Chapter 27

10 1 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 27

#Mike_PoV

Kinaumagahan ay nag aalmusal na kami. Tahimik lang akong kumakain samantalang nagkukuwentuhan nanaman ang tatlong ito. . Wala na bang katapusan ang kwentuhan nila.

Nakakainis tlaga..

Dati rati kami yung nag kukuwentuhan pero bakit pakiramdam ko napag iiwanan na ako .

Pakiramdam ko nag iisa ako.

Kinakausap lang nila ako pag may tanong sila pero nawawala nanaman ang attensyon nila saakin dahil kay Bans*t na ang attensyon nilang dalawa.

At doon ako naiinis dahil naiistapwera na ako dahil kay Bans*t.

Palabas na kami sa mansyon para mag aral.

Tanaw ko silang tatlo nagtatawanan ako mag isa lang naglalakad.

Dati nagtatawanan kaming tatlo habang pasakay kami sa Kotse. Pero ngayon nag iba na.

Tahimik lang akong sumakay sa kotse

Kahit kailan talaga hindi ako makasabay sa pinag uusapan nila. Kaya minabuti ko nalang na manahimik at inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng Cellphone ko.

Hanggang sa pag baba na namin sa kotse ay ramdam ko parin ang pag iisa ko.

Sobrang lungkot ko sa araw na ito.

.
.
.
.
.
.
.

#Shara_POV

Mula kagabi napapansin ko na ang pagiging tahimik ni Mike.

Pakiramdam ko hindi ako welcome sa kanya.

Kasi tuwing tinitingnan ko sya masama ang tingin nya saakin. Hindi ko naman sya masisisi dahil ako naman talaga ang may kasalanan kong bakit kami napahamak ng ganon.

Kasalanan ko kong bakit nangyari yun saamin dahil pinilit ko syang puntahan ako.

Gusto kong humingi ng sorry sa kanya pero hindi ako nakakakuha ng tempo para makapag sorry at makapagpasalamat sa kanya.

Pagdating namin sa school nakita ko syang mag isang naglalakad. Hindi nya kami pinapansin o kinikibo man lang.

Bigla akong nakaramdam ng konsensya.

Sabay na kaming pumasok ni Jiro sa classroom namin. Ayon nanaman pagka upo nya matutulog sya. .

Ano bang klasing estudeyanti ito.

Napa iling nalang ako sa di Oras.

Sobrang werdo nilang tatlo. Si Mike napakasuplado kulang sa pansin . . Si Jiro matakaw at laging natutulog sa classroom.

Si Alvin kaya ano kaya ang weirdo sa kanya?

Tika bakit ko ba sila naiisip. .

Nakinig nalang ako sa teacher namin.

Nang matapos ang klase ay mag isa na akong naglalakad. Hindi ko na ginising si Jiro baka maisturbo ko pa tulog nya.

Habang nag lalakad ako ay nasalubong ko si Alvin.

" Mag isa yata ang princisa ni Lolo ah?" Pabirong sabi saakin ni Alvin
"Nasaan na yung matakaw mong kaibigan bakit dimo kasama?" Dagdag pa nyang sabi.

" Tulog kasi si Jiro dko na ginising. Baka maisturbo ko tulog nya."

" Nakita mo ba si Mike?" Bigla nyang tanong saakin. .

"Hindi eh. Hndi ko sya nakita eh . Baka nasa classroom nila. "

"Kagagaling ko lang sa Classroom nila Wala sya doon eh.. "

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon