kaya malaya kaming naka alis sa Hospital.

Pero ang tanong mailigtas kaya namin si Shara?

To be continue.

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon