🌹Be my Girl🌹
Chapter 18#Shara_POV
Matapos kaming kumain ay palabas na kaming dalawa ni Mike sa Jollibee.
Napansin ni Mike na nawala don ang Motor nya.
"Tika! Nasaan ung motor dito.. naku lagot ako d naman akin yun. Lagot talaga ako. dito ko lang pinark yun diba?"
"Oo dito mo nga pinark yung motor kaya lang bakit wala na diyan?"
"Hinahanap nyo ba ang motor nyo?" Biglang may nagsalita sa likoran namin na lalaki. Napalingon naman kaming dalawa ni mike.
Bigla akong nakaramdam ng takot kasi sya yung lalaking sumusunod saakin kaninang umaga.
"Oo eh bigla nalang nawala dito." Sabi ni Mike.
Ibinilung ko kay Mike na sila yung gustong kumidnap saakin.
"Ano totoo ba yang sinasabi mo?" Nabigla sya sa nalaman nya
"Oo !. o ano naniwala kana may gustong kumidnap sa akin? "
" Oo na naniniwala na ako. "
"Ano na gagawin natin?" Natatakot kong sabi
Napansin ko na napalibutan na kami ng mga kasama ng mamang ito.
"Pag bilang ko ng tatlo. Sabay tayong tumakbo. " Pabulong na sabi saakin ni Mike.
"Sigi... " Pagsang ayon ko sa kanya
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at pagbilang nya ng tatlo sabay kaming tumakbo.
Napahinto kami sa pagtakbo dahil naharangan kami ng isa sa kanila.
Napatingin kami sa likuran namin may nakarang din. Napalibutan nanaman kami.
"Hala... naku.. ano na ang gagawin natin.. " natatakot kong sabi
"Hindi ko alam" alam kung natatakot narin si Mike sa nangyayari ngayon. Pero hindi nya saakin pinapahalata ang takot na nararamdaman nya
"Wala na kayong kawala." Pananakot saamin ng isa sa kanila.
Gusto kung lumaban at ipakita sa kanila ang natutunan ko sa martial art kaya lang kukunti lang naman ang alam ko. Pagdepensa lang naman ang alam kung gawin. Pero masyado silang marami para patumbahin ko isa isa.
Palapit yung isang lalaki saamin hindi ko hinayaan na makapalit sya saamin kaya pinatumba ko sya.
Kita ko ang pagkagulat ni mike ng mapatumba ko yung isa sa kanila kaya lang ay bumangon din ito at galit na galit sa ginawa ko.
Gusto kung maiyak sa sobrang takot ko sa nangyayari saamin ni mike pariho naming hindi alam ang gagawin.
Sabay sabay silang lumapit saamin para dakpin kami. Pariho kaming nagpupumiglas ni mike pero hindi namin kinaya ang mga taong yun kaya tuloyan na kaming nagapos at may pina amoy nanaman sila samin kaya hito nawalan na kami ng malay ni Mike.
.
.
.
.
.#Alvin_PoV
Naisipan kong puntahan si Mike para isauli ang hiniram kung sapatos sa kanya. Nasira kasi ang sapatos ko at wala akong oras para bumili kahapon. Kaya nanghiram mona ako kay Mike.
Kanina pa ako kumakatok pero hindi parin nya ako pinagbubuksan kaya.
Sinubukan kung buksan ang pinto kung naka lock ba ito o hindi buti hindi nakalock kaya pumasok na ako.
Napansin kong wala sya sa kwarto nya.
Kaya sinubukan kong puntahan sya sa kwarto ni Jiro baka nandoon sya .
Kumatok mona ako sa pintuan ng kwarto ni Jiro bago pumasok.
"Bakit?" Napatanong bigla si JiRo habang nanonood ng One piecr ang hilig kasi nyang manood ng anime.
"nadiyan ba si Mike?" Tanong ko. Pansin ko na wala din doon si Mike.
"wala sya dito. Nakita ko syang palabas kanina." Sabi ni Jiro
"Ganon ba! Akala ko kasi nandito sya."
Pababa na ako baka nandoon sya sa treehouse. Kanina ko pa kasi sya tinatawagan hindi nya ako sinasagot.
Tiningnan ko sya sa treehouse wala din sya doon. Saan naman kaya sya pumunta?
Pagpablik ko napansin ko si manong Guard na hinahanap ang motor nya.
Kaya napatanong ako sa kanya kung nakita nya si Mike. Sa laki ba naman ng mansyon na ito malamang baka nagkasalubongan kami ng hindi ko napapansin.
" Manong nakita mo ba si Mike?"
"Hindi ko sya nakita eh.. pati nga ung motor ko nawawala eh. " Sabi ni manong guard.
"ah.. ganon ba san kaya sya pumunta." .
Pumasok na ako sa loob ng mansyon at nakasalubong ko si Jiro
" O nahanap mo na ba si Mike?"
"Hindi ko pa sya nakita!"
"baka kausap sya ni Lolo. "
"Baka nga! Kausap sya ni Lolo."
Pero iba ang nasa isip ko. Nawawala ang motor ni Manong Guard. Di kaya tama ang hinala ko na umalis mag isa si Mike. Pero hindi naman sya aaalis kung di kami kasama ni Jiro
Sumilip ako sa office ni Lolo pero wala doon si Mike. Sumilip na din ako sa kwarto ni Lolo mahimbing ang tulog ni Lolo.
Bigla akong nag alala kay Mike baka mapahamak sya, mag isa pa namn sya .
Sinubukan ko syang tawagan ulit pero ring ng ring parin hanggang sa may sumagot na.
"Hello. Mike nasaan kana ba?"
"hellow. Hndi ito si Mike naiwan ata ito ng may ari." Iba ang nakasagot.
Bigla akong kinabahan dahil iba ang nakasagot sa cellphone ni Mike.
To be continue.
BINABASA MO ANG
Be My Girl(On Going)
Teen Fiction💞Be_My_Girl💞 Synopsis #Shara_POV "Ako si Shara lumaki ako sa mahirap, iwan ko kung pat*y na ba ang parents ko or buhay pa sila. Mag isa akong pinalaki ni Tita. Mula pagkabata naranasan ko nang magtrabaho. Hindi alam ng tita ko na nag-vovolunteer...