🌹Be my Girl🌹
Chapter 32#Mike_Pov
Parang sasabog ang puso ko sa gabing iyon. Hindi ko talaga inaakala na ilalag lag kami ng mga kasama namin..at ang pinakamsakit kami pa talagang tatlo.
Kung totoosin sila ung mga anak mayaman. hindi naman kami anak mayaman. Kasi mga orphanage lang kaming tatlo. Kinupkop ng isang matanda. Dahil ba sa taga pagmana kami? Pwding mag iba ng isip ang matandang iyon dahil hnd naman nya kami kaano ano. Paano kung pabayaan nalang nya kaming mamat*y dito.
Napaiyak talaga ako sa sama ng loob At ang nagpa iyak saakin ay ang makitang hirap na hirap na si Jiro,
Pinahirapan nila si Jiro dahil sa ibang # ang ibinigay nya.
Hindi talaga nya maiwasang magtanim ng sama ng loob sa mga kasama nila.
Kausap parin ng lalaki ang maid namin sa masyon. Ayaw talagang maniwala ang maid kasi lagi namin pinagttripan ung maid. Kaya malamang this time hindi na sya naniniwala. Paano na kami. May magliligtas pa ba saamin?
Bigla kaming nakarinig ng baril dahil galit na yung leader nila na kumakausap sa maid namin.
Saka lang naniwala na totoo na ang sinasabi ng kidnaper.
Hndi nagtagal ay nakausap na ng mga kidnaper si Lolo..
Naging mahaba ang usapan na iyon.
Tatlong million ang gustong makuha ng mga kidbaper kapalit ang buhay namin.Hindi ko na alam kung ano pa ang pinag usapan nila.
Dalawang araw ang lumipas bago kami mabawi ni Lolo. Lahat kami sugatang tatlo dahil sa pambobog nila saamin. Tatlong araw na hindi kami nakatikim ng pagkain o tubig man lang. .
.
.
.
.
.#Author_POV
Wala nang magawa ang matanda kundi ang ibigay ang gusto ng mga kidnaper .
Wag lang mapahamak ang tatlo nyang apoTatlong araw na pinag handaan ng matanda para mabawi ang mga apo nya. Sempre bago nya bawiin ang mga apo nya ay pumunta mona sya sa mga pulis upang humingi ng tulong at pinagplanuhan nila ng mabuti ang mga gagawin nila para mahuli na ang mga kidnaper na iyon.
Lumipas ang tatlong araw ay nabawi na ng matanda ang tatlo dahil sa tulong ng mga pulis ay nahuli na ang mga kidnaper.
Nanag makauwi na ang tatlo ay bakas parin sa kanila ang truma na nangyari sa kanila.
Pagbalik nila sa school ay May mga body guard na sila na laging nakasunod at nakabantay sa kanila.
At hindi na normal ang pakikitungo nila sa mga ibang kasama nila. .Ang hirap na naranasan nila sa mga kidnaper ay hindi lang makukuha sa sorry lang.
Si MIKE nakipaghiwalay na sa gf nyang si Andrea.
" please no. . Wag kang ganyan. Mahal naman natin ang isat isa diba?" iyak na sabi ni Andrea
"oo mahal nga natin ang isat isa. Pero narealize ko na hindi pala ako mahalaga sayo." Sabi ni Mike na may poot na nararamdaman
" Mahalaga ka saakin maniwala ka." Sabi ni Andrea at nyakap nya ng mahigpit si Mike pero kumawala si Mike sa pagkakayakap sa kanya ni Andrea
" im sorry. Ayaw ko na sa isang relasyon na kaya akong ipahamak."
"sinisisi mo ba ako sa nangyari? Hindi namin ginosto na ituro kayo. Nadala lang kami sa takot "
"Hindi nyo nga ginusto pero ginawa nyo parin na ituro kami. Hindi nyo ba naisip na hindi kami tunay na apo ni Lolo. Alam nyo yun at alam ng boung campus ang katayuan namin ,Mga orphanage lang kami hindi kami anak mayaman. Inampon lang kami ni Lolo. Ang pag aari ni lolo hindi namin yun pag aari."
Naiiyak naman si Andrea.
"Patawarin mo kami"
"Patawarin? Oo naman pinapatawad namin kayo. . Pari pariho lang naman tayong biktima dito, pero ang tiwala wala na. Kaya wala kanang aasahan pa saakin. "
Umalis na si Mike iyak ng iyak naman si Andrea.
Simula sa araw na iyon wala na silang kinausap ninuman sa kanila.
Umalis mona si Andrea para makalimot. Si Moira naman lumipat na ng school.
-------#flash_back_end---++-
#Shara_POV
Yun pala ang boung pangyayari.
"Simula noon hindi na nila kami pinansin, umiiwas sila pag masasalubong kami udi kaya wala nang pansinan.." malungkot na kwento ni Karina sa akin.
"Ganon pala ang nangyari sa inyo."
Nakaramdam ako ng lungkot para sa knilang tatlo.
"Oo kaya. Sinisisi ko din ang sarili ko kasi isa rin ako sa tumoro sa kanila. " Bigla nang tumolo ang mga luha ni Karina
"wag ka nang umiyak Karina. Nagsalba ka ng maraming buhay. At nakabalik ng buhay ang tatlo. Kaya kalimutan mona ang nangyari.
Taha na.. " niyakap ko ng mahigpit si karina na wala paring tigil sa pag iyak.Matapos ang pag uusap namin ni Karina ay umowi na kami.
Nadatnan ko silang tatlo na naglalaro ng video Game. Masaya silang naglalaro kaya napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanila.
Napalingon saakin si Jiro.
"oh.. Kumusta ang pamamasyal nyo? " Tanong saakin ni Jiro at nagmdaling lumapit.
" ah okey lang naman. Masaya sana kung sumama kayo."
"Pasinsya na kung hindi lang sana nagtatampo si Mike hehehe baka sumama ako. O ano yang dala mo?" Napansin nyang may dala akong pasalubong sa kanila.
"Jolibee! Binili ko para sa inyo pasinsya na yan lang ang nakayanan kong bilhin para sa inyo."
"Wow! Talaga! Tamang tama nagugutom na ako."
"Bakit ba ang takaw mo?" Bigla kong tanong sa kanya.
" Ayaw konang maranasang magutom" ngumiti sya saakin at sabay kuha sa dala ko.
Oo nga pala tatlong araw na hindi sila nakakain mula ng kidnapin sila. Bigla akong nakaramdam ng kirot para sa kanila. Siguro masakit na karanasan parin ang nararamdaman nila tuwing maalala nila ang pang yayaring iyon.
"Ano pa ang tinatayo tayo mo diyan. . Halika sumali kana saamin." Muli akong nilapitan ni Jiro at niyayang sumali sa kanila.
Hinila ako ni Jiro palapit sa kanila. Pero kita ko parin sa mukha ni Mike na ayaw akong pasalihin.
" ah kayo nalang d ako marunong maglaro ng ganyan eh. May homework pala ako. Sigi " pagdadahilan ko ayaw kong magalit saakin si Mike.
Baka hanggang ngayon iniisip nya inaagaw ko ang attension nina Jiro at Alvin.
Ngayong alam kona ang dahilan ng hindi nila pakikipag halubilo sa iba ay mas naiintindihan ko na sila.
Umakyat na ako sa kwarto ko at maagang natulog.
To be continue
BINABASA MO ANG
Be My Girl(On Going)
Jugendliteratur💞Be_My_Girl💞 Synopsis #Shara_POV "Ako si Shara lumaki ako sa mahirap, iwan ko kung pat*y na ba ang parents ko or buhay pa sila. Mag isa akong pinalaki ni Tita. Mula pagkabata naranasan ko nang magtrabaho. Hindi alam ng tita ko na nag-vovolunteer...