❤️Chapter 13❤️

100 5 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 13

#Shara_POV

Kasalukuyan kaming nagtatago ngayon ni Mike sa mga halaman dahil hindi namin inaasahan na may mga security palang pagala gala sa school.

Buti hindi kami nakita. Kung nagkataon naku lagot talaga kami.

Nang maka alis na ang mga security ay hinila nanaman ni mike ang kamay ko. Hanggang ngayon hawak parin nya ang kamay ko.

Hinayaan ko nalang para din naman sa kaligtasan ko ang pagwahawak nya sa kamay ko.

umakyat kami sa pader.
Kahit papaano may pagka gentleman siya tinulongan nya akong makaakyat sa pader at sumonod naman sya, pagaka baba namin ay sumakay na kami sa motor nya.

First time kong maka angkas ng motor.

"Kumapit ka baka mahulog ka!"

"Oo!" Hindi ko na sinabi na First time kong umangkas ng motor baka kasi iwanan nya ako sa lugar na ito.

Hindi nagtagal ay nasa shop na kaming dalawa.

Nagulat nalang kami ng biglang nagtaas ng kamay ang may ari ng repairshop.

" Hala hindi kami magnanakaw. . " Agad kong sabi sa may ari ng Repair shop.

"Talga? Anong kailangan nyo?"

" Ipapa ayos lang namin tong cellphone baka po may nasira."

Nagtakip ng ilong ung repairman

"Cellphone nyo ba talaga ito o ninakaw nyo lang. !" Pagtatanong ng lalaki

"Saakin po talaga yan. Nahulog lang sa canal dahil sa babaing ito. Gusto nyo patunayan kupa. ." Inis na sabi ni Mike sa repairman

" Eh bakit kayo naka custume na para kayong mga ninja?" .

"Anong paki mo. Ayosin mo nalang yan. Para maka uwi na kami"

"Balikan nyo nalang mamaya. "

" Sigi. Babalikan nalang nya mamaya. Paano ba yan Mike . Nakuha na natin yang cellphone mo maari na ba akong umalis. "

Aalis na sana ako ng bigla nyang hilahin ang buhok ko pabalik sa kanya.

" Aray ko naman eh.. ano ba problima mo."

"Hindi kapa makaka alis. "

" Hala! Bakit naman? nasauli na ang cellphone mo. Ano pa ang kailangan mo? " Inis kong sabi

"Bayaran mo!" Sabi ni Mike

" hala ako pa talaga ung magbabayad?"

"Wala akong perang dala. Kasalanan mo naman eh kaya nahulog ang cellphone ko.. kaya ikaw ang gagastos!"

"Wala din akong dalang pera eh. Naglakad nga lang ako papunta sa school eh."

"Anak ng.. Kainis naman oh.. paano na yan.. !"

" ah alam kona!" Bigla akong nagka idea.

"o Ano may pera kana ba?"

"Mag cacash advance nalang ako sa boss ko sa pinagttrabahuan ko sa eleven/ seven.."

" o ano pa ang hinihintay mo? Halika na puntahan na natin ang boss mo."

Naglakad kami papunta sa pinagttrabahuan ko.

Habang papasok ako ay pinagtitinginan ako ng mga costumer na para ba akong kriminal o masamang tao. Hindi ko na iyon pinansin tuloy tuloy lang ako sa Boss ko. Sya kasi ang nasa Casher ngayon.

Pagkalapit ko kay boss ay natakot sya at nag taas din ng kamay. . Ano ba ang nang yayari sa mga taong to!.

"Boss ako po ito si Shara."

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon