Chapter 37

7 0 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 37

💙 #Mike_POV

Balita ko nandito na sa school si Andrea.

Ayaw kong magkita kami ngayon. Ayaw kong makausap sya at lalong ayaw kong kulitin nya ako na makipagbalikan dahil wala na akong balak na makipag balikan sa kanya.

Pagkatapos ng klase ko ay diristo na ko sa loob ng kutse. Ayaw kong makasalubong ko siya.

Kaya lang nakalimutan kung bumili ng lunch ko. Wala pa kong mautosan kasi nag lunch na din yung Driver namin.

Nakita ko si Shara at ang kaibigan nya na gumagawi dito sa parking lot.

Tamang tama ang pag dating nya.

sya nalang ang uutusan ko.

"Pssssst!"

Kita kong palingon lingon ang dalawa kaya binaba ko yung mirror ng kotse

"Bans*t dito!"

Sinisinyasan kung lumapit sa akin.

"Ako ba?" Paninigurado nyang tanong.

"Malamang ikaw. Sino pa bang Bans*t dito kaw lng nman. Halika muna."

At dahil masunorin sya ay lumapit sya agad sa akin.

"O bakit? Anong kailangan mo?" Pagtataka nyang sabi.

"ibili mo ako  ng  lunch"

" Hu?? Pero pabalik na ako sa classroom namin."

"  Ibibili mo ako o hindi. " Seryuso kong sabi .

"Bakit hindi nalang ikaw yung bumili ng lunch mo? Ikaw naman yung kakain eh." Reklamo nyang sabi

"Eh sa tinatamad ako. Sigi na ibili muna ako"

"Bakit ba ako yung inuutasan mo?"

"Eh ikaw lang ang nakita kung papadaan eh. Bilisan mo nalang kasi bilhan mo na ako ng makakain. Gutom na ako..."
.
.
.
.
.
.
.
.
.

#Shara_POV

Ano daw ako lang ang nakita nya?

Sa dami ba naman ng taong dumadaan sa school na ito. Ako lang ang nakita nya? Nagbibiro ba sya?

"Ano?  Mauutusan ka ba o Hindi?." Reklamo nyang sabi

Kung makapag utos ang lalaking ito. Akala mo kung sino?

"Oo na ibibili na kita maghintay ka diyan."

"Yan magpakabait ka .10 minutes kailangan nandito kana ayaw kung naghihintay ng matagal. "

Inis akong bumalik sa kinatatayuan ni Karina. 

"Mauna kanang bumalik. Babalik pa kasi ako sa kanten. May pinabibili kasi si Mika sa akin. "

"Ah..  ganon ba.. sigi mauna na ako sayo."

Nauna nang bumalik sa classroom si Karina.

Ako naman ay nagmamadali papunta sa canteen.

Nang makabili na ako ay nagmamadali na akong palabas ng canteen.

Kya lng sa subrang pagmamadali ko ay biglang may nabangga akong babae.

Natapon sa kanya yung soft drink na hawak ko.

"WHAT THE HELL...!" Inis nyang sabi sa akin

"Hala.. sorry.. hindi ko sinsadya. "

Agad kong pinunasan yung damit nya.

Pero bigla ko nalang naramdaman na tinulak nya ako ng pagkalakas lakas kaya bigla kong napa upo dahil sa lakas ng pagkakatulak nya saakin.

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon