Chapter 15✔️

93 3 0
                                    

🌹Be my Girl🌹
Chapter 15

#Shara_POV

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom namin at mag isang nakaupo. Nakatulala lang ako at wala sa sarili.

Sa tuwing naalala ko ang nangyari prang gusto ko nang mawala sa mundo.

Bakit ba sa tuwing mag kkrus ang landas namin ni Alvin may kahiya hiyang nagaganap sa buhay ko.

Ano bang kamalasan ang nakadikit kay alvin.

" Ayaw kona sa Earth.." para akong baliw na sinasabunotan ang sarili .

.
.
.
.

#Alvin_POV

Natatawa ako bigla. . Bakit ganon sa tuwing nagkikita kami ng Babaing iyon may nakakatawang nangyayari sa kanya. Baka minamalas lang sya.

"Bakit ba kasi ayaw nyong sabihin ang nangyari? May nagawa nanaman bang kasalanan si Shara? Hoy magkwento naman kayo." Pamimilit ni Jiro. Wala kasi syang kaalam alam sa naganap kanina.

"Sinabi ko naman sayo na trip ako ng kaibigan mong yun. bigla nalang syang pumasok doon at isinara pa ang pinto at hindi pa yun itinulak nya ako para halikan. " Kwento ni Mike kay Jiro. . Gulat na gulat naman si Jiro sa nalaman nya.

"Ano? Hinalikan ka ni Shara? " Hindi makapaniwalang tanong ni JiRo.

" Hindi naman yun ang boung nangyari. Hindi naman nya un sinasadya. Ang nangyari kasi nakita ko syang palabas na ng classroom nyo pagkakita saakin . Bigla syang nataranta na parang iwan baka iniiwasan ako. Kaya yun ibang classroom ang napasukan nya. "

" O tapos h*nalikan na nya si mike?" Nacucurious na tanong ni Jiro

" Binuksan ko kasi ung pinto alam ko kasi na nasa loob pa si Mike so napalakas ang tulak ko sa pinto hindi ko naman alam na nakaharang pala sya sa pinto kaya napasama sya sa pagtulak ko sa pinto kaya yun bigla nalang nya n*halikan si Mike." Pagpapaliwanag ko kay Jiro.

"Ayaw kong maalala ang nangyari." Inis na sabi ni Mike.

Gusto kong pagtawanan si Mike pero pinipigilan ko lang. Kasi kita kong namumula parin ang pisngi nya dahil sa nangyari. First kiss kasi nya iyon.

" First kiss mo diba" pabirong sabi ni JiRo at tawang tawa gusto kung mahawa sa tawa ni JiRo kaya lang baka magalit si Mike kasalanan ko din naman ang nangyari.

"Wag mo nga akong pagtawanan. kasalanan mo tu Alvin. Kung dimo binuksan ung pinto hindi yun mangyayari." Inis na napatingin saakin si Mike.

"Nag sorry na nga ako diba. Kaya wag kanang magalit. Diko naman yun sinasadya at mas lalong hindi nya sinasadya ang nangyaring paghalik sayo." Paliwanag ko kay Mike

"Basta naiinis parin ako."

Nang maka uwi na kami sa mansyon ay sabay sabay na kaming nag didinner.

" Ano na ang balita?" Panimulang tanong ni Lolo

"May dapat po ba kaming ibalita? " Pabirong Sabat naman ni JiRo bigla ko syang siniko para magseryuso sya.

" Ayyyy sorry lolo. May ibabalita po ako. !" Masiglang sabi ni Jiro.

"Anong ibabalita mo. "

" Kanina po nagkaroon na po ng first kiss si Mike." Patawa nyang sabi

At ayon nakatikim sya ng batok kay Mike.

" Hindi yun ang gusto kung malaman. Ang gusto kung ibalita ay kung nahanap nyo na ang apo ko. "

"Lolo. Ipahanap nyo nalang sa iba. Wag nyong iasa saamin. Dahil hindi namin yan gawain. " Pariklamo ni Mike kay Lolo

"Paghahanap lang hindi nyo pa magawa. " Galit na sabi ni Lolo

"Lolo.. wala talaga kaming mahanap." Sabi naman ni JiRo na nagrereklamo na din.

" Dahil hindi kayo naghahanap. Paano nyo mahahanap kong hindi nyo hahanapin."

"Lolo pangalan lang ang ibinigay nyo. Baka pweding magpakita din kayo ng picture nang anak nyo. " Sabi ko.

Kinuha ni Don.Zalasar ang isang lawarawan ng kanyang anak na si Alexander.

"Napakagwapo naman pala ang anak nyo. " Sabi ni Jiro na syang nakahawak sa litrato.

" Don't worry Lolo. Gagawin ko ang lahat para mahanap ang apo nyo. " Sabi ko.

"kahit tamad ako. Sigi maghahanap ako ." Sabi naman ni Jiro

"Ako lolo. Wag nyo na akong asahan" prankang sabi ni Mike

Matapos kaming kumain ay pumunta kaming tatlo sa secret place naming tatlo.

Gumawa kasi kami noon ng maliit na kubo sa likod ng mansyon may malaki kasing puno doon kaya doon kami gumawa ng secret place naming tatlo.

"Wag nyo namang paasahin so Lolo. Alam ko naman na hndi kayo maghahanap" sabi ni Mike na abala nanaman sa pagLalaro ng mobile legend.

"Hindi naman namin sya paasahin. Magahahanap talaga ako." Sabi ni Jiro.

" Ako din. Maghahanap ako sa abot ng aking makakaya." Sabi ko sa kanila.

"Tsk! Kung mahanap nyo." Sabi ni Mike. Na abala parin sa paglalaro ng cellphone nya.

.
.
.
.

To be continue

Be My Girl(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon