Chapter 41

6 0 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 41

#Sharline_Shara_PoV

Habang sinusundan ko si Mike ay bigla nalang kaming napahinto.

Dahil nasa harapan na namin yung mga body guard namin.

Lagot na kami dahil nahanap kami ng mga body guard namin.

Mukhang sabon nanaman ang aabotin namin kay Lolo.

"wag na ho kayong tumakas. Sumama na lang kayo. Pinaghahanap na kayo ni Don.Zalasar. "

Napakamot sa ulo si Mike.

"Ano pa nga ba idi sumama." Sabi ni Mike

Wala na kaming nagawa kundi ang sumama.

At pariho naming alam na mapapagalitan talaga kaming dalawa.

Nang dumating na kami sa mansyon ay nakita ko  nag aabang naman sa loob ng opisina si Lolo kasama sina Alvin at Jirome na  kabado.

Tahimik kaming nakaupo at hinihintay naming magalita si Lolo

"Hindi ba kabilinbilinan ko sa inyo na wag na wag nyong tatakasan ang mga bodyguard nyo." Panimulang sabi ni Lolo na galit na galit.

Tahimik lang kami.

"Sinasabi ko n sa inyo na magbulakbul na kayo sa school. Pero wag n wag kayong lalagpas sa gate ng school. Bakit ba ang titigas ng ulo nyo? At ang nagpapasakit sa ulo ko ay ang malaman pinasama nyo pa si Sharline sa pagtakas nyo. " Galit na sabi  ni lolo.

" Nagpumilit po akong sumama sa kanila." Sabi ko kay lolo.

"Sorry po Lolo. Hindi na po kami uulit. " Sabi ni Jiro

" Yan diyan kayo magaling! pero ang sabihing hindi na uulit. Pero inuulit ulit nyo pa rin. . .  Sino na naman ang nagpasimuno ng pagtakas nyo. Ikaw ba Jerome?" Galit na tumingin kay Jiro.

Tahimik lang si Jiro at hindi nagsalita.

Sunud naman na tiningnan ni Lolo  ay si Alvin.

"Ikaw ba Alvin?" Sabi ni Lolo kay Alvin.

Hindi rin kumibo si Alvin.

Si Mike naman ang tiningnan.

" O baka naman ikaw ang nagpasimnu nito Mike! . Dahl sa pag kakatanda ko ikaw lagi nagpapasimuno ng mga bagay ng ganito.. . Ano Michael bumalik na ba ang pagiging pilyo mo. Kaya pati si Sharline ay sinasali mona sa kalukuhan mo? " Galit na sabi ni Lolo.

Kahit si Mike tahimik din sya.

KYa kailangan ko silang ipagtanggol dahil nagpumilit akong sumama sa kanila.

"  Ah. Lolo Ako po ung nagpasimuno ng lahat ako po ung nag anyaya sa kanila na mag karaoke. .. kaya Lolo wag nyo na po silang pagalitan please! Ako nalang po ang pagalitan nyo."

Nagmamakaawa kong sabi kay Lolo.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko. Sasagot ka lang pag ikaw na ang tinatanong ko." Galit na sabi ni Lolo sa akin kaya nanahimik nalang ako dahil galit na galit si Lolo.

" Hindi na ba kayo nadala sa nangyari sa inyong tatlo. Nang kidnapin kayo. Hindi ba pinahirapan kayo.. Kaya nga naghire ako ng madaming mga body guard para lang maprotiktahan kayo pero anong ginagawa nyo. Ipinapahanak nyo na naman ang mga sarili nyo. Marami na ang nakaka alam na nahanap ko na ang apo ko. Kaya kinakailangan doubling pagbabantay ang gagawin ng mga body guard sa inyo. Lalong lalo na si Sharline"

"Lolo! Hindi ko na ho kailangan kasi po magaling po ako sa martial art."

"Sinabi ko naman sayo na wag kang magsasalita kapag hindi ikaw ang kinakausap ko. Kahit anong  galing mo sa martial Art Kinakailangan ka pa rin na bantayan. Last Warning na ito! Lalo na sa inyong tatlo. "

Muli na naman nyng tiningnan ang tatlo.

Tama nga sila sobrang nakakatakot si lolo pag nagagalit.

"opo Lolo" sabi nilang tatlo.

" Hindi ko kayo pinalaki para maging spoiledbrat lang. Ikaw Jerome matataas dati ang mga grades mo. Pero ngayon hindi na makaabot sa passing score ang mga grade mo. Ikaw din Alvin bumababa na ang mga grade mo pati na rin ikaw Michael Ano na ba ang nangyayari sa inyong tatlo.?"

Tahimik lang ang tatlo.

"Sa susunod na buwan.  Kailangan maging mataas na ang mga grade nyong tatlo. Hindi porkit apo ko kayo pinagbibigyan kayo ng mga teacher nyo. Paano kung mag college na kayo wla kayong natutunan. Inaasahan ko pa naman na matutulongan nyo akong tatlo sa pagpapatakbo sa companya. "

Wala paring imik ang tatlo.

"Hindi na po mauulit Lolo. " Sabi ni Mike.

Nang matapos na kaming kausapin ay sabay sabay na kaming lumabas sa oppsina ni Lolo.

Kita sa mga mata nila ang lungkot ng pagalitan sila ng lolo nila.

"o paano ba yan. Study hard. " Sabi ni Mike

"Nasanay akong matulog sa umaga." Reklamo ni Jiro.

" Simula ngaun matutulog kana ng maaga Jiro lagot ka kay Lolo pag hindi na naman tumaas mga grade nyo." Sabi ni Alvin. 

" Masyado nang instrikto si LolO mula ng dumating dito si bansot. Kaya malas sya sa buhay natin. " Sabi ni Mike

Ang sama naman nya.

" Sama nito. "

"Wag ka namang ganyan kay Sharline. Tingnan mo nga inako nya ung pag amin kung sino pasimuno." Sabi ni Alvin.

Buti pa sya naaprecaite yung ginawa ko.

"Bakit sinabi ko bang akoin nya ang lahat. " Sabi ni Mike na mukhang nainis.

Akala ko bumait sya yun pala hindi pa pala.

Pumasok na ako sa kwarto ko.

Naligo mona ako bago ako matulog. .

Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari kanina.

Kapag ayaw kung kalimutan ang nangyari sa buhay ko.  Sinusulat ko sa Diary ko.
.
.
.

~Dear Diary.  

Alam mo ba na sa araw na ito ay halo halong imotion ang nangyari sa akin.
Hnd ko inaasahan na sa araw na ito ay inaway ni Mike ung Ex GF nya para lang ipagtanggol ako.

Ang cool nya sa oras na iyon. Feeling ko sa mga oras na iyon ako si Rapanzel hahajha. Unexpected na ipinaghigante ako ni Mike sa dati kung Boss. Kaya lalo lalo akong humahanga  kay Mike.

Napaka assumira ko naman kong iisipin kong nagkakagusto na sa kin si Mike. Ni ayaw nga niya sa akin eh. Ni hindi mh ako kagandahan para magustuhan niya.

Magaganda ang tipo niyang babae.

Sobrang ganda nga yung Ex niya. Br*ha naman pag uugali.  Sigi hanggang dito nalang mona inaantok na ako..

Matapos kung isulat ang nangyari sa buhay ko ngayon ay natulog na ako. . .

To be continue...
🍀🍀🍀

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon